You are on page 1of 14

Filipino 10

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Unang Markahan – Modyul 2: Mitolohiya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Arlene S. Cordial
Editor: Albert C. Nerveza at Melinda P. Iquin
Tagasuri: Geraldo L. See Jr.
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
2
Filipino 10
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Mitolohiyang Cupid at Psyche

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Modyul para sa
araling Mitolohiyang Cupid at Psyche!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino10 Modyul ukol sa Mitolohiyang Cupid at


Psyche!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipan ng nakapaloob


sa binasang akda sa nagyayari sa sarili, pamilya, pamayanan,
lipunan, at daigdig.
2. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito.
3. Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang
mitolohiya
4. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang
tinalakay.
MGA INAASAHANG LAYUNIN
A. Nasusuri ang mahahalagang kaisipan na nakapaloob sa akdang
binasa na may kaugnayan sa sarili, pamilya, pamayanan lipunan
at sa daigdig;
B. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda batay sa
kayarian nito.
C. Nakapaglalahad ng sariling pananaw/opinyon sa katangian ng mga
pangunahing tauhan batay sa akdang binasa.

PAUNANG PAGSUBOK

Ang bahagi ng modyul na ito ay susukatin ang iyong kaalaman


tungkol sa mga diyos at diyosa ng Romano at Griyego na kabilang sa
mitolohiyang iyong pag-aaralan.

PANUTO: Basahin sa HANAY B ang bawat pahayag na naglalarawan ng


katangian ng mga diyos at diyosa na nakatala sa HANAY A. Isulat ang letra
ng angkop na sagot sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
_____ 1. Venus A. Diyosa ng kagandahan, kalapati
_____ 2. Cupid ang sagisag niya.
_____ 3. Mercury B. Kapatid ni Jupiter at panginoon ng
_____ 4. Pluto kaharian sa ilalaim ng lupa.
_____ 5. Jupiter C. Hari ng mga diyos at kalawakan.
E. Diyos ng pagmamahal at sinasabing
anak ni Venus.
F. Mensahero ng mga diyos at kilala rin
sa tawag na Hermes ng mga Greek

6
BALIK-ARAL

Muli, ating kilalanin ang labindalawang pinakadakilang diyos at


diyosa ng Mitolohiyang Rome at Greece na laging nababanggit sa panulat
lalo na noong Panahong Klasiko.
PANUTO: Suriing mabuti ang larawan ng diyos at diyosa ng Mitolohiyang
Romano at piliin ang letra ng wastong katumbas nitong diyos at diyosa sa
Mitolohiyang Griyego.

1. ROMAN: NEPTUNE - Griyego: ____ 2. ROMAN: JUNO - Griyego :


____

A. Artemis
A. Hera
B. Hermes
B. Athena
C.
C. Hestia
Poseidon

https://www.greentube.com https://www.behance.ne
/game/almighty-jackpots-re t/gallery/3144480/Roma
alm-poseidon/ n-Gods

3. ROMAN: APOLLO – Griyego : ____ 4. ROMAN: PLUTO – Griyego : ____

A. Ares A. Zeus
B. Hades B. Hades
C. Apollo C. Ares

https://www.thinglink.com/sc
ene/748992830730403840 https://www.pngitem.com/middl
e/ToxiTRo_hades-greek-god-png-d
ownload-hades-greek-god/

5. ROMAN: VENUS – Griyego : ____

A. Aphrodite
B. Hera
C. Athena

https://www.pinterest.ph/pin/45
3878468668927780/

7
Binabati kita napagtagumpayan mo ang gawain para sa pagbabalik-
aral. Ngayon, halina at ating tunghayan ang makulay na pag-iibigan nina
Cupid at Psyche.

ARALIN
Maaaring i-click ang link sa ibaba upang mapanood ang isang
halimbawa ng mitolohiya. Kung walang access sa internet ay maaaring
basahin ang mitolohiya na makikita sa modyul na ito.
https://www.youtube.com/watch?v=e-
uFKUhXP38&feature=youtu.be&fbclid=IwAR1wwYWgzfIRbZK8zzhJLBFF1NGyqUuQ
mC3fM_REXa_nitSSNE_HO4apLo4

Narito ang isa sa mga mitolohiya ng Rome. Isinalaysay ito ni Apueleius,


isang manunulat na Latino. Ito ay bahagi lamang ng nobelang Metamorphoses na
kilala rin sa tawag na The Golden Ass (donkey). Basahin at unawin mo ito upang
matuklasan mo kung paano nakatulong ang mitolohiya sa pagpapaunlad ng
panitikang Pilipino.
Buod ng Cupid at Psyche
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

May hari na may tatlong anak na babae. Ang dalawa dito ay may asawa ng hari
at masaya na, tanging ang bunso na lang na si Psyche ang hindi pa naikakasal. Sa
tatlong magkakapatid si Psyche ang pinakamaganda, ngunit kahit gaano pa siya
kaganda ay walang umiibig sa kanya, sa halip ay sinasamba siya ng mga
kalalakihan. Sinasabing mas maganda pa siya sa Diyosa ng Kagandahan. Dahil sa
lahat na lamang ng atensyon ay napupunta kay Psyche, hindi na napapahalagan
ang diyosang si Venus na labis nitong ikinagalit. Inutusan ni Venus ang kanyang
anak na si Cupid upang ihanap si Psyche ng isang halimaw na papakasalan niya,
ngunit sa kagandahang taglay ni Psyche ay napaibig niya si Cupid.
Humingi ng tulong ang hari kay Apollo upang maihanap si Psyche ng
mapapangasawa. Ipinadala si Psyche sa tuktok ng bundok upang makilala ang
halimaw na kanyang pakakasalan. Gabi na at takot na takot siya sa kanyang
kahaharapin, hanggang dumating ang malambing na simoy ng hangin na dala ni
Zephyr at dinala siya sa payapang lugar hanggang makatulog siya. Pagkagising
niya ay natanaw niya ang mansyon na may pilak at mga ginto. Nagpakasaya si
Psyche sa mansyon habang iniintay ang kanyang asawa .Kinalaunan, narinig niya
ang tinig ng lalake, hindi na siya natakot ng napakinggan ang tinig nito.
Isang gabi, napakinggan ni Psyche ang pagluluksa ng kanyang mga kapatid sa
kanya, at ipinakiusap niya na makita niya ang mga ito. Binalaan si Psyche ng
kanyang asawa na dapat hindi siya magpadala sa tukso na tingnan ang mukha ng
asawa at nangako si Psyche. Nakita ng dalawang kapatid ni Psyche ang pilak na
mansyon na hindi pa nila naranasan sa kanilang asawa kaya gumawa ang mga ito

8
ng masamang balak para sa asawa ni Psyche. Dahil sa takot at pangamba ni
Psyche ay nakinig siya sa plano ng mga kapatid. Noong isasagawa ni Psyche ang
pagsaksak ng punyal sa dibdib ng asawa nito ay nakita niya ang magandang
mukha ng asawa na mas maliwanag pa sa ilaw ng lampara. Labis ang pagsisisi at
kahihiyan ang nadama ni Psyche sapagkat hindi niya natupad ang kanyang
pangako kay Cupid.
Dahil dito, mas nagalit si Venus kay Psyche. Binigyan niya ito ng mga
pagsubok upang pahirapan. Unang pagsubok ay   pagsama-samahin ang mga
butong magkakauri, nagawa niya ito sa tulong ng mga langgam. Pangalawang
pagsubok ay kumuha ng gintong balahibo mula sa mga mapanganib na tupa,
Natutukso na siyang tumalon sa ilog, ngunit pinayuhan siya sa mga halaman at
nakakuha siya ng gintong balahibo. Ang huling pagsubok ay pinakuha siya ng
kahon upang humingi kay Proserpine ng kagandahan. Ito ang pinakamapanganib
na pinagawa sa kanya,tinulngan siya ng isang tore na makapunta sa kaharian sa
ilalim ng lupa ,sa kaharian ni Hades. Nakahuha siya ng kagandahan ngunit
natukso siya at binuksan niya ang kahon upang kumuha ng kaunting kagandahan
upang magustuhan ulit siya ni Cupid ngunit siya ay nakatulog dahil dito.
Tinulungan siya ni Cupid upang madala niya ang kahon kay Venus. Nagawa niya
lahat ng pagsubok.
Kinausap ni Cupid si Jupiter na tulungan upang hindi na muling gambalain
ng kanyang ina na si Venus, sinang-ayunan naman ito ni Jupiter. Pinulong ni
Jupiter ang lahat ng mga diyos kasama si Venus upang ipahayag ang
pagpapakasal nina Cupid at Psyche. Inabot ni Jupiter kay Psyche ang AMBROSIA
upang maging imortal na siya at upang hindi na magambala pa ang iba. Naging
panatag narin si Venus sapagkat diyosa na rin si Psyche.
Upang makatugon sa unang pagsasanay, nais kong malaman mo na may
iba’t ibang uri ng salita ayon sa kayarian nito. Halina! Ating alamin ang
sumusunod na kayarian ng mga salita.

1. Payak- binubuo ng salitang- ugat lamang at walang kasamang panlapi at


hindi rin nagkakaroon ng pag-uulit.
Halimbawa: saya, dumi, grasa, bahay

2. Maylapi - binubuo ng panlapi at salitang-ugat


Halimbawa:
ma + saya = masaya
ma + dumi = marumi
3. Inuulit - salitang binubuo ng pag-uulit ng isang bahagi ng salita o ng
buong salita
Halimbawa: masayang-masaya maruming-marumi
4. Tambalan - salitang binubuo sa pamamagitan ng pagsasama o
pagtatambal ng dalawang salita upang makabuo ng isang salita
Halimbawa:
Dalaga + bukid = dalagang-bukid
Balik + bayan = balikbayan

9
MGA PAGSASANAY

Pagkatapos mong maunawan na may iba’t ibang salita ayon sa


kayarian ay maaari na nating sukatin ang iyong natutuhan sa aralin.

PAGSASANAY BLG.1
PANUTO: Piliin sa loob ng kahon at wastong kayarian ng salitang
maysalunggutin. Isulat lamat ang letra sa patlang na nakalaan sa bawat
bilang.
A. PayakB. MaylapiC. InuulitD. Tambalan

____ 1. Hindi nawaglit sa isip ni Cupid si Psyche.


____ 2. Matinding pag-iisip ang ginawa ni Venus upang mapahamak
si Psyche.
____ 3. Tila naging isip-lamok si Psyche nang sundin niya ang udyok ng kanyang
mga kapatid.
____ 4. Napag-isip-isip ni Venus na mali ang kanyang ginawa kay Psyche.
____ 5. Naisip ni Jupiter na magpatawag ng pulong kasama si Venus.

PAGSASANAY BLG. 2
PANUTO: Isuguhit sa patlang ang ( ) puso kung si Cupid ang tikutukoy sa
pahayag at ( ) palaso kung si Psyche.

_____ 1.
Siya ang madalas na mabuyo ng mga kapatid.
_____ 2.
Labis na umiibig sa minamahal sa kabila ng ginawa nito pagtataksil.
_____ 3.
Nagpakita ng katatagan sa kabilang ng lahat ng pagsubok na kinaharap.
_____ 4.
Ang naghangad ng karagdagang kagandahan upang mapaibig muli ang
minamahal.
_____ 5. Ipinaglaban niya ang kaniyang pag-ibig sa kabila ng pagtutol ng kaniyang
ina.

PAGSASANAY BLG. 3
PANUTO: Isulat sa patlang ang M kung makatuwiran ang naging gawi ng
tauhan at DM kung di-makatuwiran.

_____ 1. Ang pagtulong ni Cupid sa taong minamahal sa pagharap nito sa kaniyang


Mga pagsubok
_____ 2. Ang pananabik ni Venus sa kahihitnan nitong kapahamakan kay Psyche.
_____ 3. Ang magpabuyo sa mga kapatid kapalit ng tiwalang ibinigay sa kanya ni
Cupid.
_____ 4. Ang paghahangad ng labis-labis ni Psyche para sa sariling kapakanan.
_____ 5. Ipinaglaban ni Cupid ang pag-ibig niya kay Psyche sa kabila ng pagtutol
ng ina.

10
PAGLALAHAT

Bilang paglalahat, mahalaga na matukoy natin ang mga kaisipan na


nakapaloob sa mga pangyayari sa akda at kung paano natin ito maiuugnay
sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Siguradong handa ka na sa
susunod na gawain.

PANUTO: Piliin sa loob ng kahon kung saan maaaring maiugnay ang


sumusunod:

A. Daigdig B. Lipunan C. Pamayanan D. Pamilya E. Sarili

_____ 1. Maging maingat sa pagtitiwala at paggawa ng desisyon.


_____ 2. Magkaroon man ng alitan sa mga miyembro ng pamilya sa huli ay sila pa
rin ang magiging sandigan at kakampi nito.
_____ 3. Huwag manghamak ng iba upang maging malakas at makapangyarihan.
_____ 4. Dapat tayong magtulungan sa halip na siraan at manakit ng kapwa.
_____ 5. Kung wala pa sa tamang edad ay mas makabubuting tumalima
muna sa mga pangaral ng magulang at nakatatanda.

PAGPAPAHALAGA

Mahalaga sa isang may-akda na mapalutang ang mensahe o kaisipan


na nais niyang iparating sa kanyang mga mambabasa. Madalas ito ang
nagiging pamantayan ng isang tao upang mapagkabuti at gumawa ng
mabuti sa kanyang kapwa. Kaya, alam kong madali na para sa iyo ang
susunod na gawain.
PANUTO: Tukuyin kung TAMA o MALI ang sinasabi ng pahayag.

_____ 1. Ang pagkamit ng pagkakamali ay magdudulot ng malaking


suliranin sa buhay.
_____ 2. Ang tiwala ay nagbibigay-buhay sa pag-ibig o pagmamahal.
_____ 3. Maging maingat sa pagtitiwala at sa paggawa ng desisyon.
_____ 4. Ang panlabas na kagandahan ay patunay rin ng panloob
na kagandahan.
_____ 5. Sa pamilya ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng inggitan.

11
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Bilang huling bahagi ng modyul na ito, tatayain ang iyong kaalaman
kung talaga naunawaan mo na ang paksa na tinalakay sa aralin na ito.
PANUTO: Tukuyin ang kaisipan na nais ipakahulugan ng pahayag. Isulat ang
letra ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Alin sa sumusunod ang tunay na nagpapakita ng tunggalian ng tao laban


sa sarili base sa akdang Cupid at Psyche?
A. Pagkainggit ni Venus sa kagandahan ni Psyche.
B. Hindi pagsunod ng ama ni Psyche sa utos ni Apollo.
C. Ang pag-alis ni Cupid dahil hindi sinunod ni Psyche ang kanyang payo
D. Pagkalito ng isip ni Psyche kung susundin ba niya ang utos ng
kanyang kapatid.
_____ 2. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa
mitolohiyang Cupid at Psyche?
A. Pagsunod sa buyo ng kaniyang mga kapatid.
B. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid
C. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya
kay Cupid.
D. Binalak magpakamay ni Psyche nang ito ay magkasala kay Cupid
dahil sa labis na pagsisisi.
_____ 3. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na
“Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala.”
A. Walang pag-ibig kung walang tiwala.
B. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkatiwala.
D. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay.
_____4. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagmamahal sa
pamilya?
A. Paghingi ng tulong ng ama ni Psyche kay Apollo.
B. Pagdalaw ng mga kapatid ni Psyche sa bahay nito.
C. Ginawa ni Venus ang lahat para sa kaligtasan ng anak.
D. Pinayuhan si Psyche ng mga kapatid kung paano makaliligtas sa
asawang halimaw.
_____ 5. Alin sa mga pahayag ang hindi kaugnay sa pagkakaroon ng pagkakaisa sa
lipunan.
A. Matutong magpatawad sa kapwa.
B. Magkaroon ng pagtitiwala sa kapwa.
C. Dapat na magtulungan sa halip na magsiraan.
D. Maging maingat sa pagtitiwala at pagagwa ng desisyon.
12
SUSI SA PAGWAWASTO

MODYUL 2
ARALIN 1.1 (Mitolohiya)

Paunang Pagsubok Paglalahat


1. A 1. C
2. E 2. A
3. F 3. B
4. C 4. E
5. D 5. A
Balik-aral Pagpapahalaga
1. C 1. TAMA
2. A 2. TAMA
3. C 3. TAMA
4. B 4. MALI
5. A 5. TAMA
Pagsasanay Panapos na Pagsusulit
Blg.1 Blg.2 Blg.3 1. D

1. A 1. 1. M 2. C

2. B 2. 2. DM 3. C

3. D 3. 3. DM 4. C

4. C 4. 4. DM 5. A

5. B 5. 5. M

13
Sanggunian

https://sites.google.com/site/aralinsafilipino10/aralin-1/cupidatpsyche
https://www.slideshare.net/ReybelDoasales/kayarian-ng-mga-salita-report
https://www.youtube.com/watch?v=e-
uFKUhXP38&feature=youtu.be&fbclid=IwAR1wwYWgzfIRbZK8zzhJLBFF1NGyqUuQ
mC3fM_REXa_nitSSNE_HO4apLo4

14

You might also like