You are on page 1of 15

Pangasinan State University

Bayambang Campus
Bayambang Pangasinan
S.Y. 2020 – 2021

BANGHAY ARALIN SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

Inihanda nina:
Domondon, Anne Loraine Dizon Gutierrez, Rowena Mendoza

Escosio, Mikaehla Loyd Cabe Hernandez, Christon Joyn B

Espinoza, Janelle Bombita Juan, Alyssa Nichole Tuazon

Fabia, Irish Nicole Marron Junio, Ailene V.

Ferrer, Mary Jane Roldan Lacerna, Jasmin F.

Gagar, Jonathan A. Latorre, Tom Markland Aguillon

Garcia, Alleah Jayzel L. Laulita, Kimberly Rivera

Garcia, Eloisa Montemayor Laulita, Leah Nanat

Garcia, Jed D. Laza, Angel Lyka J.


Garcia, Pamiela Ramos Libed, Monica Bissara

BEE EGED I1 (Group 2)

Yunit II: Pakikipagkapuwa-tao


Aralin 1: Pagkakamali ko, Itutuwid ko

I. Layunin
1. Naipapamalas ang pag unawa na hindi nag hihintay ng anumang kapalit ang
paggawa ng mabuti.
2. Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na kahulugan ng pakikipagkapwa
3. Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapwa tulad ng:
pagtanggap ng sariling pagkakamali at pagtutuwid nang bukal sa loob.
II. Paksang-Aralin
A. Paksa – “Pagkakamali ko, Itutuwid ko”
B. Sanggunian – Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitan ng Mag-aaral
C. Kagamitan – Video presentations
III. Paunang Aktibidad
A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Bata

1. Panalangin TCMC Ecumenical Prayer


- Magsitayo ang lahat para sa panalangin.
Panginoon, maraming salamat po
(Susundan ng bata ang pagbigkas ng
sa dakilang araw na ito! Kami po ay
guro ng panalangin)
nagpupuri at niluluwalhati ang inyong
mga kaloob na biyaya sa amin.

Gabayan po ninyo kami sa aming


pag-aaral at pagtuklas ng bagong
kaalaman na magtataguyod sa amin
upang maging mahusay mong
tagapaglingkod.

Ipadala po ninyo ang inyong banal


na Espiritu upang magningas sa puso ng
bawat isa sa amin ang maalab na
pagnanais na maging mahusay na
mamamayan na may malasakit sa
pamilya, kapwa, kalikasan at sa mahal na
bansang Pilipinas.

Ang lahat ng ito ay hinihiling


naming sa matamis at dakilang pangalan
ni Hesus na aming tagapagligtas. Amen.

- Magandang umaga din po, Teacher!

2. Pagbati
- Magandang umaga mga bata!
- Maaari nang umupo ang lahat. - Ang araw po ngayon ay Martes.

3. Balitaan
- Ang araw ngayon ay Martes, ano ang
araw ngayon? Exodus? - Ang araw po kahapon ay Lunes.
- Ang araw kahapon ay Lunes, ano ulit
ang araw kahapon? Sam?
- Ang petsa po ngayon ay ika-
dalawampu’t dalawa ng Hunyo, taon
- Ang petsa ngayon ay ika-dalawampu’t
dalawanglibo at dalawampu’t isa.
dalawa ng Hunyi, taon dalawanglibo at
dalawampu’t isa, ano ang petsa
ngayon? Zaldy?

- Ang panahon po ngayon ay Maaraw.


- Ang panahon ngayon ay Maaraw, ano
ulit ang panahon ngayon? Vincent?

- Maaari bang tumayo ang mga batang


- Labing anim na batang lalaki po ang
lalaki? Ilang batang lalaki ang
pumasok ngayon.
pumasok ngayon? Patrick?
- Maaari bang tumayo ang mga batang
babae? Ilang batang babae naman
- Labing apat na batang babae po ang
ang pumasok ngayon? Jilliane?
pumasok ngayon.

- Maari mo bang iulat kung ilan lahat


ang mga batang pumasok na nasa
baitang isa? Gab?
- Dalawampu po lahat ang mga batang
pumasok na nasa baitang isa.

B. Pagsisimula ng bagong aralin


- Mga bata, alam niyo ba ang mga iba’t - Hindi po.
ibang emosyon ng tao?

- Ang halimbawa ng emosyon ay takot,


galit, naiinis, kalungkutan, sorpresa at
kasiyahan.

- Ngayon, may ideya na ba kayo kung


ano ang mga iba’t ibang emosyong ng
- Opo.
tao?

- Magaling. Ano ano ang mga emosyon


ng tao? (nagtaas ng kamay ang mga
bata). Gab, magbigay ng isa. - Takot po.

- Tama. Patrick, magbigay pa ng isa.

- Tumpak. Ngayon, alam niyo na ang - Kalungkutan po, teacher.


mga iba’t ibang emosyon ng tao.

C. Pagganyak
- Mga bata, may ipapakita ako sa inyo
na iba’t ibang larawan. Ang mga
larawan na ito ay may kinalalaman sa
ating aralin.
- Ano ang mga larawan na inyong mga
nakikita? Magbigay ng isa, Vincent?
- Masaya po.

- Tama.

- Ano pa ang iyong nakita? Sam? - Malungkot po.

- Tumpak.
- Ang mga nasa larawan ay ang mga
iba’t ibang emosyon ng tao.

D. Paghawan ng Balakid
- Ngayon naman mga bata, magbigay ng
kasing kahulugan ng mga salitang
sumusunod: kasiyahan, surpresa, at galit,
gamitin ito sa pangungusap.

- (Nagtaas ng kamay ang mga bata)

- Kasiyahan, natuwa. Ako ay


- Magbigay ng isa, Sam. natuwa noong nakita kong may
bago akong laruan.

- Surpresa, nagulat. Ako ay nagulat


sa nakita kong malaking ahas.
- Magaling. Magbigay pa ng isa, Zaldy.

- Galit, masama ang loob. Masama


ang loob ko dahil binubuly ang
- Mahusay. Magbigay ng isa, Gab. aking mga kaibigan.

Napakahusay mga bata!

E. Pagganyak na mga Tanong


- Kailan ka nagiging masaya? Jilliane? - Nagiging masaya po ako kapag may
bago akong laruan.

- Mahusay.

- Nalulungkot po ako kapag nakikita ko


- Kailan ka naman nagiging malungkot?
pong malungot ang mga magulang ko
Exodus?

- Magaling. Kailan ka naman nagagalit? - Nagagalit po ako kapag may nang aaway
po sa mga kaibigan ko.

- Napakuhasay naman ninyong lahat.

- Opo.
- Ngayon ay tutungo na tayo sa ating
bagong aralin, handa na ba kayo?

F. Pagbibigay Pamantayan sa Pagbasa ng Kwento


- Sa pagbabasa ng tahimik meron
tayong sinusunod na pamantayan,
mga bata.
- Una, Maupo ng tuwid at maayos
- Pangalawa, hawakan ang aklat gamit
ang dalawang kamay sa ilalim ng
aklat
- Pangatlo, mga mata ang gamitin sa
pagbasa.
- Pang apat, itikom ang bibig.
- Pang lima, bumasa ng matulin
hangga't maaari.
- At ang pang anim naman, unawaing
mabuti ang binabasa.
- Naiintindihan niyo ba mga bata?

- Ngayon naman, narito ang


pamantayan sa pagbasa ng malakas.
- Una, tumayo ng matuwid.
- Pangalawa, hawakan ng maayos ang
aklat.
- Opo.
- Pangatlo, bumasa ng matulin at
masigla.
- Pang apat, huminto ng bahagya kung
may quit.
- At pang lima, tumigil kung may tuldok.
- Ngayon alam niyo na ang mga
pamantayan, handa na ba kayong
magbasa ng kwento.

- Opo.
G. Pagbasa ng Kwento/Tula

Parol ni Carla
Nagmamadali si Carla sa pagpasok sa paaralan. Masayang-masaya siya
sapagkat natapos niya ang kaniyang proyektong parol. Katulong niya ang kaniyang
buong pamilya sa paggwa nito. Habang bitbit niya ang parol ay nasagi siya ng isang
batang nakikipaghabulan sa kaklase nito, dahilan upang mapahagis ang bitbit na
parol ni Carla at nasira ito.
Halos umiyak na si Carla sapagkat mahuhuli na siya sa kaniyang klase at
nasira pa ang kaniyang proyektong parol/
“Naku, paano na iyan, wala na akong ipapasa kay Ma’am,”
“Pasensya na, hindi kita napansin kasi naghahabulan kami,”

“Tutulungan na lanag kitang mabuo ulit ang parol,” wika pa ng batang


nakasagi.
Pumayagh naman si Carla at magkasama silang nagpaliwanag sa guro kung
bakit nasira ang parol.
Nang araw ding iyon ay magkatulong na ang dalawang bata sa pagbuo ng
parol ni Carla. Magkasama nila itong ipinasa sa guro at nagging magkaibigan pa
silang dalawa.

- Sino ang gusting magbasa ng kwento - Ako po, teacher.


na ang pamagat ay “Parol ni Carla”?

- Sige, Zaldy. Basahin mo ang kwento.

H. Pagsagot ng mga tanong/Malayang Talakayan


- Naintindihan niyo ba ang kwento mga - Opo.
bata?
- Kung naintindihan nga ninyo, isalaysay - Habang bitbit niya po ang parol ay
ang nangyari habang naglalakad si nasagi po siya ng isang batang
Carla patungo sa kaniyang silid-aralan. nakikipaghabulan sa kaklase nito,
Patrick? dahilan po para mapahagis ang bitbit
na parol ni Carla at nasira po ito.

- Opo teacher. Kasi po kung nakagawa

- Tama ba ang ginawang paghingi ng ng kasalanan kailangang himingi ng

paumanhin ng batang nakasagi sa tawad.

iyo? Simon?

- Ang sasabihin ko po okay lang po at

- Kung ikaw si Carla, ano ang sasabihin kung pwede ay samahan niya akong

mo sa nakasagi sa iyo? Arkin? magpaliwanag sa guro ko kung bakit


po sira ang proyekto ko.

- Opo, tama po dahil humingi po siya ng


paumanhin at tinulungan niya po si
Carla na buoin ang parol.
- Pano ituwid ng batang nakasagi ang
kaniyang pagkakamali? Tama ba ang
kaning ginawa, Via?
- Bibigyan ko po siya ng pagkain bilang
paghingi ng tawad at tutulungan ko
din po siyang ayusing kung ano po
yung nasira.
- Sa iyong palagay, ano pa ang ibang
paraan upang maituwid ang
nagawang pagkakamali? Sevi?

I. Paglalahat
Sinasabing normal lang sa tao ang magkamali subalit hindi dapat abusuhin ang
pahayag na ito, maaring gawin gabay ang pagkakamali upang matuto at hindi na maulit
ang nagawang mali at maiwasang makasakit ng kapwa.
Ang paghingi ng paumanhin ay positibong paguugali na dapat makasanayan ng
mga bata. Dapat ding isabuhay at isapuso ang natutunang aral sa pagkakamali upang
di na ito maulit.
Ang tutuwid ng pagkakamali at paghingi ng tawad ay hindi nagpapakita ng
kahinaan kundi tanda ito ng katapangan o katatagan; nagpapakita din ito ng pagiging
mahinahon, at maunawain sa damdamin ng kapuwa. Mahalagang timbangin muna ang
idudulot na Mabuti o hindi Mabuti bago gumawa ng desisyon. Sabi nga ng isang
kilalang Tsinong Pilosopo na nagngangalang Confucius na nagsabi na, “Huwag mong
gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo.”

J. Pagpapahalaga
- Ngayon mga bata, alam niyo nan a
dapat iwasang makasakit ng
damdamin ng ating kapuwa. Upang
maisabuhay at makasanayan nating
humingi ng tawag sa ating kapuwa,
bawat isa sainyo ay kailngang
gumawa ng card na naglalaman ng
paumanhin para sa nagawang
pagkakamali. Gamitin ninyo ang
pagiging malikhain. Isulat ninyo sa
loob ng card ang mga nagawa niyong
pagkakamali sa kaniya at paghingi
niyo ng tawad pagkatapos ay ibigay
niyo ito sa taong nais hingian ng
tawad.
- (Pagkatapos magbigayan ng card)

- Ano mga bata, nakatulong ba ito


upang maituwid mo ang iyong
pagkakamali?
- Opo.

- Bukod sa pagbibigay ng card ng


paumanhin, ano pa sa palagay mo
ang puwedeng gawin upang maituwid - Humingi ng paumanhin sa personal
mo ang iyong pagkakamali sa po, teacher.
kapuwa?

- Magaling.

IV. Pagsubok
Gawain 1
Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan tsek ( ) ang iyong
pinapaniwalaang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Palagi Paminsan- Hindi ko
minsan ginagawa

1. Humingi ako ng tawad kapag nagkamali


ako.

2. Nakagawa ako ng pagkakamali sa aking


sa aking kapuwa kahit hindi ko
sinasadya.
3. Nagpapatawad ako sa taong nagkasala
sa akin.

4. Nagpapatawad ako ng bukal sa aking


kalooban

5. Inaayos ko agad ang tapuhan tuwing may


hindi kami pagkakaintindihan ng aking
mga kaibigan.

6. Tinutuwidp ko ang aking pagkakamali sa


pamamagitan ng pag-amin sa aking
nagawang kasalanan.

7. Iniiwasan kong makasakit ng kapuwa.

8. Kinakausap ko ang isang tao kahit na


may nagawa siyang kamalian sa akin.

9. Humingi ako ng paumanhin kahit na hindi


ko sinasadya ang nagwang pagkakamali.

10. Nagpapatawad ako kahit na hindi


humingi ang taong nagkasala sa akin.

Gawain 2
Basahin ang talata at isulat sa kahon ang dapat at tamang gawin tuwing
nakakagawa ng pagkakamali.

1. Habang wala pang klase kayo ay nahahabulan ng mga kaibigan sa labas ngunit
sa kasamang palad nabangga mo ang isang kaklase mo. Ano ang dapat mong
gawin?

Isulat ang sagot sa kahon:

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
2. Habang ikaw ay umiinom ng tubig sa hindi sinasadyang pangyayari ay nadulas
sa kamay mo ang baso at nahulog kaya ito ay nabasag. Ano ang dapat mong
gawin?

Isulat ang sagot sa kahon:

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

3. Nagkaroon kayo ng kapatid ng di pagkakaunawaan dahil sa laruan mo na nasira


ng iyong kapatid. Ano ang iyong gagawin?

Isulat ang sagot sa kahon:

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

V. Takdang Aralin
Gumuhit at kulayan ang larawan o pangyayari na nagpapakita ng pagpapatawad.
Gumuhit sa loob ng kahon.

You might also like