You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

PANGASINAN STATE UNIVERSITY


Bayambang Campus
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Bayambang, Pangasinan

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO


NG PANATANG MAKABAYAN
Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

Inihanda ni:

Jed De Guzman Garcia

BEE-EGED 1-1

Ipinasa kay:

Mrs. Gemma D. Escano


I. Layunin
1. Natututo sa tamang pagbigkas ng “Panatang Makabayan”
2. Natututong pagtibayin ang diwang pagkamakabayan
3. Natutukoy ang tapat na paglilingkod sa bayan

II. Paksang Aralin


Sangunian: https://philnews.ph/2020/01/04/panatang -makabayan-ang-
pambansang-panunumpa-sa-watawat
Kagamitan: Mga larawan at flashcard
Saloobin: Pagpapahalaga sa bayan at pinagtitibay ang pagkamakabayan

III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro

A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Pagbati / Panalangin
2. Pag-tsek ng attendance
3. Pagpasa ng takdang aralin

B. Panlinang na Gawain
1. Pangganyak:
Pagpapakita ng mga letra gamit ang flashcard.
Hatiin ang klase sa tatlong grupo at ipabasa ang nabuong salita sa
flashcard
2. Paglalahad:
Ano ang mabubuong salita sa mga letrang ito?
Ano ang kabuoang mensahe ng inyong binasa ?

3. Pagtatalakay:
Ang Panatang Makabayan ay ang panunumpa sa watawat ng mga
Pilipino. Ang pagbigkas nito ay isang pagkilala sa pagkabansa ng Pilipinas at
pagpapakita ng paggalang at katapatan sa watawat bilang sagisag ng kalayaan ng
bansa. Ito ay binibigkas pagkaraan nang pag-awit sa pambansang awit ng Pilipinas ang
“Lupang Hinirang” Ito ay unang ipinatupad noong 11 Hulyo 1995 sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 8 ng Kagawaran ng Edukasyon. Mahalaga ang wastong
pagbigkas ng panunumpang ito dahil dito nasasalamin ang ating katapatapang
paglilingkod sa bansang ating sinilangan.
Bilang isang Pilipino ano ang kahalagan ng pambansang panunumpa sa
watawat?

C. Pangwakas na Gawain

1. Pagbubuo ng Kaisipan:
Ang Panatang Makabayan ang panunumpa sa watawat ng Pilipinas.
Ito ang pagkilala sa pagkamakabayan ng mga Pilipino.
Ito ay binibigkas pagkatapos ng “Lupang Hinirang”
Ang layunin nito ay pag-alabin at pagtibayin ang diwang makabayan ng
mga kabataang Pilipino.
Ito ay ipinatupad noong ika-11 ng Hulyo taong 1995 sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 8 ng Kagawaran ng Edukasyon.

2. Paglalapat:
Bilang isang estudyante nararapat bang isabuhay ang panunumpa sa
watawat? Nararapat bang pahalagahan ang pagbigkas ng Panatang Makabayan?

IV. Pagtataya
Magbigay ng limang katanungan at ipasagot ito ayon sa isinasaad ng bawat
bilang. Isulat ang tamang sagot bago ang taong.
1. Ang ay ang pambansang panunumpa sa watawat ng mga Pilipino.
2. Ang panunumpa sa watawat ay isinasambit pagtapos nang pag-awit sa
3. Noong unang ipinatupad ang pambansang panunumpa sa watawat
ng mga Pilipino.
4. Ang pagbigkas ng panunumpa sa watawat ay pagkilala sa ng mga
Pilipino.
5. Naipatupad ang panunumpa ng watawat sa bias ng ng
Kagawaran ng Edukasyon.

V. Takdang-aralin/Kasunduan
Ipa-record ang sarili habang buong pusong binibigkas ang panunumpa sa
watawat o ang Panatang Makabayan.

You might also like