You are on page 1of 4

Mala-Masusing Banghay Aralin

Araling Panlipunan 2

I. Layunin

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nabibigyang kahulugan ang salitang hanapbuhay;

b. Natutukoy ang hanapbuhay ng mga tao sa komunidad;

c. Naiuugnay ang uri ng hanapbuhay base sa kapaligiran na kinabibilangan

II. Paksa: Mga Hanapbuhay sa Aking Komunidad

Sanggunian: Araling Panlipunan 2, pahina 152-161

Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, Zoom Application, Youtube

III. Pamamaraan

A. Pangunahing Gawain

a. Panalangin

b. Pag-Awit ng “Lupang Hinirang”

c. Pagbigkas ng Panatang Makabayan

d. Balitaan sa pamamagitan ng Pag-Awit ng “Kumusta Kumusta”

e. Pagtatala ng mga Liban/Attendance

B. Pagganyak

Magpapakita ang guro ng iba’t-ibang larawan.


Ano ang napapansin o makikita niyo sa mga larawan?

C. Paglalahad

Ang aralin natin ngayong araw na ito ay ang Iba’t-Ibang hanapbuhay sa ating Komunidad

D. Pagtatalakay

Mga Karaniwang hanapbuhay sa ating komunidad

Pangingisda - Ang pangingisda ay isa sa pinakapangunahing hanapbuhay ng mga komunidad


na malapit sa dagat at lawa. Kaugnay nito ang pagdadaing, pagtitinapa at pagbabagaoong ng
mga nahuling isda.

Pagsasaka - Ang pagsasakay ay angkop na hanapbuhay sa komunidad na may malawak na


sakahan. Kaugnay nito ay ang pagtatanim ng palay at mga gulay na iniluluwas sa mga
kabayanan at pamilihan.

Pagkakarpintero - Ang pagkakarpintero ay isa rin sa mga hanapbuhay sa komunidad. Sila ang
mga gumagawa ng mga bahay, mesa, upuan at iba pang kagamitang yari sa kahoy.

Pananahi - Ang pananahi ay isa rin sa hanapbuhay sa komunidad. Ang sastre ay nananahi ng
mga kasuotang panlalaki. Ang modista naman ang tumatahi sa mga kasuotang pambabae.

Paggawa ng Tinapay - Ang paggawa ng tinapay ay isa rin sa pinagkakakitaan sa komunidad.

Paghahayupan - Ang paghahayupan ay mainam ding hanapbuhay sa komunidad. May mga


nagmamanukan at babuyan. Mayroon ding bakahan at itikan.
E. Paglalahat

Dapat nating tandaan na ang bawat hanapbuhay sa ating komundad ay may kanya-kanyang
gampanin at pangangailangan na tinutugunan. Sa tulong ng mga hanapbuhay na ito ay
natutugunan ang ating pang-araw-araw na kailangan katulad ng pagkain.

F. Paglalapat

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tinututukoy na hanapbuhay sa bawat bilang. Isulat ang
letra ng sagot sa papel.

1. Humuhuli sa masasamang loob.

2. Katulong ng mga Doktor.

3. Nangangalaga ng ating ngipi.

4. Nagtuturo upang matuto.

5. Nag-aayos ng mga sirang tubo.


IV. Pagtataya

Ibigay ang tawag na pamumuhay sa mga sumusunod na larawan:

V. Takdang Aralin

Gumupit ng 5 larawan ng iba’t-ibang hanapbuhay na makikita sa mga magazine. Kumuha ng


litrato kasama ng natapos na Gawain at ipadala sa ating google classroom.

You might also like