You are on page 1of 5

Masusing Banghay - Aralin sa Araling Panlipunan 2

I. Layunin:
1. Nabibigyang-kahulugan ang salitang “hanapbuhay”.
2. Natutukoy ang mga hanapbuhay ng mga tao sa komunidad.
3. Nahihinuha/naiuugnay ang epekto ng kapaligiran sa uri ng hanapbuhay at
pinagkukunang yaman sa komunidad.
4. Nakapangangalap ng kuwento tungkol sa karanasan ng isang taong may
hanapbuhay.
5. Naipaliliwanag ang epekto ng hanapbuhay o kawalan ng hanapbuhay sa pamilya
at komunidad.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Mga Hanapbuhay sa Komunidad
Kagamitan: Mga larawan ng iba’t-ibang hanapbuhay, papel, lapis, LCD Projector
Sanggunian: Araling Panlipunan 2
Integrasyon: Pagsulat/Storytelling
Takdang Panahon: 5-6 araw

III. Pamamaraan:

Gawaing Pangguro Gawaing Pangmag-aaral


Panalangin:
Tayong lahat ay tumayo at damhin ● Ama namin sumasalangit Ka
natin ang presensya ng ating Panginoon. sambahin ang ngalan Mo mapasaamin
Sabay – sabay nating dasalin ang Ama ang kaharian Mo sundin ang loob Mo
Namin. dito sa lupa para ng sa langit. Bigyan
Mo po kami ng aming kakanin sa araw
– araw at patawarin Mo kami sa aming
mga sala para ng pagpapatawad
namin sa nagkakasala sa amin at
huwag Mo kaming ipaintulot sa tukso
at iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Amen

Pagbati:
Magandang umaga mga bata! ● Magandang umaga rin po!

Balik – Aralin:
Kahapon tinalakay natin ang tungkol sa ● Yamang-lupa
mga likas na yaman sa ating komunidad. ● Yamang-tubig
Ano ba ang dalawang uri ng likas na
yaman?
● Kapatagan ● Karagatan
Magaling! Magbigay nga ng 3 ● Talampas ● Ilog
halimbawa ng yamang – lupa at yamang – ● Kabundukan ● Lawa
tubig?

Pagganyak:
Mayroon akong ipapakitang larawan sa ● Opo!
inyo. Maaari niyo bang tukuyin? ● Ang larawan na aking nakita ay isang
Ano ang larawang inyong nakita? komunidad.
Magaling! Anu-ano ang madalas niyong
nakikita sa isang pamayanan o ● Bahay
komunidad? ● Simbahan
● Bangko
● Paaralan
● Mga sasakyan
● Parke
Magaling! Lahat ng sagot niyo ay tama!

Alam niyo ba kung anu-anong uri ng


hanapbuhay mayroon sa inyong ● Magsasaka
pamayanan? ● Mangingisda
Magbigay nga ng halimbawa. ● Guro
● Doktor
● Panadero

Magaling! Lahat ng sagot niyo ay tama!

Paglalahad:
Ngayon, isa-isahin natin ang mga
pangunahing hanapbuhay na makikita sa ● Opo!
ating komunidad. Alamin din natin ang
epekto nito sa ating pamilya at
pamayanan. Nakahanda na ba kayong
makinig?

Kung ang komunidad ay malapit sa


anyong-tubig gaya ng dagat at lawa, ano ● Pangingisda po!
sa tingin niyo ang maaaring maging
hanapbuhay ng tao roon?

Magaling! makibasa nga ang talatang


nasa LCD Projector.

Pangingisda ang isa sa mga


pangunahing hanapbuhay sa komunidad ● Pangingisda ang isa sa mga
na malapit sa dagat at lawa. Kaugnay nito pangunahing hanapbuhay sa
ang pagdadaing, pagtitinapa at komunidad na malapit sa dagat at
pagbabagoong ng mga nahuling isda. lawa. Kaugnay nito ang pagdadaing,
pagtitinapa at pagbabagoong ng mga
nahuling isda.

Ano namang hanapbuhay ang angkop sa


mga malalawak na lupain o sakahan? ●Pagsasaka po!

Magaling! makibasa nga.

Pagsasaka ang angkop na hanapbuhay


sa komunidad na may malawak na ● Pagsasaka ang angkop na
sakahan. Kaugnay nito ang pagtatanim ng hanapbuhay sa komunidad na may
palay at mga gulay na siyang iniluluwas sa malawak na sakahan. Kaugnay nito
mga kabayanan at pamilihan. ang pagtatanim ng palay at mga gulay
na siyang iniluluwas sa mga
kabayanan at pamilihan.
Isa rin sa mga pangunahing hanapbuhay
sa ating pamayanan ay ang ● Gumagawa sila ng mga bahay,
pagkakarpintero. Ano sa tingin niyo ang upuan, mesa at iba pang yari sa kahoy.
ginagawa ng karpintero?

Magaling! makibasa nga.

Ang pagkakarpintero ay isa rin sa mga


hanapbuhay sa komunidad. Sila ang ● Ang pagkakarpintero ay isa rin sa
gumagawa ng mga bahay, upuan, mesa, mga hanapbuhay sa komunidad. Sila
at iba pang yari sa kahoy. ang gumagawa ng mga bahay, upuan,
mesa, at iba pang yari sa kahoy.
Ito naman susunod na ilalarawan kong
hanapbuhay sa inyo ay pamilyar na kayo. ● Siya po ay isang guro at pagtuturo
Siya ang nagtuturo sa ating bumasa, ang kanyang hanapbuhay.
sumulat, magbilang at marami pa. Sa
tingin niyo, sino ang aking tinutukoy at ano
ang kanyang hanapbuhay?

Magaling! makibasa nga.

Ang pagtuturo ay isa ring hanapbuhay


sa komunidad. Ang mga guro ang siyang ● Ang pagtuturo ay isa ring
nagtuturo sa mga mag-aaral sa paaralan. hanapbuhay sa komunidad. Ang mga
guro ang siyang nagtuturo sa mga
mag-aaral sa paaralan.
Ang pangingisda, pagsasaka,
pagkakarpintero, pagtuturo ang mga
pangunahing hanapbuhay na makikita
natin sa ating pamayanan o komunidad.

Narito ang iba pang mga hanapbuhay na


matatagpuan natin sa ating komunidad.
Basahin nga ng sabay sabay.

Ang pananahi ay isa rin sa hanapbuhay


sa komunidad. Ang sastre ang nananahi ● Ang pananahi ay isa rin sa
ng mga kasuotang panlalaki. Ang modista hanapbuhay sa komunidad. Ang
naman ang tumatahi ng mga kasuotang sastre ang nananahi ng mga
pambabae. kasuotang panlalaki. Ang modista
naman ang tumatahi ng mga
Ang paggawa ng tinapay ay isa rin sa kasuotang pambabae.
pinagkakakitaan sa komunidad.
Ang paggawa ng tinapay ay isa rin
Ang paghahayupan ay mainam ring sa pinagkakakitaan sa komunidad.
hanapbuhay sa komunidad. May mga
nagmamanukan at babuyan. Mayroon ding Ang paghahayupan ay mainam ring
bakahan, at itikan. hanapbuhay sa komunidad. May mga
nagmamanukan at babuyan. Mayroon
Isa rin sa mga hanapbuhay ang pagiging ding bakahan, at itikan.
“domestic helper” o kasambahay sa
ibang bansa. Tinatawag din silang Isa rin sa mga hanapbuhay ang
Overseas Filipino Worker (OFW). pagiging “domestic helper” o
kasambahay sa ibang bansa.
May mga pagkakataon na ang Tinatawag din silang Overseas
katangiang pisikal ng isang komunidad ay Filipino Worker (OFW).
iniuugnay sa pamumuhay at hanapbuhay
ng mga tao. Iba-ibang paraan ang May mga pagkakataon na ang
ginagawang pag-aangkop ng tao sa katangiang pisikal ng isang komunidad
kaniyang kapaligiran at hanapbuhay. ay iniuugnay sa pamumuhay at
hanapbuhay ng mga tao. Iba-ibang
Ang hanapbuhay ng mga tao sa paraan ang ginagawang pag-aangkop
pamayanang urban o lungsod at bayan ay ng tao sa kaniyang kapaligiran at
karaniwang sa mga pabrika, opisina o hanapbuhay.
maaaring sa sariling tahanan lamang.
Ang hanapbuhay ng mga tao sa
Ang mga naninirahan sa alin mang pamayanang urban o lungsod at bayan
komunidad ay gumagawa ng paraan ay karaniwang sa mga pabrika, opisina
upang makiayon sa kalagayan ng kanilang o maaaring sa sariling tahanan
komunidad. Ang pag-aangkop na ito ay lamang.
hindi lamang sa paghahanapbuhay.
Kasama rito ang pag-aangkop ng tirahan, Ang mga naninirahan sa alin mang
pananamit, pananim at mga gawain. komunidad ay gumagawa ng paraan
upang makiayon sa kalagayan ng
Anumang uri ng hanapbuhay o kanilang komunidad. Ang pag-aangkop
pagkakakitaan kung ito ay marangal, dapat na ito ay hindi lamang sa
itong ipagmalaki at pahalagahan. paghahanapbuhay. Kasama rito ang
pag-aangkop ng tirahan, pananamit,
pananim at mga gawain.
Anumang uri ng hanapbuhay o
pagkakakitaan kung ito ay marangal,
dapat itong ipagmalaki at pahalagahan.

Anu-ano ang hanapbuhay na inilarawan


sa iyong binasa? ● Ang mga hanapbuhay na inilarawan
sa aming binasa ay:
pagsasaka
pangingisda
pagtuturo
pagkakarpintero
pananahi
paggawa ng tinapay
paghahayupan
Overseas Filipino Worker
Magaling! Ano ang mangyayari kung
walang hanapbuhay ang isang tao? ● Kung walang hanapbuhay ang tao
wala siyang kikitain.

Magaling! Ano ang maitutulong ng taong


may hanapbuhay sa kaniyang komunidad ●Magiging maunlad ang kanyang
at sa kaniyang pamilya? komunidad at may matutugunan niya
ang mga pangunahing
pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Magaling! Anu-ano pa ang hanapbuhay


sa iyong komunidad na hindi nabanggit sa ●Nars
talata? ● Pulis
● Bumbero
● Doktor
● Kartero
●Abugado
Paglalahat:

Bakit mahalaga ang mga hanapbuhay ng


tinalakay natin? ●Kung walang hanapbuhay, walang
kikitain at hindi matutugunan ang mga
pangunahing pangangailangan.
Para sa inyo, ano ang ibig sabihin ng
hanapbuhay? ●Ang hanapbuhay ay isang gawain ng
tao kung saan dito siya kumukuha ng
kaniyang ikakabubuhay at ikauunlad.

Magaling!

Gawain 1:

Tayo ngayon ay maglalaro. Ang tawag sa


laro natin ay “Sino Siya?”. May ilalarawan ● Opo!
akong mga iba’t-ibang uri ng hanapbuhay
at itaas niyo lang ang tamang sagot
pagkatapos kong banggitin ang sino siya.
Maliwanag ba?

1. Siya ang laging tinatawag kapag


may sunog. Gumagamit siya ng ● Bumbero
malaking hose upang matupok ang
malalaking apoy.

2. Siya ang lagi nating pinupuntahan


kung tayo ay may sakit. Siya rin
ang nagrereseta sa ating ng gamot ● Doktor
upang tayo ang gumaling.
3. Siya ang laging katulong ng doktor.
Siya ang nag-aalaga ng mga
pasyente sa loob ng ospital. ● Nars

4. Ang paborito niyang gawin ay


magsulsi ng magsulsi. Ang mga
gamit niya gunting, sinulid, at ● Mananahi
karayom.

5. Siya ang laging tinatawag natin sa


oras ng pangangailangan. Hinuhuli
niya ang mga masasamang loob. ● Pulis

IV. Pagtataya:
Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy na hanapbuhay sa bawat bilang. Isulat
ang letra ng sagot sa papel.

A. Mangingisda
B. Guro
C. Karpintero
D. Magsasaka
E. Mananahi

1. Gumagawa ng ating tirahan.


2. Nagtatanim ng gulay at iba pang pananim.
3. Nanghuhuli ng mga isda at iba pang pagkaing-dagat gaya ng hipon,
alimango, at iba pa.
4. Nagtuturo sa ating bumasa at sumulat.
5. Gumagawa ng ating mga kasuotan.

Mga Sagot:
1. C
2. D
3. A
4. B
5. E

V. Takdang - Aralin:

Kopyahin sa kwaderno ang graphic organizer sa ibaba. Isulat at maggupit ng larawan ng


mga hanapbuhay sa iyong komunidad.

Mga Hanapbuhay
hahah Sa Aking
Komunidad

Inihanda ni:

Joshua S. Taño-an

You might also like