You are on page 1of 31

Epekto ng Pagkakaroon

ng Hanapbuhay sa
Pagtugon ng
Pangangailangan ng
Komunidad at ng Sariling
Pamilya
Ang pagkakaroon ng hanapbuhay ay
napakahalaga sa isang komunidad at sa
sariling pamilya. Magkakaiba ang paraan
ng pag-angkop ng mga tao sa kanilang
mga hanapbuhay. Inuugnay rin nila ang
kanilang hanapbuhay sa kapaligiran ng
kani-kanilang komunidad.
Natalakay sa mga nakaraang
aralin ang pag-aangkop ng mga tao
sa kanilang pamumuhay sa mga
likas na yaman sa kanilang
komunidad at kanilang hanapbuhay
sa uri ng kanilang kapaligiran.
Pangingisda

Ito ay pangunahing
hanapbuhay ng mga
taong nakatira sa mga
komunidad na malapit
sa lawa, ilog, at dagat.
Pagsasaka

Ito ay pangunahing
hanapbuhay ng mga
taong nakatira sa mga
kapatagan o malawak
na bukirin.
Pag-aalaga ng Hayop

Ang ibang mga taong


nakatira sa kapatagan,
burol, at talampas ay
naghahayupan. Nag-
aalaga sila ng mga
hayop tulad ng baka,
kambing, baboy at
manok.
Pagtitinda
Ang pagtitinda ng pagkain
at iba pang bagay ay isa ring
hanapbuhay.

Tindera o tindero ang


tawag sa mga taong
nagtitinda. Mayroon ding mga
nagtitinda sa mall at
department store. Saleslady o
salesman naman ang tawag
sa kanila.
Paggawa ng Tinapay

Ang paggawa ng
tinapay ay isa ring
hanapbuhay.

Panadero ang tawag sa


mga taong gumagawa ng
cake, tinapay, at biskuwit.
Pangangailangang
Pangkalusugan
Ang maunlad na
komunidad ay binubuo ng
malulusog na mamamayan.
Pangagamot

Ang doktor ang


gumagamot sa may sakit.
Tinutulungan sya ng nars sa
pag-aalaga ng may sakit.
Ang attendant, bukod sa
pag-aasikaso ng mga
pasyente, ay tumutulong din
sa pag-aalaga kung wala
ang nars.
Pangagamot

Ang dentista ang nag-


aalaga, gumagamot, at
naglilinis ng ating mga
ngipin.
Pangagamot

Ang komadrona o
midwife ang tumutulong
sa pagpapaanak sa
mga buntis sa
komunidad.
Pangangailangang
Pang-edukasyon
Ang mamamayang may
angkop na edukasyon ay
mas makakatulong sa
komunidad.
Pagtuturo

Tungkulin nila na turuan


ang mga mag-aaral na
magbasa, magsulat,
magbilang, at magkaroon ng
magandang-asal.
Pamamahala ng Paaralan

Tungkulin nitong tiyaking


napamamahalaan nang
maayos ang lahat ng gawain
sa paaralan.
Ito ang gawain ng isang
punong-guro o prinsipal.
Iba Pang Kawani ng Paaralan

May iba pang kawani sa


paaralan na tumutulong
para mabigyan ng
magandang serbisyo ang
mga mag-aaral. Sila ang
mga guidance counselor,
librarian, dyanitor, at
guwardiya.
Pangangailangang
Pangkaligtasan
Tunay na mahalagang
maging ligtas ang mga
mamamayan sa lahat ng
pagkakataon.
Tagapuksa ng Sunog

Bumbero ang taga-apula


o tagapatay ng sunog. May
tumutulong sa mga
bumbero upang maapula
ang apoy, tinatawag silang
fire bridge volunteer.
Tagapamayapa at Tagapagtanggol
Ang pulis ang
nagpapanatili ng kaayusan,
katahimikanm at kaligtasan
sa komunidad.
Tungkulin ng mga pulis na
pangalagaan ang buhay at
ari-arian ng mga tao.
Hinuhuli nila ang mga taong
lumalabag sa batas.
Pangangailangang
Pantirahan
Ang tirahan ay mahalaga
sapagkat ito ay nagsisilbing
pahingahan ng pamilya.
Pagtatayo ng Bahay

Ang karpintero ang


gumagawa ng mga bahay
at gusali.

Nagkukumpuni rin siya ng


mga sirang kasangkapan na
karaniwang gawa sa kahoy.
Paglalagay ng Linya ng Kuryente

Ang paglalagay ng linya ng


kuryente sa bahay o gusali ay
hanapbuhay ng isang elektrisyan.

Tinitiyak niyang maayos ang


pagkakalagay ng mga kawad upang
maiwasan ang anumang sakunang
dulot ng kuryente.
Pag-aayos ng Tubo ng Tubig

Tubero ang tawag sa taong


nag-aayos ng tubo ng tubig sa
komunidad. Tinitiyak niya na
ang sira ng tubo o gripo ay
agad maisa-ayos upang
maiwasan ang pag-aaksaya
ng tubig.
Iba Pang
Pangangailangan
at Hanapbuhay sa
Komunidad
Paggawa ng Sapatos

Sapatero ang tawag sa


taong gumagawa ng sapatos.
Matatagpuan ang
magagaling na sapatero sa
Lungsod ng Marikina.
Ang sapatero ay nag-
aayos din ng mga sirang
sapatos.
Pananahi

Pananahi ang tawag sa


hanapbuhay ng taong gunagawa
ng iba’t ibang klase ng damit.
Modista ang tawag sa
mananahi ng damit para sa babae
samantalang sastre naman ang
tawag sa nananahi ng kasuuotang
panlalaki
Pagmamaneho

Ang tawag sa taong


nagmamaneho para kunita
ay drayber o tsuper. Maaaring
ang minamanehong sasakyan
ay pambribado o pampubliko.
Mahalaga na maingat ang
mga drayber upang maihatid
nila nang ligtas sa paroroonan
ang kanilang pasahero.
▪ Ang mga hanapbuhay sa mga
lungsod at mga bayan ay naiiba
sa mga hanapbuhay sa maliliit na
komunidad. Madalas ang mga
hanapbuhay sa mga lungsod at
bayan ay nasa pabrika, sa opisina,
o kaya ay nasa malalaking
pamilihan.
▪ Anuman ang uri ng hanapbuhay o
pinagkakakitaan ng isang tao,
nararapat na ito ay marangal.
▪ Ano kaya ang maaaring mangyari kung
walang hanap-buhay ang isang tao?

✓ Kapag ang tao ay walang


hanapbuhay, hindi magiging maayos
ang kanyang pamumuhay. Hindi nya
matutugunan ang kanyang mga
pangangailangan at ng kanyang
pamilya.
▪ Sa kabilang dako, ang isang taong may
marangal na hanapbuhay ay
nakatutulong sa kanyang pamilya at sa
kanyang komunidad.
▪ Magkakaroon ng maayos na
pamumuhay ang kanyang pamilya at
matutugunan niya ang kanilang mga
pangunahing pangangailangan.

You might also like