You are on page 1of 3

Mga karaniwang hanapbuhay ng mga tao sa komunidad:

Pangingisda ang isa sa mga


pangunahing hanapbuhay sa
komunidad na malapit sa dagat
at lawa. Kaugnay nito ang
pagdadaing, pagtitinapa at
pagbabagoong ng mga nahuling
isda.

Pagsasaka ang angkop na


hanapbuhay sa
komunidad na may
malawak na sakahan.
Kaugnay nito pagtatanim
ng palay at mga gulay na
siyang iniluluwas sa mga
kabayanan at pamilihan.

Ang pagkakarpintero ay isa rin


sa mga hanapbuhay sa
komunidad. Sila ang gumagawa
ng mga bahay, upuan, mesa at
iba pang kagamitang yari sa
kahoy.
Ang pagtuturo ay isa ring
hanapbuhay sa komunidad. Ang
mga guro ang siyang nagtuturo
sa mga mag-aaral sa paaralan.

Ang pananahi ay isa rin sa


hanapbuhay sa komunidad.
Ang sastre ang nananahi ng
mga kasuotang panlalaki. Ang
modista naman ang tumatahi
ng mga kasuotang pambabae.

Ang paggawa ng tinapay ay isa


rin sa pinagkikitaan sa
komunidad.

Ang paghahayupan ay mainam


ring hanapbuhay sa komunidad.
May mga nagmamanukan at
babuyan. Mayroon ding bakahan,
at itikan.
Isa rin sa mga hanapbuhay ang
pagiging “domestic helper” o
kasambahay sa ibang bansa.
Tinatawag din silang Overseas
Filipino Worker (OFW).

You might also like