You are on page 1of 6

LIPUNAN AT KULTURANG RURAL

Ang mga pamayanang rural ay hindi lahat ay magkakatulad, ngunit may mga katangiang
magkakatulad sa kanila. Ang mga pamayanang rural ay karaniwang may maliit na populasyon at
higit na malawak na pook heograpikal kaysa mga pamayanang lungsod; dahil dito, ang
densidad ng populasyon ay mababa. Ang pagsasaka, pangingisda, gawain-kamay, at pagmimina
ang mga karamihang hanapbuhay.

Ang ilang mga residente at tinatawag na mga sakador (peasants) ng ilang antropologo. Ang
mga magsasakang ito ay may mga mamamayang rural na lumilikha ng sariling pagkain para sa
kanilang ikabubuhay ngunit ang mga labis na pagkaing inaani ay ipinagbibili nila sa mga
naninirahan sa mga bayan at lungsod na hindi lumilikha ng sariling pagkain. Sila ang
pinagkukunan ng lakas ng paggawa at paninda para sa mga may-ari ng lupa at mga opisyal ng
estado.

Tinurol nina Kroeber at Kluckhohn (1948:284), ang mga sakador bilang bahaging kultura,
na nangangahulugang sila ay isang bahagi ng isang malaking populasyon sa loob ng isang
sentrong lungsod. Ang mutwal na pag-aasahan ay umiiral sa pagitan ng mga
mamamayang rural at lungsod. Ang sakador ay hindi lamang mga manananim sa pook
rural kundi maaari ding mga mangingisda, artisan at mga manggagawang nakikibahagi sa
iisang pamamaraan ng buhay o oryentasyong kultural tulad ng manananim. Sa loob ng
pamayanan ay may iba’t ibang mga grupo ng pamilya, mga organisasyong rural at mga
institusyong panlipunan na masasalamin sa isang buhay komunal.

Ang pamilya ay gumaganap na isang dominanteng papel at ang mga tungkuling pampamilya,
pangkabuhayan, panrelihiyon, pampulitika, at panlipunan ay naghahalo-halo sa isa. Mayroong
pagbabahaginan at ugnayang resiprokal sa kanila. Ang mga tao sa ganitong kalagayan ay
pumapasok sa mga umiiral na istatus at gumaganap ng isang dominanteng papel ay nangyayari
sa loob ng konteksto ng mga itinalagang pamantayan at mga kahalagahan (Sandress, 1977:3-5).
Ang mga interaksyon ng pamilya ay nangingibabaw. Ang mga ugnayan ng personal at matalik,
at ang pananaw sa buhay ng isang residenteng rural ay karaniwang hindi malawak at lokalisado,
o probinsyal. Kung ihahalintulad sa mga taga lungsod, siya ay higit na konserbatibo at
tradisyunal sa maraming mga bagay. Sa kabila ng lumalawak na pakikipag-ugnayan sa labas ng
pamilya, ang pamilya ay patuloy na nangingibabaw sa buhay ng miyembro. Ang mamamayang
rural ay may malapit na komunyon at matatag na ugnayan sa lupa at iba pang mga pwersa ng
kalikasan kaysa kanyang katumbas na mamamayang lungsod.
Ang kanyang pagkabuhay ay tuwirang nagmumula sa kanyang ugnayan sa kalikasan ang
pangyayari ay kailangang kanyang harapin, dahil dito siya ay nakalinang ng sarili ng elemento ng
kawalang katiyakan tungkol sa kanyang gawain. Ang kanyang mga pananim ay maaaring
mawasak ng mga bagyo o mga insekto. Ang aspektong ito ng kanyang kapaligiran ay
nagbubunsod sa kanya upang higit na maging relihiyoso at mapaniwalain bilang bunga ng
kanyang pagsisikap na umakma sa mga pwersang dulot ng mga kapangyarihang supernatural na
hindi niya kayang mapigilan (Bertrand, 1958:27).

May maliit na bilang ng klaseng panlipunan at bahagyang mobilidad na panlipunan sa mga pook
rural kaysa mga lungsod. Ang istatus ng isang tao ay karaniwang itinakda at tinatawag niya ang
kanyang kalagayang pangkabuhayan na itinakda ng tadhana, itinuro ni Lynch (1975:181) na sa
loob ng mahigit na apat na daang taon, dalawang magkaibang uri ng mga tao ang matagal na
magkasamang nanahan sa mga pamayanang rural ng Pilipinas na karaniwang tinatawag na
malaking tao at maliit na tao (dakulang tao at sadit na tao sa Bikol). Ang mataas na klase ay may
magandang kabuhayan ngunit nangangailangan ng tulong na manwal ng mababang klase. Ang
mababang klase ay nagbibigay ng lakas ng paggawa at mga kasanayang tradisyunal. Depende sa
kanilang gawain, ang mataas na klase ay inaasahang magpapautang ng salapi sa panahon ng
kagipitan, mamagitan sa pakikipag-ayos sa mga opisyal at tanggapan ng pabor sa mababang
klase at higit na nagpapaintindi sa kanilang superyoridad sa mababang klase.

Ang mga nagpapahayag na kultural sa pook rural ay payak sa anyo na makikita sa mga
kwentong bayan, katutubong sayaw, at iba pang uri ng pagpapahayag. Ang mga gawaing
panlibangan at kultural ay limitado at kulang sa mga amenidad ng makabagong pamumuhay.
Ang karaniwang libangan ng mga lalaki sa pook rural ay pag-inom ng tuba o San Miguel beer,
pagsasabong, sipa, o sumasali rin sa inuman. Ang mga babae, bata at matanda, ay nagbabasa
ng mga magasin at pahayagan sa bernakular, tulad ng Liwayway, nakikipagkwentuhan o
tsismisan, nananahi, o nagbuburda, naglalaro ng bingo at tsekers. Ang mga pinagmumulan ng
impormasyon sa pamayanan ay ang mga kapitbahay, mga pahayagan, radio, o mga myembro
ng konseho ng barangay. Sa mangilan-ngilang pook ay may maliit na sinehan. Sa kabuuan,
maaaring sabihin na may pagkakatulad na kultura at pagkakatulad na salalayang etniko at
kultural sa pamayanang rural na humahantong sa integrasyon ng mga myembro, o sa
pagkakaisang mekanikal. Sa pagkakabuo ng mga pamayanan sa Pilipinas ay naimpluwensyahan
ng politika. Sa loob ng mga rehiyon ang mga lalawigan at ang mga lungsod na may tsarter. Ang
mga munisipyo naman ay nahahati sa mga poblacion o sentro ng bayan at mga barangay (ang
dating baryo). Ang ating karaniwang larawan ng mga baryo ay binubuo ng tahimik na mga
tanawin ng mga burol at kaparangan, pakiwal-kiwal na mga sapa, samyo ng sampaguita,
lawiswis ng kawayan, mga puno ng niyog, katiwasayan at monotoniya, at payak, mahiyain at
tahimik na taganayon. Ngunit ang ganyang larawan ay hindi lubos na totoo. Ang mga
pagbabagong panlipunan ay kasalukuyang nagaganap, at ang buhay sa baryo ay hindi na
lubusang tahimik sa kasalukuyan.
ANG PAMILYANG RURAL

Ang pamilyang nukleyar, na binubuo ng ama, ina at ng mga anak, at ang pamilyang bilateral; at
pinalawak, na kasama ang mga kamag-anak konsanginal ng ama at ina, ay siyang bumubuo ng
mga pangunahing yunit ng pamayanan. Sa katunayan, maaaring masabi na angkaraniwang
pamayanang Pilipino ay matuturing na isa lamang ekstensyon ng pamilya. Ang ugnayan ng
pagkakamag-anak ay mailalarawang tradisyunal na obligasyon at mga inaasahang resiprokal sa
magkabilang panig. Ang impluwensya ng pagkakamag-anak na nakasentro sa pamilya ay may
malawak na bias. Ang ilang tulong sa pamilya ay ipinapaabot sa mga kamag-anak na linyal at
kolateral.

Ayon kay Castillo (1979:117) ang pinalawak na pamilya o pamilyang may ekstensyon ay
nagsisilbi hindi lamang bilang batayan ng interaksyong sosyal sa lebel ng mga nayon kundi isa
ring panseguro o maaasahang panlipunan para sa miyembro ng pamilya. Ilan sa mga palitan ng
tulong ay: tulong sa gawaing bukid at gawaing bahay, paggastos sa edukasyon ng mga anak,
pagbibigay ng bigas at iba pang pagkain, mga pautang na salapi, at tulong sa panahon ng
pagkakasakit ng pamilya. May mga pamantayang gumagabay sa ganitong mga ugnayan at ang
pagtulong ay may batayang resiprokal. May mga pamigil at kaparusahang panlipunan na
ipinapataw sa isang parasitiko o lubhang palaasa na nagdudulot sa kanya ng buhay na hindi
matiwasay. Ang mga pagbabago ay nagaganap sa mga pook rural ngunit ang ilan sa mga
kaugaliang tradisyunal tungkol sa kasal ay nananatili. Ang pagkakaroon ng tsaperon ay
isinasagawa pa rin sa dahilang malinis na kapurihan ng mga babae ay may mataas pa ring
pagpapahalaga, bagaman ang mga karanasang sekswal bago makasal ay kinukunsinti sa mga
lalaki. Ang pamanhikan, o ang pormal sa paghingi sa babae sa kasal at ang pagkakataon ng isang
konseho at kasunduan ng dalawang pamilya ay isinasagawa bago ganapin ang kasal. Sa iilang
mga pook, sa mga mababang uri sa lipunan, nariyan ang paninilbihan o ilang uri ng pagsisilbi sa
pamilya ang babaing ikakasal. Sa mga mataas na uri ang bigay-kaya o halaga ng babaing ikakasal
ay kinaugalian. Ang bigay-kaya ay isang uri ng regalo o salapi o anumang bagay na ibinibigay ng
lalaking ikakasal o ng kanyang mga magulang sa babaing ikakasal. Pagkatapos ng kasal, may
ilang pamimilit na ginagawa ang mga magulang upang mapanatili ang kasal.

Ang mga impirikal na pag-aaral sa pamilya (Mendez at Jocano, 1974; Licuanan atGonzales,
1975), (Lynch at Hollnsteiner, 1975), Gonzales at Licuanan, 1976; Mendez, Jocano, Rolda,
Matela, 1984) ay nagpapakita sa sinasanay ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga
gawaing angkop sa kanilang kasarian sa proseso ng sosyalisasyon. Ang mga anak ay sinasanay
na maging masunurin, magalangin, at mabait. Ang mga batang lalaki ay tumutulong sa kanilang
ama sa gawain sa bukid, kumolekta ng pagkain ng baboy, mangahoy, alagaan ang hardin at mga
hayop. Sa kabilang dako, ang mga batang babae ay sinasanay na tumulong sa kanilang ina sa
pagluluto, paglalaba, at pag-aalaga sa mga nakababatang kapatid. Ang mga bahaging
ginagampanan ng mga babae ay nakapaligid sa pamamahala sa bahay at buhay pamilya. Ang
mga babae ang nagsasagawa ng pag-aalagang bata at pagtingin sa pangangailangan ng mag-
anak. Siya ay ingat-yaman o tesorera ng pamilya at kailangang pagkasyahin niya ang salapi
upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya. Tinutupad niya ang gawaing-bahay at
inaaasahan siya na maging mabuting maybahay at ina gayon din bilang isang mabuting
tagapamahala ng mga gawain sa pamilya. Ang bahaging ginagampanan ng lalaki ay nakapaligid
sa buhay pamilya at hanapbuhay. Inaasahan siya na maging mabuting tagabigay ng kabuhayan
at isang huwaran sa kanyang mga anak.
ANG PANGKABUHAYANG RURAL

Sa kasaysayan, ang Pilipinas ay nangingibabaw na lipunang pansakahan, bagaman may pagbaba


na sa bahagdan ng mga aktibo sa pagsasaka, pangingisda at paggubat. Isang tipolohiya ng mga
magsasakang Pilipino noong 1980 ang ginawa nina Ledesma atKornista (1981:11-15).

Ang mga magsasaka ay:

1. Ang mga subsistensyang may-aring nagtatanim na matatagpuan sa mga mataas na lupa o


mga pook na inuulan. Ang magsasaka ay may sariling bukid na pampamilya, umaani ng sapat
para sa sariling pangangailangan at nakatali sa tradisyunal na pagsasaka.

2. Ang kasama na humahati sa ani. Siya ay nagtatrabaho sa ilalim ng isang may-ari ng maliit na
lupain o may-ari ng maliit na lupain o maaaring isa siyang manggagawang walang lupa na
inalkila ng iba pang maliit na mga magsasaka sa mga pana-panahon ng pananim.

3. Ang kahating magsasaka o umuupa sa lupa ng isang hasyenda. Nagtatrabaho siya sa malawak
na lupaing taniman ng palay, niyog, tubo, at mga katulad nito. Ang lupain ay maaaring hiwa-
hiwaay para sa layuning pagsakahan ng maraming maliit na mga magsasaka. Ang mga ugnayan
at inaasahan ng patron-kliyente sa pagitan ng may-ari ng lupa at ng magsasaka ay umiiral.

4. Ang manggagawang agricultural sa hasyenda, permanente man o pansamantala, tulad ng


mga dumaan at sacadas sa mga pook ng asukal sa Negros at Panay. Ang hasyenda ay may
malaking puhunan sa ilang mga bahagi ng produksyon at napapaloob sa isang sistemang agro-
industriya tulad sa mga industriya ng asukal at niyog. Ang mga hasyendang ito ay may
pamamaraang tradisyunal sa pagsasaka na nagbubunga ng mababang produksyon at mataas na
halaga ng murang lakas-paggawa.

5. Ang magagawang agrikultura, regular o kaswal, sa loob ng isang pataniman na may malaking
puhunan at may oryentasyong eksport o pagluluwas ng paninda sa ibang bansa. Ang mga
korporasyong transnasyunal na nagbibigay ng mga pangangailangan sa puhunan at pagluluwas
ng produkto ang napapaloob sa ganitong mga pataniman pangkabuhayan na maaaring
magtanim ng mga pananim na pagkakakitaan tulad ng pinya at saging.

6. Ang myembro ng isang bukid na panggrupo o isang proyektong konsolidasyon ng lupa kung
saan ang mga gawain ng grupo sa produksyon, pautang, at pagluluwas ng produkto ay
binibigyang pansin. Napapaloob dito ang komunal na pag-aari ng lupa.

7. Ang maliit na magsasakang may ugnayan sa isang kooperatiba o isang korporasyon. Ito ay
matatagpuan sa magkakalapit na klaster ng mga bukid, mga kooperatibong may uring moshav,
at mga katulad na ugnayan.
8. Ang indibidwal na maliit na mga magsasakang tumatanggap ng ilang suporta sa pamahalaan
tulad ng utang sa Masagana, serbisyo sa irigasyon o patubig, mga lansangan mula sa bukid
patungong pamilihan, at iba pa. ang mga benepisyaryo ng repormang agraryo sa mga lupang
taniman ng palay at mais ay may mga target na grupo ng ganitong integradong programa.

You might also like