You are on page 1of 1

Nabubuhay tayo sa lipunang ating ginagalawan at sama-samang naninirahan

sa isang organisadong komunidad na may batas, tradisyon, at pagpapahalaga. Ang


pamayanang rural ay karaniwang may maliit na populasyon at higit na malawak na
pook heograpikal kaysa mga pamayanang lungsod, ang densidad ng populasyon ay
mababa. Ang mamamayang rural ay may malapit na komunyon at matatag na ugnayan
sa lupa at iba pang mga pwersa ng kalikasan kaysa kanyang katumbas na
mamamayang lungsod.
Ang pamayanang urban ay ginagamit upang tukuyin ang isang kalidad ng
buhay na karaniwang matatagpuan sa lungsod. Isang paraan ng buhay na
matatagpuan sa mga lungsod na may malaki, makapal, at heterohenong populasyon.
Ito ang nagsisilbing sentro ng pangangalakal, edukasyon, pamahalaan, aliwan at
paggawa. Ang pamayanang rural ay kalimitang hanapbuhay ng tao ay pagsasaka,
pangingisda at pangangaso.
Ang isang pamayanan ay maaaring isang nayon, isang bayan, isang lungsod o
kahit na isang lungsod o kahit na isang bansa.

You might also like