You are on page 1of 16

Iba’t Ibang Uri ng

Komunidad
Mga Uri ng Komunidad sa Pilipinas

Ang mga pamilyang naninirahan nang sama-


sama sa isang pook ang bumubuo ng isang
komunidad. Ang Pilipinas ay binubuo ng Malaki at
maliliit na komunidad na nauuri sa dalawa: ang
komunidad na rural at urban.
Komunidad na Rural
Ang Komunidad na rural ay matatagpuan sa malalwak na
kabukiran, sa mga paanan ng bundok, at sa mga
pangisdaan o tabing-dagat sa kanayunan at lalawigan.
Payak ang pamumuhay rito at kakaunti ang mga tao
kompara sa mga naninirahan sa lungsod. Karaniwang
pagsasaka, paghahayupan, paghahabi, pangingisda, at
pagmimina ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa
lugar na ito.
Iba’t ibang Uri ng Komunidad na Rural

 Sakahan – Matatagpuan ang mga sakahan sa malawak


na kapatagan ng Central Luzon, Cotabato, Cagayan
Valley, at La Trinidad, Benguet. Pagtatanim ng palay at
mga gulay ang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao
sa lugar na ito.
Sakahan
Pangisdaan – Marami ring komunidad na pangisdaan
sa ating bansa dahil ang Pilipinas ay binubuo ng
maraming pulo. Ilan sa mga pangisdaan sa Pilipinas ay
matatagpuan sa Pangasinan, Mindoro, Palawan, at Iloilo
Pangisdaan
 Pangminahan – karaniwang matatagpuan ang mga
komunidad pangminahan sa Pilipinas sa mga
kabundukan. May mga minahan sa Mindanao,
Marinduque, Cebu, Zambales, Romblon, Mindoro, at
Mountain Province. Ang pangunahing gawain ng mga tao
sa komunidad pangminahan ay marmol, chromite, at iba
pang mga mineral.
 Industriyang Pantahanan- Ang komunidad ng
industriyang pantahanan ay kalimitang matatagpuan sa
mga lalawigan. Ilan sa mga industriyang pantahanan ay
matatagpuan sa Paete, Laguna kung saan naroon ang
mahuhusay na manlililok ng mga kahoy. Sa Quezon at
Bicol ay matatagpuan ang mga gumagawang
magagandang bag, tsinela, sombrero, at nagbuburda ng
damit.
Komunidad na Urban

Ang ikalawang uri ng komunidad ay tinatawag na urban.


Ito ay matatagpuan sa mga lungsod lalo na sa kalakhang
Maynila. Maraming nagtataasan at naglalakihang mga
gusali, mall, at bangko rito. Malalaki ang modern ang mga
ospital at maraming malalaking simbahan ng iba’t ibang
sekta ng relihiyon dito. Marami ring uri ng transportasyon
at komunikasyon, may etasyon ng pulis at bombero, at
malalaking pampubliko at pribadong paaralan.
Ang komunidad na urban ay binubuo ng:
 Residensiyal na Komunidad – karamihan ay
kabahayan ang bumubuo sa komunidad na ito.
 Komersiyal na Komunidad – kalimitan ay mga
negosyo o kalakalan ang makikita sa komunidad ito.
 Industriyal na Komunidad – Ang komunidad na ito
ay binubo ng mga pagawaan o pabrika.
Mga Pangkat ng Pilipino

Kung iba’t iba ang mga komunidad sa ating bansa, iba’t


iba rin ang mga Pilipinong bumubuo rito. Ang mga
pangkatng mamamayan ay magkakaiba ng pamamaraan
ng pamumuhay at kahit na nagmula sa iba’t ibang lugar
sa Pilipinas at iba’t iba ang kanilang wikang sinasalita,
sila ay Pilipino sa puso at diwa.
Luzon
Ang mga Tagalog ang pinakamalaking pangkat ng mga
Pilipino na matatagpuan sa Luzon. Naninirahan sila sa
Kalakhang Maynila, Laguna, Rizal, Cavite, Batangas,
Quezon, Bulacan, Nueva Ecija, at maging sa isla ng
Mindoro.
Visayas
Ang pinakamalaking pangkat ng mga Pilipino sa
Visayas ay ang mga Cebuano na matatagpuan sa
Cebu, Negros Oriental, Negros Occidental, Bohol at
Leyte. Ang mga Waray naman ay matatagpuan sa
Samar, Leyte, at Biliran. Ang mga Ilonggo ay
matatagpuan sa Iloilo, Guimaras, at Negros Occidental
Mindanao
Kilalanin naman natin ang mga grupo ng Pilipino sa
Mindanao. Ang pinakamalaking pangkat ay ang mga
Maranao na naninirahan sa Lanao del Norte at Lanao
del Sur. Ang mga Tausug naman ay matatagpuan sa
Sulu, Basila, Tawi-Tawi, at Zamboanga de Sur

You might also like