You are on page 1of 2

MINDANAO: KASAYSAYAN AT HEOGRAPIYA

Ang Mindanao o Kamindanawan, (Ingles: Southern Pilipinas o Tagalog: Timog


Pilipinas) ay ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Ito rin ang tawag sa isa sa
tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas (ang dalawa ay ang Luzon at
ang Kabisayaan), na binubuo ng pulo ng Mindanao at ng mga nakapalibot na mga maliliit na
pulo. Pinakamalaking lungsod sa Mindanao ang Lungsod ng Davao. Sa 21,968,174 populasyon
ng Mindanao, (ayon sa senso noong 2010) 10 bahagdan ay mga Moro o Muslim.[1]
Ang Mindanao ang bukod tanging pook heograpikal sa Pilipinas na may malaking bilang ng
mga Muslim. Ang pinakatimog na bahagi ng Mindanao, partikular ang lalawigan
ng Maguindanao Lanao del Sur, Sulu, at Tawi-Tawi (na bahagi ng Nagsasariling Rehiyon ng
Bangsamoro sa Muslim na Mindanao (BARMM), ay tahanan ng nakararaming Pilipinong Muslim.
Dahil sa malawakang kahirapan, pagkakaiba-iba ng relihiyon, ang pulo ay kinakitaan ng
paghihimagsik ng mga komunista, pati na rin ng mga kilusang armadong separatistang Muslim.

Kasaysayan

Isang lumang mapang Kastila ng pulo ng Mindanao.

Isinunod ang pangalan ng Mindanao sa mga Maguindanaon na bumubuo sa


pinakamalaking Kasultanan ayon sa kasaysayan, at makikita sa mga mapa na ginawa noong
ika-17 at ika-18 dantaon na nagmumungkahi na ang pangalan ay ginamit upang tukuyin ang
pulo ng mga makapangyarihang katutubo ng panahong iyon.
Unang lumaganap ang Islam sa rehiyon noong ika-13 dantaon sa pamamagitan ng mga
mangangalakal na Arabe mula sa kasalukuyang Malaysia at Indonesia. Bago pa man maganap
ito, ang mga katutubo ay pangunahing mga animista na naninirahan sa mga maliliit na
pamayanan.[2] Karamihan sa mga taal na populasyon ng mga
Tausug, Maranao at Maguindanaon ay agad na lumipat sa pananampalatayang Islam maliban
sa mga mailap na Subanon, Talaandig, Higaonon at ilang maliliit na mga tribo na tumangging
makipag-ugnayan sa mga Arabeng misyonero ng Islam.
Itinayo ang pinakaunang moske sa Pilipinas noong kalagitnaan ng ika-14 na dantaon sa bayan
ng Simunul.[2] Sumunod ang mga kasultanan ng Sulu at Maguindanao noong ika-15 at ika-16 na
dantaon. Noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon hanggang unang bahagi ng ika-17
dantaon, naganap ang unang pagtatagpo sa mga Kastila. Sa panahong ito, maayos nang
nakatatag ang Islam sa Mindanao at nagsisimula nang manghikayat sa mga pangkat sa
malalaking kapuluan ng Kabisayaan tulad ng Cebu at Bohol, gayundin sa dulong hilagang
bahagi, tulad ng Maynila sa Kalusunan.[2]
Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, labis silang nabagabag nang matagpuan nilang
matibay ang katayuan ng Islam sa pulo ng Mindanao, bilang katatapos lang mapaalis ang
mga Moors mula sa Espanya pagkatapos nang dantaong labanan sa ilalim ng Reconquista. Sa
katunayan, ang pangalang Moro ay wikang Kastila para sa "Moors", na ibinigay sa mga Muslim
na naninirahan sa Mindanao.[2] Pinangalanan ni Villalobos na Caesarea Caroli ang pulo ng
Mindanao nang maabot niya ang dalampasigan nito. Isinunod ito kay Carlos V ng Banal na
Emperyong Romano (at I ng Espanya).

Heograpiya
Ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas ang Mindanao na may sukat na 104,630 kilometro
kwadrado, at ikawalang pinakamataong pulo sa buong daigdig. Higit na malaki ang pulo ng
Mindanao kaysa sa 125 mga bansa sa daigdig, kabilang
ang Netherlands, Austria, Portugal, Czech Republic, Hungary, at Ireland. Ang pulo ay
bulubundukin, at kung saan matatagpuan ang Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa
Pilipinas. Napalilibutan ng 4 na dagat ang Mindanao: ang Dagat Sulu sa kanluran,[3] Dagat
Pilipinas sa silangan, Dagat Celebes sa timog, at Dagat Mindanao sa hilaga. Sa lahat ng mga
pulo sa Pilipinas, Mindanao ang may pinakamalawig ang pagkakaiba-iba ng
pisyograpikongatangian.

You might also like