You are on page 1of 23

Poblacion, San Leonardo, Nueva Ecija

Aralin Panlipunan

GRADE 2

Teacher Jamie Carry Manuel

___________________________________

NAME OF STUDENT
TALAAN NG NILALAMAN

YUNIT I

Tao, Kapaligiran, at Lipunan

Aralin 1 Katangiang Pangkapaligiran ng aking Pamayanan

Aralin 2 ang Mapa at ang mga Direksyon


Aralin 1 Katangiang
Pangkapaliran ng
Aking Pamayanan

Paghahandaan Ko!

A. Punan ng wastong impormasyon tungkol sa sarili ang directory sa ibaba.

Pangalan: __________________________________________

Kapanganakan: ______________________________________

Kasarian: _______________ Edad: _______________

Numero ng telepono: _________________

Tirahan: _________________________________________

_________________________________________

Barangay: ________________________________________

Lungsod: _________________________________________

Lalawigan: ________________________________________

Mga palatandaan n gaming tirahan: _____________________

_________________________________________________
Pag-aaralan Ko!

Ang pamayanan ay isang pook na binubuo ng maraming pamilyang naninirahan

doon. Maaari itong ilarawan sa dalawang uri: ayon sa kinaroroonan at ayon sa

katangian.

Ang Ating
Pamayanan

Ayon sa kinaroroonan o pisikal na kapaligiran ng taong nagtatrabaho o

naninirahan sa pamayanan, ay maaaring pansakahan, residensyal o subdibisyon,

minahan, komersiyal, o industriyal. Samantalang ang huli, ayon sa katangian, ay

maaari naming urban o rural.

Ayon sa Kinaroroonan

Pamayanang Pansakahan

Pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito

Ang pagsasaka. Karaniwang matatagpuan

Ang pamayanang pansakahan sa mga

Kapatagan, lambak, at talampas. Sa lugar na ito ay nakapagtatanim ng palay, tubo,

mais, tabako, at iba pang karaniwang tanim na makikita sa bukid. Maaari ring

magpastol ng kalabaw, baka, o kambing dito. Ang ibang naninirahan sa pamayanang


ito ay nag-aalaga ng manok, pato, bibe, at iba pa. Karamihan sa mga pagkaing

nabibili sa pamilihan ay nagmula ssa mga pamayanang pansakahan.

Pamayanang Pangisdaan

Malapit sa bahaging tubig tulad ng:

dagat, ilog, at lawa ang pamayanang

pangisdaan. Karaniwan sa mga naninirahan

dito ay mangingisda o mandaragat. Maaaring

ang mga tao rito ay gumagawa ng lambat at

Bangka at sumisisid ng perlas at kabibe. Sagana, sa yamang dagat ang Pilipinas gaya

ng pagkaing dagat, korales, halamang dagat, at marami pang iba.

Pamayanang Minahan

Nasa bundok o malapit sa bundok ang

pamayanang minahan. Pagmimina ang

pangunahing hanapbuhay ng mga

nakatira rito. Iba’t ibang mineral ang

maaaring makuha sa pamayanang ito

tulad ng: ginto, pilak, at tanso. Dahil

Malapit ito sa bundok, ang iba pang hanapbuhay ng mga tao rito ay pagtotroso,

paglililok o pangangaso. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa buong mundo na

biniyayaan ng napakaraming mineral.


Pamayanang Komersyal

Sa pamayanang komersiyal nakikita ang mga gusaling pangkalakalan gaya ng

malalaking tindahan, bangko, at iba pang malalaking kompanya. Ditto karaniwang

ginagawa ang pakikipagkalakalan, pang-edukasyon, at pang-isports ay narito rin.

Pamayanang Industriyal

Ang malalaking pagawaan o pabrika ay

makikita sa pamayanang industriyal. Ang

mga produktong tulad ng sabon, langis,

asukal, mga pagkaing de-lata, at iba pa ay

dito ginagawa.

Pamayanang Residensyal o Subdibisyon

Ang pamayanang residesiyal ay binubuo

ng bawat pamilyang nakatira roon. Maraming

ganitong uri ng pamayanan sa mga lungsod at

mga karatig bayan ng Metro Manila.

Halos pare-pareho ang sukat ng lupa at ang anyo ng bahay sa ganitong uri ng

pamayanang residensiyal.
Pamayanan ng mga Informal Settler

Ang mga tao sa pamayanan ng mga informal settler ay walang permanenteng

tirahan o kaya’y nakatira sa bahay na nakatayo sa lupang hindi nila pag-aari. Marami

sa nakatira rito ay mahirap at walang permanenteng hanapbuhay. Karaniwan sa mga

bahay rito ay gawa sa luma at pinagtagpi-tagping kahoy o yero. Informal settlers

ang tawag sa mga taong naninirahan dito.

Ayon sa Katangian

Pamayanang Rural

Hindi gaanong matao ang mga pamayanang

rural. Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa

mga lalawigan. Karaniwang makikita rito ay

malalawak na palayan, palaisdaan, minahan, at iba

pa.

Pamayanang Urban

Ang pamayanang urban ay isang maunlad

na pamayanang pinaninirahan ng higit na maraming

tao, tulad ng lungsod. Ito’y kadalasang nasa

kapatagan. Makikita rito ang malalaking gusali, maraming sasakyan, bangko, ospital
at iba pang tanggapan.

Aalamin Ko ang Kahulugan

 Lambak – patag na anyong lupang nasa pagitan ng dalawang bundok.

 Magpastol – mag-alaga ng hayop gaya ng baka, kalabaw, kambing, at iba pa.

 Mineral – bagay na nakukuha sa pamamagitan ng pagmimina o paghuhukay sa

lupa.

 Paglililok – sining ng pag-uukit sa anumang piraso ng bagay gaya ng kahoy.

 Pamayanan – isang tiyak na pook na pinaninirahan ng mga tao at karaniwang

nauugnay sa iisang katangian.

 Pangangaso – panghuhuli ng hayop.

Tatandaan Ko!

 Ang pamayanan ay isang pook na binubuo ng maraming pamilyang

naninirahan doon.

 Dalawa ang uri ng pamayanan: ayon sa kinaroroonan at ayon sa katangian.

 Pito ang uri ng pamayanan ayon sa kinaroroonan. Ito ay ang mga pamayanang

Sakahan, minahan, pangisdaan, residensyal, komersyal, industriyal, at

pamayanan ng mga informal settler.

Dalawa naman ang uri ng pamayanan ayon sa katangian: ang pamayanang rual

at pamayanang urban.
Pahahalagahan ko

Basahin ang sitwasyon. Lagyan ng tsek (/) ang guhit kung ito’y

mabuting Gawain. Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi.

_____ 1. Maglunsad ng proyekto na makabubuti sa pamayanang rural.

_____ 2. Isaayos ang paraan ng pagtatapon ng mga basurang mineral.

_____ 3. Magbigay ng puhunan sa mahihirap na magsasaka.

_____ 4. Ipagbawal ang ilegal na pagputol ng mga puno.

_____ 5. Pasalamatan ang lahat ng tumutulong sa inyong pamilya.

_____ 6. Magtatag ng samahang mangangalaga sa kapaligiran.

_____ 7. Sisihin ang mga kapitbahay sa hindi pag-unlad ng inyong pamayanan.

_____ 8. Bilhin o tangkilikin ang mga produkto ng ibang pamayanan kahit hindi

tagaroon.

_____ 9. Ipagyabang na ikaw ay nakatira sa pamayanang urban at pagtawanan ang

mga nakatira sa pamayanang rural.

_____ 10. Huwag makiisa sa proyekto ng kalapit na pamayanan dahil baka maging

mas maunlad iyon kesa sa inyong pamayanan.

Paggsasanayan Ko

Pagsasanay 1

Bilugan ang titik ng pamayanang tinutukoy sa pangungusap.

1. Ang nakukuha rito ay kabibe, perlas, at korales.

a. Pangisdaan b. sakahan

2. Malawak at patag ang mga lupain ditto na maaaring pagtamanan.

a. Minahan b. sakahan
3. Mga mineral tulad ng ginto, pilak, at tanso ang makukuha rito.

a. komersiyal b. minahan

4. Marami ritong malalaking tanggapan at pamilihan na pangkalakalan.

a. residensyal b. komersiyal

5. May mga pabrika ritong gumagawa ng iba’t ibang produkto.

a. industriyal b. sakahan

Pagsasanay 2

Pagtapat-tapatin ang mga Gawain sa hanay A sa mga gusaling nasa

hanay B. titik lamang ang isusulat sa guhit.

A B

_____ 1. Magsisimba a. opisina

_____ 2. Mag-aaral b. sinehan

_____ 3. Mamamasyal c. munisipyo o city hall

_____ 4. Mamimili d. bangko

_____ 5. Maghuhulot ng sulat e. barberya

_____ 6. Magdedeposito ng pera f. simbahan

_____ 7. Magbabayad ng buwis g. ospital

_____ 8. Magtatrabaho h. post office

_____ 9. Manonood ng sine i. paaralan

_____ 10. Magpapagamot j. pamilihan

k. mall
Pagsasanay 3

Isulat sa ilalim ng bawat larawan ang uri ng pamayanang nakalarawan.

Piliin ang sagot sa kahon.

a. Residensiyal e. informal settler


b. Minahan f. sakahan
c. Pangisdaan g. komersiyal
d. Industriyal h. rural

________________ 1.

________________ 2.

________________ 3.

________________ 4.

________________ 5.

________________ 6.

________________ 7.
Pag-uugnayin Ko!

Iguhit ang larawan ng inyong pamayanan. Ipakita ang mga gusaling

matatagpuan dito. Kulayan ito.

Palalawakin Ko!

Ilarawan ang pamumuhay ng mga pamilya sa iyong pamayanan sa pamamagitan


ng pagsulat ng maikling talata.

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________
Aralin 2 Ang Mapa at
ang mga Direksyon

Paghahandaan Ko

Basahin ang maikling talata at pagkatapos ay isagawa ang Gawain sa

susunod na pahina.

Ang batang si Tonyo ay katulad mo. Siya ay pumapasok

Din sa paaralan at siya ay nasa ikalawag baiting. Malapit

Lamang ang kanyang bahay sa kanilang paaralan at

naglalakd lamang siya sa pagpasok. Malapit din sa kanila

ang palaruan at ang pamilihan. Nagpupunta rin siya sa mga

pook na ito.

Isang umaga, naisipan ni Tonyo na maglibot sa kanilang

pamayanan.

Tuntunin ang mga landas na kanyang daraanan upang

marating niya ang kanyang pupuntahan.


Bahay

Tonyo

Palengke Palaruan

Paaralan

Halimbawang ikaw si Tonyo.

1. Mula sa bahay, ituro mo ng daliri ang kalsadang daraanan mo hanggang sa

paaralan.

2. Mula sa bahay, ituro mo ang kalsadang daraanan mo upang marating ang pamilihan

o palengke.

3. Mula sa bahay, ituro mo ang kalsadang daraanan mo para makaratıng sa palaruan.


Pag-aaralan ko

Ang Mapa

Makatutulong sa atin ang mapa upangmaituro ang iba't ibang direksiyon sa

pamayanan. Ang mapa ay ang patag na representasyon ng isang lugar. Maituturo

atin sa pamamagitan nito ang iba't ibang bagay na natatagpuan sa paligid. Madali rin

nating matutunton ang mga pook na gusto nating puntahan sa tulong ng mapa.

May apat na bahagi ang mapa: ang titulo, compass rose, pananda, at iskala.

Tinutukoy ng titulo ang uri ng mapa at kung ano ang pinakikita nito. Makikita

naman ang compass rose sa itaas ng kanang bahagi ng mapa. Ito ang tumutukoy sa

mga direksiyon. Ang pananda ay ang mga simbolong ginamit sa mapa. Mahalaga ito

upang matukoy ang impormasyon tungkol sa isang lugar. Iskala naman ang tawag sa

mga guhit sa mapa na nagbibigay ng indikasyon sa distansiya ng isang pook sa isa

pang pook.

May apat na pangunahing direksyon sa mapa ang hilaga, silangan, timog, at

kanluran. Pag-aralan ang paglalarawan sa ibaba.

Sundan ang mga linya.

hilaga

kanluran silangan

timog
Anong direksyon ang nas aitaas ng mapa? Ang nasa ibaba?

Anong direksyon ang nasa gawing kaliwa? Ang nasa gawing kanan?

Kung nakaharap ka sa gabay, ang nasa itaas ng mapa ay ang hilaga. Kung ikaw

ay nakaharap sa hilaga nasa kanan mo ang silangan, nasa kaliwa mo ang kanluran, at

ang timog ay nasa ibaba.

Laging tandaan, katapat ng hilaga ang timog at katapat naman ng silangan ang

kanluran. Ang araw ay sumisikat sa silangan at lumulubog sa kanluran.

Alamin ang pagtuturo ng direksyon.

Sundan ang mga panusok.

Itaas

Kaliwa Kanan

Ibaba

Ituro mo ang gawing kaliwa.

Ituro mo ang gawing kanan.

Ituro mo ang gawing itaas.

Ituro mo ang gawing ibaba.

Pagmasdan ang larawan sa ibaba.


Ituro mo ang bahay.

Ano-ano ang mga nakapaligid dito?

Masasabi mob a kung nasa gawing itaas, ibaba, kaliwa, o kanan ng bahay ang mga
ito?

Saan naroon ang puno?

Saan naroon ang mga manok?

Saan naroon ang mga ibon?

Saan naroon ang bukid?

Mga pangalawang Direksiyon


Tinatawag na hilagang-silangan (HS) ang direksyon sa pagitan ng hilaga at
silangan samantalang ang direksyon na nasa gitna ng timog at silangan ay tinatawag
na timog-silangan (TS). Ang timog-kanluran (TK) ay matatagpuan sa pagitan ng
timog at kanluran habang napapagitnaan naman ng hilaga at kanluran ang hilagang-
kanluran (HK). Tandaan na sa pagsasabi ng pangunahing direksyong hilaga at timog.

Mga Simbolo o Pananda sa Mapa

Mahalaga ang mga simbolo o pananda sa mapa. Sa pamamagitan ng mga ito,


madali nating makikita o malalaman ang katangian ng isang pook o lugar na nais
anting mahanap sa isang pamayanan. Ang kahulugan ng mga sagisag ay makikita sa
pananda.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng simbolo o pananda na maaaring


Makita sa mapa:
Aalamin ko ang Kahulugan

 Direksiyon – pook o gawi; dako; banda


 Gabay – patnubay
 Mapa – patag na representasyon ng isang lugar
 Matutunton – masusundan; malalaman

Tatandaan Ko

 Ang mapa ay ginagamit sa pagturo ng iba’t ibang direksyon sa pamayanan.

 Ang mga pangunahing direksyon ay ang hilaga, timog, silangan, at kanluran.

 Medaling makikita o malalaman sa pamamagitan ng mga pananda o simbolo.

Pahahalagahan ko

Basahin ang bawat sitwasyon. Sabihin kung sang-ayon ka o hindi sa isinasaad

sa bawat Gawain. Pangatwiranan ang iyong sagot.

1. Tinanong ng kartero si Boy kung saan nakatira sina Mang Lino. Sina Mang Lino

ang bagong lipat na kapitbahay nina Boy. Itinuro ni Boy sa papalayong

direksyon ang kartero.

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

2. Kararating lamang sa Maynila ng pinsan ni Mila. Ipinasyal kaagad niya ito at

itinuro niya ang iba’t ibang lugar sa lungsod.


_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

3. Sumama si Menang sa kanyang tiya sa palengke. Sa dami ng mga tao,

nakabitiw siya sa kaniyang Tiya. Umiyak ng umiyak si Menang.

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Pagsasanayan ko

Pagsasanay 1

Iguhit sa patlang ang araw ( ) kung wasto ang sinasabi ng pangungusap.

Kung mali, iguhit sa patlang ang ulap ( ).

______ 1. Mahalagang matutuhan ang mga direksyon.

______ 2. May apat na pangunahing direksyon ang mapa.

______ 3. Kung ikaw ay nakaharap sa hilaga nasa kanan mo ang silangan.

______ 4. Ang timog ay lagging katapat ng silangan.

______ 5. Sa silangan sumisikat ang araw.

______ 6. Lumulubog ang araw sa timog.

______ 7. Hindi mahalaga ang mga sagisag sa mapa.

______ 8. Ang compass rose ay nasa itaas ng kanang bahagi ng mapa.


______ 9. Bukod sa mga pangunahing direksyon, mayroon pang tatlong pangalawang

direksyon.

______ 10. Nasa gitna ng kanluran at hilaga ang hilagang kanluran.

Pagsasanay 2

Isulat sa patlang ang simbolo o pananda na kinakatawan ng mga sumusunod.

1. __________ 6. __________

2. __________ 7. __________

3. __________ 8. __________

4. __________ 9. __________

5. __________ 10. __________

Pagsasanay 3
Suriin ang mapa sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

Hilaga

( bahay )

Kanluran Silangan

( palengke ) ( paaralan )

Timog

( simbahan )

1. Saang direksyon makikita ang paaralan?

____________________________

2. Kung ikaw ay nasa paaralan, saang direksyon ka pupunta kung bibili ka ng

kagamitan sa tindahan?

____________________________

3. Sa iyong pag-uwi, saang direksyon ka patungo?

____________________________

4. Ano ang makikita mo sa timog?____________________________

5. Saang direksyon makikita ang palengke?__________________________

Pag-uugnayin ko
Libutin ang inyong paaralan. Kung manggagaling ka sa flag pole, sabihin

kung saang direksyon makikita ang mga sumusunod.

1. Katina - ____________________________

2. Science laboratory - ____________________________

3. Klinika - ____________________________

4. Silid-aklatan - ____________________________

5. Tanggapan ng punongguro - ____________________________

Pagyayamanin ko

Sa isang short bondpaper iguhit ang mapa ng Pilipinas. Kulayan ng pula ang

mga bahagi ng mapa.

You might also like