You are on page 1of 6

HOLY CHILD MONTESSORI SCHOOL

1st Quarter Examination

Sibika-2
S.Y 2023-2024

Name:__________________________________________________Date:________
A. Basahin at piliin ang tamang titik ng sagot.Isulat ito sa guhit bago ang
numero.
___1. Ang nakukuha rito ay kabibe, perlas, at korales.
a. pangisdaan
b. sakahan
c. minahan
___2. Malawak at patag ang mga lupain dito na maaaring pagtamnan
a. pangisdaan
b. sakahan
c. minahan
___3. Mga mineral tulad ng ginto, pilak, at tanso ang makukuha rito
a. komersiyal
b. minahan
c. sakahan
___4. Marami ditong malalaking tanggapan at pamilihan na pangkalakalan
a. komersiyal
b. minahan
c. sakahan
___5. May mga pabrika ritong gumagawa ng iba’t ibang produkto
a. industriyal
b. sakahan
c. minahan
___6. Dito nagdarasal ang mga tao sa pamayanan.
a. tahanan
b. simbahan
c. paaralan
___7. Sa lugar na ito namimili ng kanilang pangangailangan ang mga tao
sa pamayanan.
a. tahanan
b. simbahan
c. pamilihan
___8. Dito nakatira ang mag-anak.
a. tahanan
b. simbahan
c. pamilihan
___9. Ito ay isang halimbawa ng tanggapan ng pamahalaan.
a. tahanan
b. Barangay Hall
c. pamilihan
___10. Sa institusyong ito natututo ang mga bata.
a. tahanan
b. simbahan
c. paaralan
___11. Ang __________ ay isang uring anyong lupa na napapaligiran ng
tubig.
a. burol
b. pulo
c. bundok
___12. Pinakamataas na anyong lupa ang ____________.
a. burol
b. pulo
c. bundok
___13. ____________ ang tawag sa mahabang hanay ng mga bundok.
a. burol
b. bundok
c. bulubundukin
___14. Ito ay malawak at patag na lupain.
a. burol
b. talampas
c. kapatagan
___15. Ang _____________ ay isang mataas na lupain na patag ang
ibabaw.
a. burol
b. talampas
c. kapatagan
___16. Ang ____________ ang pinakamalaking anyong tubig.
a. ilog
b. dagat
c. karagatan
___17. Ang ___________ ay anyong tubig na umaagos patungong lawa o
dagat.
a. ilog
b. dagat
c. karagatan
___18. Tubig na nagmumula sa bundok at mabilis na umaagos at
bumabagsak mula sa mataas na lugar.
a. kipot
b. lawa
c. talon
___19. _____________ ang tawag sa katubigang napaliligiran ng
kalupaan.
a. kipot
b. lawa
c. talon
___20. ___________ang tawag sa sariwang tubig na nagmumula sa ilalim
ng lupa.
a. bukal
b. kipot
c. batis
B. Piliin sa loob ng kahon kung saang pamayanan matatagpuan ang mga
sumusunod. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.

A. Komersiyal D. Pangisdaan
B. Mineral E. Kagubatan
C. Sakahan

________1. Libo-libong tonelada ng bigas


________2. Korales at kabibe
________3. Ginto at tanso
________4. Deposito ng langis
________5. Maraming uri ng ilang na hayop

C. Sagutin ng TAMA o MALI ang bawat pangungusap. Isulat ang


wastong sagot sa guhit.
__________1. Kabilang sa mga di-propesyonal na kawani ang
mga doctor at abogado.
__________2. Malaki ang nagagawa ng katangiang pisikal ng
bansa sa uri ng hanapbuhay ng mga tao.
__________3. Ang klima at ang kapaligiran ay may malaking
kinalaman sa uri ng hanapbuhay ng tao.
__________4. Ang bawat kasapi sa pamayanan ay dapat
makilahok sa mga proyektong pampamayanan.
__________5. Dapat magtulungan sa panahon ng
pangangailangan ang mga tao sa pamayan.

You might also like