You are on page 1of 4

Marhinalisasyon at Dislokasyon ng mga Lumad

Kilala ang mga Lumad bilang etnikong grupo sa Mindanao na napaglipasan na ng

panahon dahil sa kawalan ng lupang pamana o ancestral domain na siyang sumisimbolo sa

kanilang pagkakakilanlan. Sila ang itinuturing na isa sa pinakamababa na nilalang sa lipunan

sapagkat hindi sila pasok sa pamantayang sinusunod ng nakararami. Ang mga Lumad ay

mayroong sariling paniniwala at sistema ng pamamahala, at malaki ang kanilang pagpapahalaga

sa kalikasan at kaligtasan ng kanilang mga komunidad.

“Lumad” ang tawag sa iba’t ibang pangkat ng mga katutubong Pilipino na naninirahan sa

Mindanao. Sila ay kinabibilangan ng iba't ibang tribo tulad ng Ata, Bagobo, Banwaon, Bla-an,

Bukidnon, Dibabawon, Higaunon, Mamanwa, Mandaya, Mangguwangan, Manobo, Mansaka,

Matigsalug, Subanen, Tagakaolo, Talaandig, T'boli, Teduray at Ubo. Ayon sa sanaysay ni Rudy

B. Rodil na The Lumads Are Our People, Too, ang mga Lumad ang tinuturing na tagapamahala

at nagmamay-ari ng lupain ng Mindanao. Subalit sa kasalukuyan ay itinuring na lamang silang

minorya sa lipunan na umaabot ng 5% ayon sa datos ng Philippine Census taong 1990. Marahil

ito ay dahil sa isa sa mga salik na sila ay kinuhaan ng karapatan at ninakawan ng sariling lupa na

siyang nagdulot ng pagkakapiit nila sa mga kabundukan at kagubatan ng Mindanao. Ito ang

naging dahilan na sila ay namuhay ng patago dahil sa karahasan at kalupitang dinanas mula sa

kamay ng mga mananakop ng kanilang lupang pamana.

Ano nga ba ang patuloy na nag-uudyok sa pagkawala ng pagkakakilanlan ng mga

Lumad? Sa artikulo na “I am the land and I am their witness”: placemaking amid displacement

among Lumads in the Philippines, (Yambao, et al., 2022),


For decades, Lumad communities have faced violence and

displacement at the hands of the Philippine military, corporate armies,

civilian militias, and rebel groups. Most accounts of Lumads portray them as

passive victims who are “caught in between” warring factions of capitalists

and leftists.

Sa kasalukuyan, ang mga Lumad ay nakakaranas ng mga hamon tulad ng marahas na

pagpapalayas sa kanila sa kanilang lupaing pamana, pag-aangkin ng kanilang teritoryo ng mga

korporasyon, at diskriminasyon mula sa ibang sektor ng lipunan. Ito ang nagdudulot ng

marhinalisasyon at dislokasyon sa kanila, at dahil dito, maraming organisasyon at mga aktibista

ang nagsusulong ng karapatan ng mga Lumad sa bansa.

Mahihinuhang ang mga nakatataas at may kapangyarihan pa din ang dahilan ng kanilang

pagkakaalis sa kanilang lupang pamana. Sila na ginagamit ang dahas upang masupil ang mga

Lumad at mawalan ng boses at karapatan sa lipunan na siya ding nag-udyok sa pagiging grupo sa

laylayan ng lipunan.

Piniling pag-aralan ng mga mananaliksik ang marhinalisasyon at dislokasyon ng mga

Lumad sapagkat naniniwalang nararapat itong maisatinig at maisigaw sa lipunan. Ang Mindanao

na siyang binubuo ng mga Lumad ang nakakaalam ng mayamang kasaysayan ng Isla. Kung

sila’y tutuluyang mawala at malimutan, ano na lamang ba ang maipapamana sa hinaharap na

henerasyon? Masasagot pa ba ang kultura at pinag-ugatan ng bawat Pilipino sa Mindanao kung

sila’y hahayaang nakasabit sa laylayan na maaaring sa paglipas ng panahon ay mabigti ang

katiting na puwersang nakahawak sa kanila? Kung sila’y patuloy na hahamakin at pagkakaitan

ng kanilang pinagmulan ay maaaring maging dahilan din ng paglimot ng sarili nilang paniniwala.
Ang marhinalisasyon at dislokasyon ay ang isa mga hamong mahigpit na kinakaharap ng

mga kababayan nating katutubong Lumad. Marami sa kanila ang naninirahan sa mga

kabundukan at liblib na lugar, at dahil dito ay pinaniniwalaang sila'y napag-iiwanan na sa

pag-unlad ng lipunan. Ang kanilang kultura at paniniwala ay hindi laging naaayon sa mga

nakasanayan ng nakararami, kaya't madalas silang napapabayaan ng gobyerno at ng lipunan sa

pangkalahatan.

Ang mga katutubo ay madalas na naisasantabi sa kadahilanang mayroon silang sariling

kultura, paniniwala at kaugalian na hindi angkop sa nakasanayan ng karamihan. Nagiging

dahilan ito upang sila’y tingnan nakaiba sa lahat at nagdudulot ng pagsasantabi. Iba’t ibang mga

malulupit na karanasan ang kanilang napagdaanan, katulad ng, pagpapalayas sa kanilang mga

sariling tirahan, pagkakait ng pagkakataong ipahayag ang kanilang kultura sa lipunan, pisikal na

pag – atake at iba pa. Mas naging tahasan ang marhinalisasyon at dislokasyong naranasan ng

mga katutubo sa mga nagdaang taon hanggang sa kasalukuyan. Ang dislokasyon na kanilang

naranasan ay nag-ugat sa mga mananakop na Kastila, Amerikano at maging Pilipinong

nnagmulaa sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas na piniling manirahan sa lupain na pagmamay-ari

ng mga Lumad. Inagaw ng mga nasabing dayuhan ang kanilang lupain, nasasakupan at mga likas

na yaman na siya ring dahilan ng pagkawala ng kanilang karapatang umunlad ayon sa kanilang

pangangailangan at kapakanan. Ang lupang tinitirhan ng mga Katutubo ay tahanan ng mahigit

80% ng biodiversity ng ating planeta at mayaman sa likas na yaman, tulad ng langis, gas, troso at

mineral. Gayunpaman, ang mga lupaing ito ay nakagawiang inilalaan, ibinebenta, inuupahan o

simpleng ninakawan at dinudumhan ng mga gobyerno at pribadong kumpanya. Maraming mga

katutubo ang natanggal sa kanilang lupain dahil sa mga armadong tunggalian. Ang mga aktibista

sa karapatan sa lupa ng mga katutubo ay nahaharap sa karahasan at maging sa pagpatay kapag


hinahangad nilang ipagtanggol ang lupain ng mga Lumad. Ang mga pang-aabuso sa karapatang

pantao na may kaugnayan sa kanilang mga karapatan sa lupa at kultura, ay nag-udyok sa

dumaraming bilang ng mga katutubo na lumisan sa kanilang tradisyonal na lupain tungo sa mga

kabundukan, kagubatan, bayan at lungsod.

Makikitang malalim na ang ang suliraning kinakaharap ng mga Lumad sa Mindanao na

nagresulta sa pagiging grupong nasa laylayan at dislokasyon. Bagaman, mayroon ng ibang mga

pag-aaral na tumatalakay tungkol sa mga dahilan dito subalit kaiba ang pag-aaral na ito na

nagsasabuhay sa kalinawan ng kanilang sitwasyon at nagnanais na solusyunan ito sa

pamamagitan ng pagbibigay boses sa kanila na maaring sa pamamagitan ng panitikan.

Mga Mananaliksik:

Canonigo, Haileen Q.

Gamal, Andrea S.

Hadjinor, Keshia M.

You might also like