You are on page 1of 1

Minorya: Ang Pinaglalaban ng mga Subanen

ni: Farisha Reem E. Zailon

Simula
Ang Minorya ay maliit na bahagi ng populasyon na kadalasan ay nakararanas ng diskriminasyon o marginalisasyon.
Ang minorya ay salitang ginagamit upang ilarawan ang mga pangkat etniko na naninirahan sa isang rehiyon o lugar
na samasama. Sila ay may koneksyong pangkasaysayan, mga bagay na nag-uugnay at nagbubuklod sa kanila na
ipinapamalas nila sa gawi ng kanilang pamumuhay, kadalasa’y mga minorya ang biktima ng diskriminasyon kagaya
ng mga subanen sa benepisyong pampubliko dahil karamihan sa kanila’y nakatira sa malalayong lugar na hindi
gaanong abot ng kabihasnan.
Gitna
Tila alingawngaw na bumasag sa katahimikan ng mga katutubong Pilipino ang kaliwa’t kanang suliraning nag-
udyok sa kanila upang iparinig ang kanilang tinig. Kahit sila pa ang kaunaunahang humubog sa ating kasaysayan at
kultura, mistulang kulang pa rin iyon upang ang sitwasyon ng mga etnikong minorya ay bigyang pansin ng lipunan
at pamahalaan.
Malakas rin ang impluwensiya ng konsepto ng “kapwa” sa lugar na ito ng Mindanao.Hinikayat niya rin ang kanyang
mga kapwa kababaihan na tumindig at wakasan ang diskriminasyon na nagaganap sa labas ng kanyang pamayanan.
Ikinuwento niya na paglabas nila ng Zamboanga, patung-patong ang mga natatanggap niyang label. Siya na nga ay
katutubong menorya, na isa ring babae. Ani niya, “Doble-doble ang pagkabiktima sa amin, tinuturing na
pinakamababa sa lipunan. HIndi narerecognize na may kakayahan kami, may kapasidad…” Dahil rito, ipinahayag
niya ang nais niya na magkaisa at tumindig lahat ng kababaihan, at wakasan ang diskriminasyon na ito at “Dapat
pantay-pantay lang ang lahat ng tao sa sambayanan”.
Wakas
Sa patuloy na pagusad ng ating bayan sa hinaharap, hindi dapat talikuran ang kultura at ang mga palatandaan ng
ating kasaysayan. Ang ating bayan ay hindi lamang para sa mga taong nasa kabihasnan kundi para sa lahat, minorya
man o hindi. Patuloy ang pag usad ng ating bayan sa hinaharap, hindi natin dapat talikuran at kalimutan ang ating
mga kultura at palatandaan ng ating kasaysayan. Ang ating bayan na tama. Ipaglaban natin ang ating paniniwala at
kakayahan kahit gaano man kakaunti ang bilang natin sa isang lipunan, tumindig tayo at ipaglaban natin ang ating
karapatan bilang isang indibidwal at iparating na “dapat pantay pantay ang lahat ng tao sa sambayanan.”

Pinagkunan: https://thebenildean.org/2018/03/sulyap-sa-buhay-ng-isang-minorya/,
https://jjlendaya.wixsite.com/pamana-ni-sisa/single-post/2016/11/29/Ang-Mga-Subanen-At-Ang-Konsepto-Ng-
Kapangyarihan

You might also like