You are on page 1of 2

LLE MAH

HY I

N
R

AY
CA

ANG BALANGKAS NG MULTIKULTURALISMO AT


ANG PAGBUBUO NG BANSANG PILIPINO

Abstrak
Ang sanaysay na ito ay tungkol sa pagbuo ng bansang Pilipino
gamit ang balangkas ng multikulturalismo. Pag-uusapan dito ang
mga negatibong aspeto at kakulangan ng ating pagsasabansa at
kung paano makakatulong ang balangkas ng multikulturalismo
sa pagtugon sa mga suliranin at usapin katulad na lamang ng
rehiyonalismo, hidwaan ng mga Muslim at Kristyano, katayuan ng
mga minoyrang pangkat, ugnayan ng mga pangkat etnikong
nagsama-sama sa mga malalaking lungsod, at sa ating
pagkakaunawa sa kinabukasan ng mga pangkat etniko sa
mabilis na modernisasyon at globalisasyon at sa umiiral na
monokulturalismong nagaganap sa ating pagsasabansa. Walang
ibinibigay na iisang pormula sa pagtutugon ng mga suliraning
dala-dala ng ating pagiging isang multikultural na estado. Sa
halip ito ay nag-aanyaya sa ating tingnan ang kabuuang
historikal, pulitikal at kultural na konteksto ng bawat usapin. Dahil
sa sanaysay na ito, napagtantuan ang kahalagahan ng
multikulturalismo sa pagsira ng problema sa ating pagsasabansa.
Binigyang diin nito na ang rehiyonalismo ay hindi hadlang kundi
isang sandata upang palakasin ang ating nasyonalismo. Sa
katunayan, may malaki itong maiaambag sa pagtugon sa mga
usapin tulad ng rehiyonalismo, hidwaan ng mga Kristyano at
Muslim, katayuan ng mga minoryang pangkat, ugnayan ng mga
pangkat etnikong nagsama-sama sa mga malalaking lunsod, at
pati sa ating pagdadalumat sa kinabukasan ng ating mga
pangkat etniko na tiyak masasagasaan sa umiiral na
monokulturalisasyong dala-dala ng ating pagsasabansa, ng
modernisasyon at ng globalisasyon.

You might also like