Ipahayag ang iyong kuro-kuro, opiniyon o pananaw hinggil sa paksang: “Ang
Hidwaan sa pagitan ng mga Kristiyano at ng mga Muslim sa Mindanao.” Ano sa
tingin mo ang dahilan ng hindwaan sa dalawang panig? Ano ang iyong magiging hakbang upang mabigyang solusyon ang alitan sa mga nasabing grupo?
Lahat naman tayo ay nauuhaw sa seguridad, nababahala sa patuloy na
kaso ng karahasan at higit sa lahat, gusto nating nakararami ang konsepto ng pagkakaisa ganunpaman, ang pagkaka-iba nang ating mga pananaw at prinsipyo sa buhay ay syang nagiging kritiko at epektibong basehan ng kaototohanan at kung minsan pa nga ay siyang tulay sa pagkasira ng ating samahan. Ngunit hanggang saan nga ba ang ating nalalaman?
Lingid sa kaalaman ng lahat, sa kasalukuyan tayo ay may kinakaharap na
isyu ukol sa madugong panunupil tungkol sa hidwaan sa pagitan ng Kristiyano at ng Muslim sa bahagi ng Mindanao. Bilang isang mamayan kagaya mo, hindi natin ito gusto ngunit malaking bahagi ng suliraning ito ay dulot ng indikasyon ng kolonisasyon at pagkabilang ng mga lipi ng muslim sa laylayan ng ating lipunan. Bukod pa rito ang nabanggit na hidwaan ay kaisa sa mga kritikal na problemang hinaharap ng ating gobyerno at syang maaaring magdulot ng banta sa ating liberalismo kung ito ay hindi pag-uukulan ng sapat na pansin, hindi lamang sa ating mga mamamayan datapwat kalakip na rin ang iba pang karatig-bansa sa rehiyon ng timog-silangan. Sa katanuyan, malaking parte ng ating kolonyal na kasaysayan ang naging sanhi nang hindi pagkakaunawaan ng Kristiyano at ng Muslim lalo na kung ito ay ating babalikan. Noong panahong ng mga Amerikano sa Pilipinas ay nagtatag ng patakaran na syang magsusulong nang pagkaka-isa ng mga Bangsamoro at muslim at ng mga Kristyanong Pilipino sa araw ng pagtatag ng Republika ng Pilipinas subalit maringil ring ipinabatid ng mga bangsamoro at muslim sa mga Amerikano noon na sila ay hindi sang-ayon sa layunin ng patakarang ito. Ngunit sila ay hindi niringgan hanggang sa hinikayat ng patakarang ito na anyayahan ang mga kristyanong Pilipino na malawakang lumipat sa Mindano sapagkat sagana ito sa likas na yaman kung ito ay ikukumpara sa Luson at Bisayas. Naging sahi rin ng paglipat ng Kristyano ang pagkabawas ng populasyon ng mga muslim sa timog-silangan ng Pilipinas at simula noon ito ay naging seryosong suliranin ukol sa lipi ng mga muslim na labis na nag-iwan sa kanila ng hindi magandang pangitain pukol sa kanilang karapatan para sa kanilang mga ninuno, dominanteng lupain at ekonomiya. Para sa mga Muslim ang tanging paraan lamang para mabawi ang kanilang karapatan para sa kalayaan ay ang pagtatatag ng Republika ng Bangsamoro at ang sakatuparan ng kasunduan ng Tripoli para sa autonimiya ng kanilang gobyerno. Pangalawang sanhi rin ng hidwaang ito ay ang pagkakaiba-iba ng Kristiyano at Muslim sa aspeto ng spiritwalismo at relihiyon kung saan ang mga Muslim ay lumilipat ng relihiyon papunta sa Kristyanismo at ganoon rin naman sa mga kristyanong nais maging Muslim at ito ay nagpapahiwatig lamang na ang ganitong uri ng aksyon ay syang paglabag sa paniniwala at pananampalataya ng bawat isa sa perspektibo ng magkaibang panig. Sa kabila nito ay hindi pa rin maitatanggi na sa loob nang napakatagal na panahon ng pakikipaglaban ng mga Muslim para sa kanilang kalayaan mula sa mga Kristyano ay naisulong parin nila ang pantay na pagtitiwala ng mga Muslim at Kristyano sa isa’t-isa laban sa iba`t- ibang uri ng kawalan ng katarungan sa lipunan. Dahil dito marapat lang rin nating isipin na makabuluhang epekto ang maidudulot ng wastong pagbibigay ng tamang impormasyon at edukasyon sa bawat mamamayan partikyular na sa mga Muslim na adbokasiya rin naman nilang panatilihan ang kapayapaan at makipagtulungan sa mga gawaing magbibigay importansya sa sibil at kultura ng nakararami. Sa napapanahong isyu ngayon tungkol sa pagitan ng Muslim at Kristyano ang alitan sa magkabilang grupo ay panahon pa ng kolonosisasyon nang umusbong ito at sa aking palagay, apat na hakbang lamang ang posibleng solusyon upang matigil na ang alitang ito: a) Simulan natin sa pagtanggap ng ating pagkakaiba-iba at pagtanaw sa bawat isa na tayong lahat ay may pagkakapantay-pantay sa larangan ng adbokasiya para sa hustisya; b) Lubos na pagapahalaga at pakikinig sa kultura at paniniwala ng iba; c) Malumunay na pakikipag-ugnayan at pakikipagpatawaran ng mga maling nagawa sa magkabilang panig; at d) Pagtataguyod ng lupon ng mga tagapamahala mula sa Muslim at Kristyano sapagkat ito ay lubos na makakatulong para sa kaunlaran, kaayusan at kapayapaan ng lahat.
Mahalagang ating matandaan na ang ating lipunan ay may iba’t-ibang
suliranin na nilulutasan at pilit na sinusulusyonan ganunpaman ang bawa’t isa sa atin ay may sapat antas ng kaalaman upang maki-alam at makipaglaban. Kung minsan sa pagitan ng hidwaan hindi lang sa karahasan, militar o politika mareresolba ang problema sa kultura at paniniwala ng bawat-isa. Bilang isang responsableng nilalalang kailangan rin nating matutong tumanggap ng kalagayan sa ating pinakabagsak na sitwasyon sapagkat ito ang maaaring magdala sa atin sa kapayapaan at tunay na kalayaang ating hinahangad. At sa halip na tayo ay pangibabawan ng galit at alitan tayo dapat ay hindi nakikipagdebatihan at nagpapabigatan ng problema kundi dapat ay nagtutulungan sa problema anuman ang ating pagkaka-iba.