You are on page 1of 1

Hindi na bago sa lahat ang usaping hidwaan sa pagitan ng mga Kristiyano at ng mga

Muslim. Isa ito sa mga mahirap at mabigat na suliranin ng pamahalang Pilipinas ang pananatili
ng kapayapaan sa Mindanao. Sa paglipas ng panahon, kasabay ng pagpalit ng mga lider sa
bansa ay unti-unti na itong nalulutas. Ngunit, ano nga ba ang ugat sa matagal na panahong
hidwaang ito?
Sa aking sariling pananaw, mayroong dalawang dahilan ng hidwaan sa pagitan ng mga
Kristiyano at ng mga Muslim. Unang una sa lahat ay ang kapangyarihan. Kapangyarihan ang
isa sa mga dahilan kung bakit hindi matahimik ang bawa’t panig. Isinalang-alang nito ang isang
katanunganng, sino ang mamumuno sa Mindanao? Ito ang nagudyok sa bawat panig na
ipaglaban ang kanya-kanyang prinsipyo at karapatan. Matatandaang, ang mga Kristiyano ang
madalas na nahahalal bilang pinuno sa partikular na rehiyon sa Mindanao. Ito marahil ang
naging dahilan ng pag-usbong ng hindi pagkakaintindihan sapagkat ipinaglalaban din ng mga
Muslim ang katotohanang sila ang naunang tao sa Mindanao kaysa mga Kristiyano at dahil dito
sila ang dapat na nasa kapangyarihan. Bukod dito, naging sanhi rin ito sa hindi pantay-pantay
na pakikitungo ng nasa kapangyarihan at hindi patas na pagbigay ng pagkakataon sa mga
Muslim o Kristiyano. Pangawala sa dahilan ng hidwaang Muslim at Kristiyano ay ang agawan
sa teritoryo. Ang Mindanao sa kasalukuyan ay binubuo ng iba’t ibang uri ng pangkat etniko
patikular ang mga Kristiyano sa karamihan. Dahil dito, kanya-kanya naman ang pagpapalawak
ng kanilang teritoryo. Ngunit, hindi maiwawaglit ang pinaglalaban ng mga Muslim na ang
Mindanao ay para lamang sa kanila. Ito ang dalawang nakita kong dahilan sa hidwaan sa
pagitan ng Muslim at Kristiyano.
Bilang mag-aaral, iminumungkahi ko na magkaroon ng isang programa ang pamahalaan
na layuning itangkilik ang usapang pangkayapaan. Sa pamamagitan nito, maipapahayag ng
bawat panig ang kanilang ipinaglalaban at ang mga bagay na nais pagkasundoan. Bawat panig
ay mayroong kinakatawan upang maghatid ng pangkalahatang layunin ng pangkat. Sa
programang ito, maririning ng pamahalaang Pilipinas ang bawat hinaing at matutukoy ng
pamahalaan kung paano ito matutugunan. Ito ang aking naisip na paunang hakbang para
tuldokan ang hidwaan sa pagitan ng mga Muslim at ng mga Kristiyano.

You might also like