You are on page 1of 13

ARALING PANLIPUNAN 5

Ang Paglaganap ng
Relihiyong Islam sa
Pilipinas

PREPARED BY:
MARIE ALIE GRACE B. LUCENARA
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay
inaasahang:
• Natatalakay ang paglaganap at katuruan
ng Islam sa Pilipinas (AP5PLP-li-10
• Panalangin
• Pagbati sa guro
• Pagtatala ng Liban
BALIK ARAL
Nakaraang Paksa: Sosyo-Kultural at
Politikal na Pamumuhay ng mga
Sinaunang Pilipino

• Bakit mahalaga na malaman natin ang


sosyo-kultural at politikal na
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino?
Mga bata tingnan ang nasa larawan?
Ano ito?
Mga bata tingnan ulit ang nasa larawan. Ano ito?
Alam niyo ba ang tawag sa simbahan ng mga muslim?
Ano naman ang tawag ng kanilang relihiyon?
Islam sa Pilipinas
Ang Islam ay ang pinakamatandang
monoteistikong relihiyon sa Pilipinas at mas matanda
pa sa Kristiyanismo. Ang mga Muslim sa Pilipinas ay
binubuo lamang ng limang porsiyento ng populasyon
ng Pilipinas at ang karamihan sa mga deboto nito ay
nakatira sa Mindanao. Ang karamihan ng mga
Muslim sa Pilipinas ay kabilang sa sektang Islam na
Sunni. Meron ding maliit na populasyon ang nakatira
sa may Quiapo, Maynila, at iba't ibang mga lugar sa
Quezon City na may 25 moske gaya ng Culiat,
Fairmont, Payatas at Sta. Monica.
Mindanao
Ang pagdating at pagpapalaganap ng Islam sa
Mindanao ay itinuturo kay Sharif Kabungsuan na dumating
sa Maguindinao noong 1515 mula Johor. Siya ay iniulat na
anak ni Prinsesa Malaccan at Arabong Sharif Ali Zain ul-
Abidin at dumating kasama ng kanyang mga mandirigma
upang magtatag ng isang prinsipiladidad. Siya ay nagtatag
ng mga alyansa sa pamamagitan ng maraming mga kasal.
Kanyang sinakop at inakay ang mga pinuno at tribo sa
Cotabato. Ang mga tribong hindi nagawang maakay ni
Kabungsuwan sa pamamagitan ng paghihikayat o dahas ay
itinulak sa mga bangin. Sa kabila nito, hindi naakay sa
Islam ang mga katutubong populasyong Lumad ng
Mindanao.
Pangkatang Gawain:
Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat.
Isusulat sa Manila Paper ang mga bood sa
binasa at iuulat ito sa harapan ng mga pinuno
sa bawat pangkat.
• Pagkat 1 - tatalakayin ang Islam sa Pilipinas
at isusulat ang bood sa Manila Paper.
• Pangkat 2 - tatalakayin ang Mindanao at
isusulat ang bood sa Manila Paper.
Paglalahat:

Kailan dumating ang Islam sa Mindanao?

Dumating ang Islam sa Mindanao


noong 1515 mula Johor.
Pagtataya:

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay naglalahad ng


katotohanan at MALI kung hindi naglalahad ng katotohanan. Isulat ang
tamang sagot sa notbuk.

____1. Ang Islam ay ang relihiyon ng mga Muslim.

____2. Ang Pagpapalaganap ng Islam sa Mindanao ay itinuturo ni Sharif


Kabungsuan.

____3. Si Sharif Kabungsuan ay pari ng relihiyong Kristiyanismo.

____4. Si Sharif Kabungsuan ay anak nina Prinsesa Malaccan at Arabong


Sharif Ali Zain Ul-Abidin.

____5. Ang Islam ay ang pinakamatandang moneteistikong relihiyon sa


Pilipinas.
Takdang Aralin:
Panuto: Hanapin ang tamang sagot sa Hanay B at isulat ang titik ng
wastong sagot sa notbuk.

HANAY A: HANAY B:

____1. Diyos ng mga Muslim a. Koran

____2. Aklat ng mga Muslim b. Allah

____3. Banal na lugar ng mga Muslim c. Mosque

____4. Pag-aayuno tuwing panahon ng Ramadan d. Saum

____5. Ang propeta ng mga Muslim e. Mohammad


THANK YOU FOR
LISTENING!!!

GOD BLESS
BYE BYE!!!

You might also like