You are on page 1of 29

PANANAKOP NG

ESPANYA SA
PILIPINAS
Inihanda ni:
Bb. Karen M. Cervantes
• Noong Marso 16, 1521, narating
nina Magellan ang isla ng
Homonhon sumunod ang Isla ng
Limasawa sa may Southern Leyte

• nakilala niya si Rajah Kulambu na


lubhang humanga sa kanilang
kasuotan at kagamitan
• Nagkaroon ng isang "kasi-
kasi" o blood compact tanda
ng kanilang pagkakaibigan.

• Dito isinagawa ang unang


pagmimisa sa bansa.
Narating nila ang isla ng
Sugbu o Cebu na kung saan ay
nagkaroon din ng blood compact
sa pagitan ni Magellan at Raja
Humabon. Isang misa ang
idinaos na pinangunahan ni
Padre Pedro Valderama.
Pagkaraan ng misa ay itinayo ni
Magellan ang isang malaking
kahoy na krus at ibinigay sa
asawa ni Raja Humabon ang isang
imahe ng Sto. Niño. Humigit
kumulang 800 katao ang nakiisa
sa misa na sinundan ng isang
binyagan.
Si Raja Humabon ay
binigyan ng pangalang
Carlos at ang kanyang
asawa ay
pinangalanang Juana.
Ipinangako ni Magallen na
pag-iisahin niya ang lahat ng
mga pinuno sa ilalim ng kanyang
pamamahala, ngunit may isang
pinuno na hindi tanggap ang
presensya ng mga Espanyol sa
kanilang lugar.
Siya si Lapu-Lapu, isang
pinuno sa isla ng Mactan.
Nilusob ni Magellan at ng mga
kasama ang isla. At naganap nga
ang Battle of Mactan, ngunit sa
kasawiang palad ay napatay si
Magellan.
Sa pagkamatay ni Magellan ay
nilisan ng mga Espanyol ang
bansa at itinuloy ang paglalayag
papuntang Spice Islands at
pabalik ng Espanya sa
pamumuno ni Sebastian del
Cano.
Ang Iba pang
Ekspedisyon
ng mga
Espanyol sa
Pilipinas
Sa pagbabalik nila
Sebastian del Cano ay
nabigyan ideya ang Espanya
sa maaaring yaman na
makukuha nila kung
babalikan ang mga lugar na
napuntahan ng ekspedisyon.
Napagdesisyunan ni Haring
Charles I na dapat sakupin
ang Pilipinas.
Nagpadala ng limang
ekspedisyon ang
Espanya ngunit yung
dalawang huli lamang
ang nakarating sa bansa.
Ang unang tatlo ay
pinamunuan nina Garcia
Jofre Loaisa (1525),
Sebastian Cabot (1526),
at Alvaro de Saavedra
(1527).
Ekspedisyon ni
Ruy Lopez de
Villalobos (1542)
Ang kanyang paglalayag ay
nanggaling sa Navida, Mexico
noong Nobyembre 1, 1542.
Tinahak niya ang rutang
dinaanan ni Magellan at
narating ang Mindanao
noong Pebrero 2, 1543.
Nagtayo siya ng kolonya sa
Saranggani ngunit dahil sa
kakulangan sa pagkain ay
nilisan niya ang lugar.
Narating niya ang Tidore,
Moluccas ngunit nabihag
siya ng mga Portuges. Si
Villalobos ang nagbigay ng
pangalang "Islas Filipinas"
sa ating bansa bilang
pagkilala sa anak ni Haring
Charles I na si Prinsipe
Philip na 'di naglayon ay
naging hari ng Espanya.
Dahil sa kabiguan ng apat na
ekspedisyon ay napagdesisyunan ni
Haring Charles na ihinto na ang
pagpapadala ng mga mananakop sa
Pilipinas. Ngunit, nang maging hari
na ang kanyang anak na si Philip II
ay ipinagpatuloy nito ang
ekspedisyon.
Ekspedisyon ni Miguel
Lopez de Legazpi (1565)
at ang Pagsakop ng mga
Espanyol sa Pilipinas
Kasama ni Legazpi
sa paglalayag si
Padre Andres de
Urdaneta. Pebrero
13,1565 nang
marating nila ang
Cebu, Leyte,
Camiguin at Bohol.
Dito sa Bohol ay
nagkaroon siya ng
pakikipagsanduguan o
blood compact sa
pinuno nito na si Datu
Sikatuna. Dahil sa
pakikipag kaibigan ni
Legazpi kay Sikatuna ay
nakakuha siya ng mga
ginto at spices.
Abril 27, 1565 nang muling
bumalik si Legazpi sa Cebu.
Sinira niya ang lugar ni Raja
Tupas at nagtayo siya ng mga
tirahan ng mga Espanyol.
Dumating ang karagdagang
2,100 puwersa sa utos ng hari
at itinayo ang Fuerza de San
Pedro na naging isang trading
outpost at sentro ng
kapangyarihan.
Napag-alaman nina Legazpi na
may isang lugar sa isla ng Luzon na
mayaman. Ito ay ang Maynila.
Ipinadala niya si Martin de Goiti
kasama ang 300 katao upang
tingnan ang lugar. Sa kanilang
paglalakbay ay narating nila ang
mga isla ng Panay at Mindoro.
Mayo 8, 1570 nang marating nina
de Goiti ang Maynila. Noong una ay
naging maganda ang pakikitungo sa
kanila ng mga residente sa
pamumuno ni Raja Sulayman ngunit,
unti-unti nilang nadiskubre ang tunay
na motibo ng mga Espanyol.
Ang pagdududang ito ay nauwi sa
labanan. Dahil sa mas nakakaangat
ang mga armas ng mga dayuhan ay
madaling nagapi ang mga Pilipino.
Bumagsak na sa kamay ng mga
dayuhan ang Maynila.
Hindi nagtagal ay dumating
sa Maynila si Legazpi at
nakipagkasundo ng
kapayapaan kina Raja
Sulayman, Lakandula at
Matanda.
Ipinag-utos ni Legazpi
ang pagpapatayo ng
Intramuros (Walled City) at
ipinoroklama ito bilang
sentro ng pamahalaang
kolonya at kapital ng
bansa.
Taong 1572 nang mamatay si Legazpi
at ang kanyang labi ay inilagak sa
simbahan ng San Agustin. Taong 1574
nang ginawaran ang Maynila ng titulong
"Insigne y Siempre Leal Ciudad de
España" (Distinguished and Ever Loyal
City of Spain) ni Haring Philip II ng
Espanya.
Naging matagumpay ang
pananakop ng Espanya sa Pilipinas
dahil sa kakulangan ng
pagkakaisa ng mga Pilipino.
Walang isang sentralisadong
pamahalaan na bumuklod sa mga
tao. May mga barangay ngunit, ito
ay nagsasarili lamang.
Mga LAYUNIN ng mga Espanyol sa
pananakop:

1. ang magkamal ng yaman,


2. maipalaganap ang Kristiyanismo, at
3. maging tanyag sa mundo sa
pagkakaroon ng bagong teritoryo.
PANUTO: Sagutan
ang “GAWAIN” 3 na
nasa LMS.

You might also like