You are on page 1of 2

Mercado, Aaron S.

BSK: B13 12-Faraday

Apat na Base Militar sa Pilipinas Makikipag-ugnayan sa America

Magandang umaga sa inyong lahat. Ako ay si Aaron Mercado ang iyong


tagapagsalita sa araw na ito, ako po ay magbibigay ng isang talumpati tungkol sa
apat na base militar sa Pilipinas magkakaroon ng kalayaang makipag-ugnayan ng
America.
Bago ang lahat nais kong magpasalamat sa bawat isa sainyong nag handa at
tumulong sa upang mangyarikaganapan na ito. Alam ko na matrabaho mag plano
at mag-ayos ng isang pagtitipon at iniisip ang nararamdaman ng mga tao. Kasabay
pa nito ang nagbabagang init ng araw. Panghuli ay sainyong mga dumating din
hindi mangyayari ito kung wala ang inyong walang tigil na suporta.

Ang relasyon ng dalawang bansa ay isang mahalagang aspeto sa pandaigdigang


pakikipag-ugnayan. Hindi na bago sa ating lahat na ang bawat bansa ay may kani-
kaniyang kalagayan at pagkakakilanlan na kinakailangan pang mas lalong palakasin
upang mapagbuti ang mga ugnayan sa isa't isa. Ang pag-uugnayan ng dalawang
bansa ay isang mahalagang aspeto ng internasyonal na politika at ekonomiya.
Maaaring maghatid ng maraming benepisyo ang magandang ugnayan ng
dalawang bansa. Sa aspetong pang-ekonomiya, ang ugnayan ng dalawang bansa
ay maaring magbigay ng malawakang pagkakataon sa mga negosyante at
manggagawa na makapagsagawa ng negosasyon, na nagdudulot ng pagkakataon
para sa trabaho at pagtaas ng antas ng kita. Ukol nga ng DOD “In addition to
supporting Alliance commitments, these investments will also spur economic
growth and job opportunities in their respective provinces”.

Patuloy ang papatibay ng relasyon natin sa US at makikita natin sa mga paraan ng


pagsasama ng ating mga sundalo at ang kanila sa Filipino American Exercise ito ay
tinutukoy na pinaka malaking joint exercise sa dalawang bansa. Sa panahon
ngayon, hindi na sapat ang ating kakayahan na magkaroon lamang ng magandang
ugnayan sa loob ng ating bansa, ngunit kinakailangan din na magkaroon tayo ng
pakikipag-ugnayan sa mga bansang kasapi ng pandaigdigang komunidad. Ang pag-
uugnayan ng dalawang bansa ay isa sa mga paraan upang palawigin ang ating
kaalaman at kultura at makipagpalitan ng mga kasanayan at teknolohiya.

Importante din ito dahil nagkakaroon tayo ng pagkakataon na magturo at matuto


sa iba't ibang mga kultura, tradisyon, at mga ideya. Sa ganitong paraan,
nakakatulong tayo sa pagpapalawak ng ating kaalaman at pag-unlad ng ating
kaalaman sa buong mundo. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga karanasan,
kaalaman, at ideya, nagkakaroon tayo ng pagkakataon na magtulungan at
magbigay ng suporta sa isa't isa. Sa ganitong paraan, nakakatulong tayo sa
pagpapalakas ng relasyon ng mga bansa at sa pagpapalawak ng ating mga kaibigan
at kakampi sa buong mundo.

Ngayon, sa kasalukuyang panahon, hindi na natin nararanasan ang digmaan sa


Pilipinas. Ngunit, kailangan pa rin nating gunitain ang mga bayani ng ating bayan
na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bansa. Bilang mga
Pilipino, kailangan nating ipakita ang pagpapahalaga sa kanilang mga sakripisyo at
magpatuloy na maging matapang sa pagharap sa mga hamon sa buhay.

Kaya naman sa araw na ito, ako po ay nananawagan sa inyo na sama-sama nating


gunitain ang Araw ng Kagitingan. Pagdiwang natin ang kahalagahan ng kalayaan at
magpakita ng respeto sa mga bayani ng ating bayan na nag-alay ng kanilang buhay
para sa bansa natin, iyon lang maraming salamat.

You might also like