You are on page 1of 1

FINAL SYNTHESIS

By: Joy Risher V. Sy

Jose Protasio Rizal, ang magiting na pambansang bayani ng ating bansa. Tunay ngang kahanga-
hanga ang mga plataporma at ginawa niya upang mapalaya ang ating bansa sa kamay ng mga
malulupit na Espaῆol. Paano na lamang kung hindi sila lumaban? Ano na kaya ang kalagayan natin
ngayon bilang mga Pilipino?

Bilang isang mag-aaral, tinuruan ako ni Rizal na tumindig at ipaglaban ang karapatan ko lalung-
lalo na kung nasa tama ako. Kami ay naturingang mga bata ni Rizal, kung kaya’t patuloy kaming
makikibaka at tutuligsa sa mga maling pamamalakad ng gobyerno lalo na kung maapektuhan ang
pag-aaral namin gaya ng nangyayari sa UP-DND Accord (Kabanata 32 - The Left: Struggling to
make a comeback).

Bilang kabataan at indibidwal, dapat lang na matuto tayong kumilatis at bumoto sa tamang tao
dahil hindi na ito mababawi sa oras na naitanghal na siya bilang taga-pamuno ng ating bansa.
Siya ang magdedesisyon para sa makakabuti sa atin, ang tanging magagawa nalang natin ay
tanggapin ang kasalukuyan o makibaka kahit alam nating wala itong patutunguhan (Kabanata 20
- Technoracy and class politics in policy-making). Kagaya ng nangyare noong panahon ni Rizal,
pikit mata nating tinatanggap ang desisyon ng mga Espaῆol para sa ating bayan. Bagamat
binigyan tayo ng kasiguraduhan na magkakaroon tayo ng sapat na seguridad, hindi pa rin nito
mapapanatag ang loob bawat indibidwal hangga’t hindi napapakinggan ang bawat hinaing ng
bawat isa sa atin. (Kabanata 11 - Civil-Military Relation: Norming Departure).

Bilang magiging guro, nilalayon kong mapasali sa mga organisasyon ng mga guro gaya ng
Association of Concern Teacher o Teach for the Philippines upang maging mas pakipakinabang
ang aking nakamtam na propesyon. Hindi lamang maging taga-salin ng kaalaman ang aking
gusting marating, bilang nasa tamang edad na ako sa panahon na iyon, marapat lang na mas
matuto kong tumindig at makikabaka sapagkat mas alam ko na ang tama at mali. (Kabanata 30:
NGOs in post-marcos era)

Sa kasalukuyan kalagayan ng Pilipinas na nagiging bahay na ng mga corrupt ang senado marami
mang programa ang nalungsad upang mapatigil ito, hindi pa rin sila nagtagumpay (Kabanata 4:
Combating corruption). Maraming naghahangad na magkaroon sila ng mga programang
magsasalba sa ating bansa mula sa pademya at iba’t-ibang problemang panglipunan. Pantay na
pagtingin at tamang pagtrato sa mahihirap, mga problema na noon pa man ay wala ng solusyon.
Mga mata na patuloy na nakapikit at mga tenga na nakatakip sa mga dinadanas at dinadaing ng
kanilang kababayan, nagsimula kay Marcos na hanggang ngayon ay umiiral pa rin. Tunay ngang
dinala na tayo ng ating kasaysayan sa kakaibang mundo, sa mundo na kung saan hindi na
prayoridad ang mga tao kundi pera-pera na lang. Hindi man naging maganda ang mga
pangyayari sa nakaraan, nabasa na rin naman natin ang ating kahahantungan kung gagawin pa
natin ang nasasaad sa kasaysayan – bakit hindi natin sabay sabay baguhin ang ating bansa?
Gamitin natin ang ating mga libro at kasaysayan sa pagbago nito. Higit pa rito, ilagay natin ang
ating isip at puso sa pagseserbisyo sa ating kapwa upang lalo nating mapaunlad di laman ang
ating lipunan kundi pati ang ating mga sarili bilang isang Pilipino.

You might also like