You are on page 1of 1

Pagkakaisa ng Buong Pilipinas ni Carla Escarpe

Makikita sa larawan na may tatlong tao na nakasakay sa isang bangka na kung saan nagtutulungan sila
labananan ang alon ng tubig. Sa aking pagkakaintindi, sinisimbolo ng tatlong tao ang Luzon, Visayas at
Mindanao na nagkkakaisa upang labanan ang ating kinakaharap ngayon na pandemya na sinisimbolo
naman ng alon ng tubig.

Ayon kay lolo Amang Tanda na “ Ang mabigat ay gumagaan pag napagtutuwangan” ay
nangangahulugan na ang lahat ng problema o pagsubok na dumarating sa ating buhay ay may
solusyon kung ang bawat Pilipino ay magtutulungan at mayroong papel na ginagampanan sa ating
lipunang kinabibilangan. Ang bawat isa sa atin ay may kakayahan upang makapagbigay tulong sa ating
lipunan. Bilang mamamayan ng Pilipinas, kailangang may kooperasyon tayo sa gobyerno, ang
responsableng mamamayan ay sumusunod sa batas na ikakabuti ng ating bansa lalo na sa panahon ng
pandemya. Alamin at sundin ang mga batas na ipinapatupad dahil mahalaga ang batas upang
mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng isang lipunan. Kinakailangan din na magkaroon ng disiplina
sa sarili ang isa’t-isa dahil kung walang disiplina, walang kaayusan na mangyayari.

Malaking bagay din ang wika sa atin lalo na sa panahon ngayon dahil ito ang nag uugnay sa atin. Ito
ang ating kaagapay sa ating pakikipagtalastasan. Lahat tayo ay pantay pantay, wala sa antas ng estado
nito sa ating lipunan, wala sa pisikal na kaanyuan at kulay. Makakamtan natin natin ang pagkakaisang
hangad ng lahat kung gagamitin natin ang wika na siyang nagsisilbing tulay sa isang magandang bukas
para sa ating mga Pilipino.

Maari rin na sinisimbolo ng mga tao na nakasakay sa bangka ang ating mga bagong bayani sa panahon
ng pandemya na walang iba kung hindi ang ating mga “frontliners”. Kulang ang salitang salamat bilang
papugay sa lahat ng sakripisyo at hirap na kanilang hinaharap sa sakunang nangyari'y sa buong mundo
na hindi natin inaasahan. Padayon! Para sa mga taong nasa unahan, kasama niyo kami sa inyong
laban. Batid namin ang inyong sakripisyo para sa ating bayan. Mabuhay ang dugong Filipino!

You might also like