You are on page 1of 2

Maria Erica Angela M.

Lopez BSTM 1-4

Ang akdang Dekalogo ng Katipunan ay mayroong sampung dekado o utos, ang ilan dito
ay ang mga sumusunod, ating na impluwensiyahan ang mga Espanyol sa pagiging maka Diyos,
pagakakaroon ng pag0ibig sa kapwa at lupang tinubuan, tayo ay mayroong pag-asa na
malakalaya sa pagkaalipin sa ating bayan, kung ang isa man ay nasa panganib ang lahat ay
tutulong nang hindi nag dadalawang isip, ang bawat isa ay dapat maging huwaran bilang isang
tao, tulungan ang mga nangangailangan ng tulong. Ilan lamang ito sa mga magagandang
tunguhin o adhikain ng mga katipunero bilang kilusang bayan, ito ang halimbawa ng pagnanais
ng ma katuwiran, malaya, kaliwanagan, at kaginhawaan ng isang bayan, nais nila na magkaroon
ng magandang pamumuhay hindi lamang ang mga kabilang sa Katipunan kung hindi ang lahat
ng kanilang iniingatan na tao at lugar, sa isang bansang kanilang pinaglalaban. Si Andres
Bonifacio ang ama ng ating Katipunan, siya ang nag-simula ng rebulusyon para sa ating
kalayaan, ayon sa kaniyang akda ito ay kaniyang isunulat upang palakasin at pag tibayin ang
kanilang Samahan. Ang dekalogo na ito ay ang magiging batayan o susundin ng mga anak ng
bayan sa mga susunod pa na kasapi nito, upang kanilang alam ang nais at ipinaglalaban ng
kanilang samahan. Gaya ng aking sinabi sa unang talata ang dekalalodo ay may sampung utos na
sinasabing binase rin sa sampung utos ng Diyos ang kanilang mga salita o tunguhin.

Ang isa pang layunin ng dekalogo na ito ay ang itaguyod ang bayan at ilayo sa mga
pananakop ng ibang bansa at alamin ang mahalagang uri ng pamumuhay na dapat sundin ng
bawat kabilang sa grupo at ng iba pang mga tao. Dapat nilang matutuhan ang tamang
pamumuhay at nais ipatupad o tunguhin. Habang sa kartilya ng Katipunan ay sinasabing
makikita mo rito ang kababaang loob ni Bonifacio sapagkat kahit na mas mataas siya kay Jacinto
sa Katipunan kay Jacinto, noong makita niyang mas mataas ang kaledad nung Kartilya,
tinanggap niyang ito at ito ang kaniyang sinabing ituro sa Katipunan at hindi ang kaniyang
dekalogo na isinulat. Ito rin ay nagsasaad na huwag nating ugaliin ang pag diskirminasyon sa
mga tao, ano man ang kulay, itsura at kasarian ng isang tao. Ito ay naglalaman ng mga tungkulin
at aral na dapat sundin at gawin ng mga kasapi ng katipunan, ito ay unang sinulat ni Emilio
Jacinto at ipinatupad ni Andres Bonifacio.

Ang mga mahahalagang tao ay kailangan maalala natin sa ating kasaysayan ang mga tao
na tumulong upang makamit ang mga bagay na mayroon tayo ngayon. Makikita mo dito ang
dangal ng isang tao, at bayan tungo sa kalayaan, at pagiging mapag kumbaba tungo sa kabutihan
Maria Erica Angela M. Lopez BSTM 1-4

ng ating bayan. Itinuturo dito na lahat tayo ay magkakapatid ano man ang ating itsura o kasarian.
Sa panahon natin ngayon hindi pa rin nawawala ang diskriminasyon at mababang pag tingin ng
ibang mga tao, ngunit kung pipiliin natin maging mabuting tao ay makakamit natin ang pantay
na pag tingin sa bawat isa, tayo na lamang ang magkakakampi mula sa mga kalaban kaya huwag
na natin talikuran ang isa’t isa, sa panahon natin ngayon mahirap na ang lumaban mag-isa
sapagkat madaming tao ang puwedeng talikuran tayo ano mang oras kapag tayo ay hindi na
kailangan, tayo ay kanilang iiwan at hahayaan harapin ng mag-isa ang laban.

You might also like