You are on page 1of 4

AKADEMIYA

 isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista, at siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, at
palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan.
 Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses: academique; Medieval Latin: academicus)
noong gitnang bahagi ng ika-16 nasiglo.
 Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag- aaral na nagbibigay-tuon sa
pagbasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain
Akademiko - tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon o larangan ng pag-aaral na nagbibigay tuon sa
pagbasa, at pag-aaral, kaiba sa praktikal at teknikal na gawain
Di-Akademiko - mga gawain na sa labas matututunan.
AKADEMIKO DI-AKADEMIKO
Layunin Layuinin
 Magbigay ng ideya at impormasyon  Magbigay ng sariling opinyon
Paraan o batayan ng datos: Paraan o batayan ng datos:
 Obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa  Sariling karanasan, pamilya, at komunidad
Audience
Audience
 Iba’t ibang publiko
 Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong komunidad)
Pananaw
 Subhetibo
Pananaw  Sariling opinyon, pamilya, komunidad ang pagtukoy
 Obhetibo  Tao at damdamin ang tinutukoy
 Nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat
 Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin kundi Organisasyon ng ideya
sa mga bagay, ideya, facts  Hindi malinaw ang estruktura
 Hindi kailangang magkakaugnay ang mga ideya
 Nasa pangatlong panauhan ang pagkakasulat
Halimbawang gawain
 Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin, at  panonood ng pelikula o video upang maaliw o
hindi gumagamit ng pangalawang panauhan magpalipas-oras
Organisasyon ng ideya  pakikipag-usap sa sinuman ukol sa paksang di-
 Planado ang ideya akademiko
 pagsulat sa isang kaibigan
 May pagkakasunod-sunod ang estruktura ng mga  pakikinig sa radyo,
pahayag  pagbasa ng komiks, magasin, o diyaryo

 Magkakaugnay ang mga ideya


Halimbawang gawain
 pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase pakikinig ng
lektyur
 panonood ng video o dokumentaryo
 pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob ng klase o
isang simposyum
 pagsulat ng sulatin o pananaliksik

TEORYANG PANGKOMUNIKASYON NI CUMMINS (1979)


 Basic Interpersonal Communication Skills (BICS) - kasanayang di-akademiko. Batay sa mga usapan, praktikal, personal, at
impormal na mga gawain
 Cognitive Academic Language Proficiency (CALP) - ang kasanayang akademiko na pang eskuwelahan at pangkolehiyo.
Batay sa mga pormal at intelektuwal.
Mapanuring pag-iisip - ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talino upang epektibong harapin ang mga
sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko, at maging sa mga gawaing di-akademiko.

MAPANURING PAGBASA SA AKADEMIYA


 Uri ng pagbabasa na kumikilala ng pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon.
 Mabatid ang mga propagandang ginagamit sa mga materyal na humihikayat sa mambabasa.
 Kumikilala ng pagkiling ng manunulat na nakapaloob sa kanyang akda.
METAKOGNITIBONG PAGBASA TUNGO SA MAPANURING PAGBASA AT MAMBABASA
 Tradisyonal na Pananaw - Lahat ng ideya, impormasyon at kuhulugan ay matatagpuan sa teksto. Ang mambabasa ay nakatuon
lamang sa salita at estruktura ng teksto.
 Pananaw na Kognitibo - May interaksyon ang mambabasa sa teksto. Kaalaman at estratehiya sa pagbasa ang katangian nito.
 Metakognitibong Kognitibo - Sa teoryang ito may nabubuong interaksyon sa pagitan ng teksto at mambabasa. Ito ay
pagsasamang analitikal at kritikal.

PROSESO NG METAKOGNITIBONG PAGBASA:


Estratehiya - Tiyakin kung anong uri o anyo ng teskto.
Hanapin o tukuyin and paksang pangungusap - ito ang pangungusap sa loob ng teksto, nasa unang talata o introduksyon na
tumutukoy sa paksa. Minsan hindi mababasa sa teksto ngunit nasa mambabasa kung paano niya masasabi sa pangungusap.
Linawin, bigyang-tuon, at balik-balikan ang layunin ng may-akda habang binabasa ang teksto - malinaw ba niyang
naipaliwanang ang layunin o naliligaw ang mga argumento? Ano ang gusto niyang patunayan?
Piliin, busisiin, at basahing mabuti ang mga detalye o ebidensiya - Angkop, kapani-paniwala o mapagkakatiwalaan, o sinasaliksik
ba ang mga ito?
Suriin ang paraan ng pagkasulat - Organisado ba ang mga ideya? Ano ang estilo ng pagsulat ng may-akda?
Alamin ang gamit ng wika - angkop ba ito sa uri ng teksto? Sa layunin? Sa iniisip ng mambabasa? Ano ang tono?
Gumawa ng tuloy-tuloy na mga prediksiyon kung ano ang sunod na mangyayari batay sa integrasyon ng datos.
Pagsikapang gawan ng buod ang binasang teksto - Maaring Ibatay ito sa alinman sa sumusunod:
 Mga paksang pangungusap sa bawat talata upang makuha ang ugnayan ng mga bahagi sa kabuuan ng teksto
 Pagkakasunod-sunod ng mga ideya mula sa yong pagtatala
 Sanhi at bunga ng mga pangyayari o ideya sa teksto
 Pagkokompara ng mga pangyayari o mga ideya at datos sa loob ng teksto
 Iba pang paraang inaakalang makatutulong upang maipakita ang pangkalahatang mensahe ng teksto
Gumawa ng ebalwasyon o konklusyon batay sa mga tinukoy sa teksto, sariling opinyon, karanasan, datos, impormasyon mula sa
labas ng teksto at sariling makatuwiran at maalam na pagdedesisyon at disposisyon. Natamo ba ang layunin ng may-akda? May
maibibigay ba itong kontribusyon sa mundo ng mga kaalaman?

MAPANURING PAGSULAT SA AKADEMIYA: PAGBUO NG MAPANURING SANAYSAY


ESTRUKTURA AT PROSESO NG MAPANURING PAGSULAT
Introduksyon
 Ito ang pinakatesis o pokus ng pag-aaral.
 May gustong patunayan ang paksa at makakatulong kung sa bahaging ito ay nalilinaw na ang nais patunayan sa pamamagitan ng
paksang pangungusap o tesis ng pangungusap.
 Napakikitid ang malawak na paksa na kailangan pagdebatehan.
PAGPAPATUNAY BILANG POKUS O TESIS NG PAG-AARAL
a. Pagpapatunay bilang pokus o tesis ng pag-aaral
 Fact o Opinyon
 Sanhi at Bunga
 Halaga
 Solusyon at Patakaran
b. Paksang Pangungusap - ito ang magpapalakas sa mga argumento at batayan o datos. Mahalaga ring ilahad ang layunin, rasyonal o
kahalagahan ng paksa at pamamaraan at datos na ginagamit bilang overview
c. Atensyon sa Simula
 Tanong
 Impormasyon, Pigura
 Depinisyon
 Sipi
Katawan
a. Sa bahaging ito pinauunlad at nagsusulat ng mga talata. Mahalaga rito ang tuloy-tuloy, organisado, maayos at makinis na daloy ng
ideya kung saan:
 Ang unang pangungusap ng talata ay kaugnay ng naunang talata
 Ang mga sumusuportang ideya ay magkakasama sa loon ng talata.
b. Malinaw at lohikal na talata upang suportahan ang tesis.
c. Kaayusan ng talata - maaaring batay ito sa kronolohikal na ayos, kahalagahan ng ideya, hakbag-hakbang, o serye.
d. Pagpapaunlad ng talata - maliban sa malakas na argumentong magpapatunay sa inisasaad ng talata ang ebidensiya batay sa
pananaliksik.
 Ebidensiya - ito'y may dalawang uri: Pangunahin at Di Pangunahin
Pangunahin - interbyu, karanasan at sarbey, anekdota, eksperimento
Di-Pangunahin - mga teksto, libro, artikulo, pahayan, website
 Argumento - ito ang magpapaliwanang kung bakit sumusuporta ang datos sa gustong patunanayan o tesis. Ito ay
mapapalawak at mapapalakas pa sa pamamagitan ng sumusunod:
Halimbawa at ilustrasyon
Datos - estadisktika, detalye or impormasyon
Testimonya - sipi at anekdota
 Pagbubuo - Ilang elemento sa pagbubuo ng talata ang dapat bigyang diin.
Pagsisimula ng bagong talata. Isinasasagawa ito:
Kapag may bagong ideya o punto.
May magkokompara ng impormasyon o ideya
Bilang pahinga para sa mambabasa kung masyadong mahaba na ang talata
Kapag tatapusin ang introduksiyon o sisimulan ng kongklusyon.
Transisyon - agsisilbing itong tulay upang maipakita ang daloy ng ideya at pagtutuloy ng ideya sa
pagitan ng mga talata at pangungusap sa loob ng talata.
Haba ng talata - karaniwang tatlo hanggang limang pangugusap ang isang talta. Binabalanse din ito upang
hindi sobrang haba ng iba at sobrang iklie naman. Inaayos din ito sa sukat ng papel.
e. Pagbuo ng pangungusap
 Iba't ibahin ang uri at anyo ng pangungusap upang bigyang tuon ang ideya at hindi kabagot-bagot.
 Paggamit ng iba't ibang uri ng pangungusap
 Pag-iwas ng marami maiikli at putol-putol na pangungusap.
 Iwasan paulit-uli ang pagtukoy sa paksa o tao.
 Iwasan ang pare-parehong pattern o ritmo ng pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng mga marker at transisyon
f. Paggamit ng angkop na salita - ang mga salitang ginagamit sa akademiko at mapanuring tekso ay sumusunod sa ilang pamantayan
at panununtunan.
 Lebel ng Pormalidad - pormal ang wikang ginagamit kaya’t iniiwasan dito ang balbal na salita o kataga.
 Pormal kaya hindi pinapaikli o dinadaglat ang salita
 Nirerespeto ang kalagayan ng kapwa.
 Gumagamit ng mga salitang maiintindihan
 Umiiwas sa yupemismo
Kongklusyon - ang huling bahagi ng teksto na isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuod, pagrebyu ng mga tinalakay, paghahawif, o
kaya'y paghamon, oagmungkahi, o resolusyon.

ETIKA AT PAGPAPAHALAGA SA AKADEMIYA


Etika - nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao bilang kaniyang obligasyon, karapatan, katuwiran, at halaga. Ilan sa mga batayang
inaasahan ng alinmang lipunan o bansa ang pagkamakatao, katapatan, at pagtitiwala.
Pagpapahalaga - istandard o batayan, mga ideyal at gawi at institusyon gaya ng simbahan, pamilya, paaralan, at negosyo—na
pinagbabatayan natin kung tama o mali ang isang desisyon. Tumutulong itong timbangin o balansehin ang ating mga desisyon.
PAGPAPAHALAGANG PILIPINO
Kultura - ang pangunahing batayan ng mga pagpapahalaga ng mga Pilipino.
 Pagmamahal at katapatan sa pamilya
 Pagpapahalaga sa edukasyon
 Hiya o kahiyaan
 Pakikipagkapuwa
 Pagiging maparaan
 Pagkamalikhain
 Sikat at tiyaga
 Utang na loob
 Oakikisama
 Bahala na
ETIKA AT PAGPAPAHALAGA SA PAGSULAT SA AKADEMIYA
Copyright - mga karapatan at obligasyon ng may-akda pati na ang paggamit sa mga ginawa niya
Plagiarism - maling paggamit at pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag ng ibang tao sa layuning angkinin
ito o magmukhang sa kanya.
Paghuhuwad ng datos - imbensiyon ng datos (malinaw na sinadyang pandaraya), sinadyang di-paglalagay ng ilang datos, pagbabago
o modipikasyon ng datos, pagbili ng mga papel o pananaliksik, pagsubscribe, pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang igawa ang
tesis.
MGA PAGPAPAHALAGANG INTELEKTUWAL AT MORAL SA AKADEMIYA
 Kababaang-loob - huwag angkinin ang hindi saiyo at aminin na hindi saiyo ang ideya o datos.
 Lakas ng loob na harapin at tanggapin ang ideyang humahamon sa sariling ideya at pangatuwiranan ito.
 Pakikiisa at pag-unawa sa karanasan at kalikasan ng iba - maisasakongkreto ito ng paggamit ng politically correct na mga
salita upang maiwasan ang insult at pananakit ng damdamin.
 Integridad - pinapahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagpapahayag ng katuwiran.
 Pagsisikhay, hindi basta sumusuko sa gitna ng mga pagsubok - gagamitin ang iba't ibang pamamaraan upang makakuha ng
mga datos sa legal at matapat na paraan.
 Paniniwala sa katuwiran - pinangangatuwiranan nang naaayon sa etika at pagpapapahalaga ng komunidad na tagabasa ang
anomang ideyang gusting patunayan.
 Pagkamakatarungan, katapatan, at pagsunod sa mga alituntunin, may matuwid at karampatang pagpapahalaga sa tao,
katuwiran, ideya at mga gawain.
 Kamalayang Mapanuri - binibigyang-halaga rito ang papel ng tao bilang tagapagpaganap. Kailangan ang kaniyang aktibong
pagdedesisyon at mapanuring kaisipan kaugnay ng kaniyang ikinikilos, ibinabahagi at isinusulat.
 Pag-aatubili - hindi kailangang madaliin kundi bigyan ng sapat na panahong manaliksik at magsiyasat.
 Hiya - ayon kay Dr. De Castro (1998), ang "hiya ang mekanismo ng indibidwal at lipunan upang mapagtugma ang kani-
kanilang mga kalooban... ang gabay ng indibidwal upang maiangkop niya nag kaniyang kaisipan sa agos ng panlipunang
kamalayan."

You might also like