You are on page 1of 5

Gentica, Varon M.

BSIT - 101
Final Project

Tallano Prince
Kung mayroon mang mga katibayan na pag mamayari ng pamilyang tallano ang buong
Pilipinas, mahirap na itong mapasakamay nila muli kung ito man ay tooto. An gmga ganitong
kwento ay napakahirap paniwalaan dahil una sa lahat hindi lang ang pamilyang Tallano ang
unang nabuhay sa isla ng Pilipinas. Napaka imposibleng paniwalaan nito dahil sa laki ng
pilipinas hindi lamang sila ang nauna sa lupain ng bansa. At kung sakali nga ay ito ay totoo,
handa ba ang mga pilipino na mapasailalim ng iisang pamilya? Kung ako ang tatanungin hindi
ako papayag. Sapagkat tayong mga Pilipino ay nabubuhay namay kalayaan at walng
sinasamba maliban sa ating pnginoon.

Ang aking mga recommendation sa isyu na ito ay: huwag tayong maniwala agad sa mga
kwento na ating naririnig bagkus tayo ay mag siyasat ng mga katotohanh at mga valid na mga
impormasyon upang hindi tayo maligaw ng isipan at matuwid ang ating mga paniniwala. Ang
bwat kwento ay may mga kasagutan kung tayo lamang may magsisiyasat ng maigi at nag
papaniwala sa mga hakahaka ng mga nakararami.

Ang Anim Na Traydor


Traydor o hudas ang ang mga salitang ayaw natin na sabihin sa atin dahil nga naman ang
kahulugan nito ay hindi maganda. Pero alam natin na may mga tao talaga na likas sa kanlang
pagkatao ang pagiging traydor. Mahirap makisa sa mga taong hindi tapat sa iyo o nag
papakitang tao lamang dahil ang mga taong ito ay nag dadala lamang ng kapahamakan sa
iyong buhay. Sila ang maaaaring maging dahilan kung papaano tayo babagsak at masisisira.

Kaya naman ang aking rekomendasyon kung tayo man ay naktutunog na ang ating taong
kaharap ay hindi tapat o nagpapakita ng tunay na pag katao, tayo na ay kabahan dahil maaari
sialng maging traydor sa pag dating ng panahon. Ang pag papakitang tao lang ay parang naring
kasinuwalingan s mga taong nasa iyong paligid. Kaya naman kung maari ay atin na ;layuan ang
mga taong ito, pero alam ko na ang tao ay nagbabago at ang tao ay nag papatawad. Kung tayo
man ay nakikita na ang isang tao ay nagbabago at pinagsisisihan na ang kaniyang mga
ginwang kasalanan sino ba tayo kung hindi tayo marunong mag patawad. Tandaan tayo ay tao
lamang na nakatapak sa lupa walng mataas walng mababa lahat ay patay pag dating ng
panaho9n tayong lahat ay pantay ang mga paa. Ating pagkakatndaaan na tayo lang ang siyang
gumagwa ng problema at tayo lang rin ang gagawa ng solusyon.
$2.3 Billion Project wasted by Corazon Aquino to Demonize Marcos.
Ang isyu na ito ay napakatagal na na panahon. Ako bilang isang mag aaral marami na akong
napag aralan tungkol sa mga power plant na maaring makatulong sa bansa na may mababang
presyo para sa ating mga mamamayan. Marming nag sasabi na malaki ang impact nito sa ating
kalikasan at malki ang maidudulot nitong pag kasira sa ating mga kapaligiran. Pero ang
katunayan ito ay ang isa sa mga safest at cheapest source of energy. Kaya ang aking
naramdaman sa desisyon ni Corazom Aquino na ang bataan Nuclear Power Plant na
kailangang ipahinto sa kaadahilanang ito ay nag papaalala kay Marcos ang aking
naramdaaman ay pag ka dismaya at galit. Kung ang kanyang kagustuhan ay ang maunlad na
bansa bakit masiyadong personal ang kanyang mga desisyon na para bang isang pag hihiganti
ang kanaynga mga ginagwa.

Ang mataas na presyo ng kuryente ay mabigat sa bulsa ng mga mamamayang pilipino. Itong
mga nagdaang taon mas tumataas ang presyo ng kuryente sa bansa.Kung tayo lamang ay may
sapat na na source ng kuryente at hindi na muli bumibili sa ibang bansa ng langis ay atin na
mararamdaman ang pagunlad ng bansa. Kung sakali man na mabuksan muli ang Bataan
Nuclear Power Plant ay maliking tulong ito para sa pagbaba ng presyo ng kuryente.

Aquino Cojuangco - Facts That they Don’t Want You To Know


Itong isyu na ito ay kontabersyal, dahil napakaraming mga magsasaka ang umaasang mag
karoon at mabigayan ng lupaing masasaka umaasa sila sa pangakong ito na ipinagkait ng mga
Cojuangco At ng mga Aquino. Ang sinasabing pag unlad pala ay pansarili lamang na interes at
sariling ambisyon. Nakakalungkot isispin na marami ang nasaktan at namatay na mga
mamayang Pilipino na magssaka dahil lamang sa pagkuha ng pangakong lupain para sa kanila
nakalipas na 10 taon.

Nakakalungkot ang mga pangyayaring iyon kaya naman ang aking rekomendasyon na sana ay
mabigay sa mga nararapat na tao ang mga lupain na dapat ay napupunta sa taong bayan at
hindi lamang sa bulsa at kamay ng iisang angkan. Ang itinagong yaman noong sa simula ay
nagamit pero hindi sa magandang paraan bagkus ginamit para matustusan ang saruling
kagustuhan. Sang ayon ako sa sinabi na hindi pagiging bayani ang kagustuhan lamang ay
makaroon ng posisyon sa gobyerno. Ang tunay na bayani ay may malasakit sa kapwa may
posisyon man o wala sa gobyerno mayaman man o mahirap mayroong salapi man o kapus
palad. Ang bayani ay inuuna ang kailngan ng nakararami at hind kasama ang personal na
interes. Ang presidente kuno na naluklok dahil raw na bayaning asawa para sa akin ay hindi
malinaw at katawatawa. At ang laban sa mag kabilang panig ay pansarili lamang na inyensyon
at binulag ang mga matang dating puti at ngayon ay dilaw.
Cory Aquino’s Legacy
Nakalulungkot isipin na ang mga ganiyong klaseng Lider ng bansa ay mas gustong manira ng
kapwa kaysa tumulong at atupagin ang kalagayan ng bansa. Ang kanyang mga inesyon ay puro
pansarili lamang at puro kasinuwalingan at walang mga batayan. Ang hirap isipin kung papaano
niya nauto ang nakararami dahil sa paninira niya sa kanyang kapwa at nag bunga pa ito ng
pagiging lider ng isang bansa.
Ang aking recommendation ay kung tayo man ay agad na maniniwala sa isang balita o
inpormasyon maaging tayo ay masiyasat, pagaralan ang bawat panig at sulok ng isang isyu
dahil minsan mayroong mga impormasyon na pilit itinago sa publiko para matakpan ang sariling
kapakinabangan.

Kalokohan ni Cory pag katapos ni Marcos.


Itong problema ay napakatagal nang isyu sa bansa simula noong nawalan na ang goyaerno ng
pakukuhanan ng pondo pantustos sa ating bansa. Nakalulungkot isipin na malaking porsiyento
ng sahod ang nababawas para lamang sa pag bayad ng EVAT at kaya naman mas nag
kukulang ang pera pang tustos ng ating mga kababayang pilipino na naghihirap para mag
trabaho.

At aking rekomendasyon sa isyu na ito sa kung may pag kakataon na mabawi ang mga pag
mamayri ng gobyerno noon ito ay may malaking tulong upang gumapang muli pataas ang ating
bansa at kung maipag papatuloy ag mga proyekto ni Marcos ay may maari rin itong mag
dagdag ng kabuhayan at mag bawas ng buwis at ng presyo ng mga bilihin sa merkad.

Lupa at Hustisya
At karagdagang mga isyu patungkol sa lupa ng hacienda Luisita ito rin ay napakalaking
problema na kailangan mabigyna ng hustisiya. Dahil sa walng habas at walng pusong pag
kuha ng mga lupa mula sa manggagawang bukid at panlalamang sa mga mamayang na
ngangailangan ng lupang sakahan. Dito naipapakita na may mga taong handang madumihan
ang kanilang mga pangalan para lamang sa iakauunlad ng pansariling interes at para mamuhay
sa katangyaan. Kahit na maraming tao ang umaasanag mabawi ang lupang pangako matagal
na panahon na ang lumipas.

Ang aking rekomensasyon patungkol sa isyung ito sana mag karoon na ng kogkretong batas na
napg papatunay na maibabahagi ang mga lupa sa mga manggagawang bukid. At hustisya
naman para sa mga taong namatay dahil lamang sa ipinaglalaban nila ang nararapat ay
nasakanila.
Mga Taong Nagsisi sa EDSA
Maraming tao ang na misinformed o nauto ng mga taong mapanlinlang ng kapwa para sa
sariling kapakinabangan. Agad na mabilis kumalat ang isang kasinuwalngan kung mas marmi
ang maloloko at mauuto. Mahirap banggain ang mga taong walang hinangad ay pag babago
ngunit hindi alam ang pinaglalaban. Para bang kung saan ang nakararami doon nlang rin ang
agos ng buhay.

Sana kung maari akin ko lang na uulitin ang aking rekomendasyon na nasa itaas sana ating
panatilihin ang pagiging bigilante o may sarili tayong opinyon at hindi nag papadala sa kung ano
lamang ang atin naririnig mula sa iba. Matuto tayo na mas siyasat ng katotohan hinggil sa
paksang tinatalakay. Matuto rin tayong hindi lamang makibagay kundi matuto rin tayong mag
isip kung ano ba talaga ang ating kailangang ipaglaban at kung ano ba dapat ang mga bagay
na kailangang isaakangalang.

Ninoy Leader of NPA


Kung ang mga NPA ay isinusulong ang pagbabago para sa bagong bayan at bansa, bakit sila
kilala parasa isang illegal na kulusan nng bansa? Kasi mali at hindi tama ang gawain o paraan
ng kanilang ginagawa. Ang kaharasan na dulot ng samahang ito ay walang katiyakan kung may
magandang dulot sa hinaharap dahil kung sa una palang ay nag dudulot nanito ng kaharasan
sa ating bansa mga walang hustisiya na pag patay sa mga taong walng namang kinalaman at
sa ating mga pwersang sandatahan.

Malinaw na ang Martial Law ay hindi ginawa at gingamit para hawakan sa leeg ang mga
mamamayang pilipino bagkus ito ay ginamit upang magkaroon ng pag babaog at muling ayusin
ang bansang minsan ay pinag samalantalahan ng mga mapang aping mga tao.

Sa Ngalan ng Tubo
Ay muli tayo nanaman ay narito sa kung saan ang isyu ng lupain ng Hacienda Luisita ay
naungkat. Maraming istorya ang naganap at naitala na sa ating kasaysayan ang mga walang
pusong pag patay sa mga mangbubukid at mga lider na patuloy na lumalaban para sa kanilang
mga kawpwa pilipino. Kung walng tao ang mapanlamang sa kapwa doo natin maitututing na
ang lahat ng tao ay pantay pantay ng estado.

Malimit man nating naririnig ang hustisiyang nabibigay para sa ating mga mangagagawa alam
natin sa isip at puso ang punot dulo ng problemang ito. Kung tayo lamang ay mag kakaroon ng
batas na kung saan ang batas ay dapat na magamit kung isang bagay o kung kailan ito
nalathala. Sa madaling salita kung sinunod lamang ng mga Cojuanco ang pinag kasundaan
matapos ang 10 taon wala sanang ganitong problema na kinakaharap ng mga manggagawang
bukid.
SpillWay Project para sa BAHA
Kung ito lamang ay napag patuloy na mabuo malaking tulong ito para sa mga mamamayang
nakatira sa mga mabababang lugar dito sa ating lugar. Dahil mababasan ang tiyansa ng
pagbaha dito sa ating bansa mahina man o malakas na bagyo. Kung ito ay naisaayos wala na
sanang mga taong mawawalan ng buhay dahil sa mataasang pag baha sa kanikanilang mga
komunidad. Hindi naman natin m imagine ang mga magiging dulot nito sa ating bansa pero
mararamdaman natin ito sa pag dating ng anumng sakuna. Ayaw ng mga taong ito na
maisaayos ang bansa, hindi nila binibigyan pansin ang anumang proyetko ng mga nag daang
lider kaya naman walng natatapos sa anumang proyekto na nasimulan.

Aking reomendasyon kung ito man ay hindi na maipag patuloy, sana mag karoon ng
kongkretong plana o idea para malunasan ang problema sa pag baha sa mga ibat-ibang parte
ng ating bansa. Dahil sa patuloy na pag laganap ng polusyionsa ating bansa hindi maliit ang
tiyansang tayo ay malubog sa baha sa pag dating ng ilan pang mga taon.

The true Story Behind EDSA


Ang isa pa sa mga nakalulugkot isipin kung papaano tatanggapin ng mga kabataan ang tunay
na nangyari noong martial law. Kung sa murang edad pala lamang ay nalason na ang isipan ng
mga kabataan paano nalang maibubuyag ang katotohanan. Kung ang mga may edad nga ay
napapaikot pa ang mga ulo pano nalang ang mga kabataan na wala pa masiyadong nalalaman
at nadadamay pa sa mga kagaguhan ng mga Lider kuno. Madaling masilaw sa pera ang taong
walang tunay na pinaglalaban. Ang taong may pinaglalaban ay minsan hindi bukas ang mga
mata. Dapat tayo ay balanse, may painaglalaban tayo para sa bansa at para sa nakararami, at
bukas ang mga mata at isipan at handang tumanggap ng katotohanan.

Ngayon ang aking mga rekomendasyon para sa aking mga kapwa kabataan, disiplina ang isa
sa pundasyon upang maging isang ganap at tunay na tao. Dahil ako ay naniniwala na ang isang
taong may kontrol sa kanyang sarili ay may lakas para sa isang pagbabago. Pagbabago hindi
lamang sa kanyang sarili kundi narin para sa kanyang mga kapaligiran. At doon papasaok ang
ating mga mga pangangatwiran ang bakit ngaba tayo ay mayroong pinaglalaban. Isipin mabuti
ang bagay at mga desisyon, huwag mag padala sa tukso ng mga nakararami dahil makikita ang
tunay na kasagutan sa ating sarili tayo ang mag pasiya.

You might also like