You are on page 1of 2

Christian Jay M. Mendinueta Prof. N.

Cabanilla

BSCS 4-2

Assessment

Instruction: Discuss the item thoroughly. Write the question before each answer. Your answer should
contain at least three (3) paragraphs of not less than four (4) sentences each. You may write your answers
in Filipino. Do not forget to write your full name in the upper left corner of the paper and your course, year,
and section below it while the name of your professors should be indicated in the upper right.

1. Do you think that the passage of the Rizal bills into law warranted the objectives that the
sponsors conceived in 1956? Explain your answer.
• Oo, dahil noong taon ng 1956 ang pilipinas ay isa sa pinaka nawasak na bansa
dahil sa ikalawang digmaang pandaigdig. Ang ating bansa ay nangangailangan ng lakas
upang bumangon muli. Kailangan ng mga Pilipino ng dahilan upang makatulong
bumangon muli, at buhayin ang damdaming makabansa. Isa na rito ang pagpapabasa ng
Noli Me Tangere at El Filibusterismo, upang malaman ng mga kabataan ang mga
pangyayaring maari rin nilang nararanasan ngayon.

Naranasan ng mga nauna sa atin ang maraming taong pananakop ng mga dayuhan,
kaya batid ko kung bakit mahalaga ang pagpapalakas ng damdaming makabansa sa atin
noong panahon na iniakda ang batas. Ang pag-rebisa ng orihinal na batas na wasto ring
alalahanin ang simbahan, ay nararapat. Upang hindi maapektuhan ang pananampalataya
ng mga Pilipino habang inaaral ang buhay at mga gawa ni Rizal. May karapatan ang isang
mag-aaral kung nais nilang basahin ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, kung ito ba
ay makakaapekto sa kanilang pananampalataya, at dahil ang Pilipinas ay isang
demokratikong bansa.

Ating mapapansin ngayon na likas na ang damdaming makabansa sa mga


kabataang Pilipino na nakapagbasa ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Makikita
natin ito sa mga elementarya at hayskul, kung saan nagkakaroon ng mga debate ang mga
magkakaibang panig, at pati narin sa mga eleksyon, lalo na kung pangbansa. Marahil ito
ang layunin ng may akda ng batas, na unang alalahanin ang bansa bago ang sarili. Kung
ito nga ang kanilang layunin, sa aking palagay ay matatag na naabot ng marami sa atin ang
kanilang layuning buhayin ang damdaming makabansa.

2. Do you think that the objectives were attained thereafter and that their attainment resonated
until the present? Expound your answer.
• Oo, Nagtagumpay and layunin ng batas rizal. Ating makikita ang ekonomiya ng
Pilipinas matapos maipasa ang batas, mapapansin na gumaganda ang pamumuhay ng ating
bansa. Maari din nating balikan ang mga pangyayari noong panahon ng rehimeng Marcos,
ilan sa mga Pilipino ay nakaisa sa isang rebolusyon. Sila ay lumaban sa nakakasakal na
pamamalakad ng rehime sa paraang walang dahas, upang palayain ang sarili, at ang bansa,
tulad sa mga nobelang ni Rizal.
Christian Jay M. Mendinueta Prof. N. Cabanilla

BSCS 4-2

Ngunit napagsasamantalahan din ang nabuhay na nasyonalismo ng mga Pilipino.


Marami sa atin ang madaling naniniwala sa mga pangako ng madalaing magandang
pamumuhay sa bansa ng mga kandidato ng eleksyon, ngunit sa oras na sila’y magwagi ay
naisasa pang walang bahala na lamang lahat ng iyon. Dahil sa ganitong pagiisip ng mga
Pilipino, lumalaki ang problema ng korapsyon sa ating bansa, mapamaliit na gobyerno
tulad ng SK hanggang sa gobyerno ng ating bansa. Atin rin itong mapapagmasdan sa social
media, kung saan ang ating mga kababayan lubos na nagagalak sa tuwing may nagbibigkas
ng kahit na anong konektado sa bansa, at ginagamit rin ito ng mga banyaga upang mas
sumikat pa sa bansa.

Kung ang lahat ng Pilipino ay hindi basta-basta mauuto ang damdaming


makabansa ay tsaka ko laman masasabi na ang layunin ng batas Rizal ay tunay na
nagtagumpay na. Kung ang layunin ang batas Rizal ay tunay na nakamit na, marami sa
mga problema ng bansa ang maari nating maayos. Maiaangat natin muli ang bansa sa
estado na kung saan ay kaya nating masabi na nasa antas na tayo ng mga kilalang bansa.
Ang makamit ito ay tila isang malabong pangyayari, ngunit ito ang nais ko, ng maraming
Pilipino, ang mga may akda ng batas, at mismong si Rizal, upang ating ito ay makamit,
kailangan ng lahat na buksan ang ang puso at isipan para sa bansa.

You might also like