PALIWANAG:Ang aking pananaliksik ay tumutuon sa patuloy na paglala ng kriminalidad sa
ating bansa. Ito ang aking napilingpaksa dahil ito ay napapanahong isyung pangnasyonal na kinasasangkutan ng lahat ng klase ng mamamayan sa bansa.Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, ay nais kong makita ang mga masamang epekto nito sa ating ekonomiya,lipunan at higit sa lahat sa ating mga mamamayang Pilipino. Ito ang paksa na aking pinili sapagkat nais kong makarating
Forum 6
Ang artikulong “Miseducation of the Filipino People” ni Renato Constantino ay naglalahad ng
isang mainam na halimbawa kung paano tayo naging mangmang sa mga naging pangyayari sa ilang bahagi ng ating kasaysayan. Ayon kay Renato, ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagpupunyaging magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampulitika at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isang gayong bansa. Dahil dito, ang ating edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan. Hindi kataka-taka na ang mga naging ideya at pagsusuri niya ukol sa naging pananakop ng mga Amerikano ay isang patunay na hindi naging malinis ang motibo ng mga mananakop na puti sa ating Inang bayan. Sa isang kritikal na perspektiba ay malinaw na malinaw ang di kaayusang iniwan nila sa sistema ng ating pangkalahatang pamumuhay