You are on page 1of 2

Oh, Janna Lie – Yu U.

Grade 11 St. Therese STEM

Imulat sa Kaliwanagan

Sa bansang Pilipinas, ang mga Pilipino ay may karapatang maglabas ng saloobin at


pananaw tungkol sa mga isyu at pangyayari sa ating lipunan. Anuman ang dahilan, maging sa
protesta at pagtitipon ay nararapat lamang ito na pakinggan ng mga kinauukulan. Hindi ito
nararapat na isantabi ang kanilang mga hinanaing sapagkat hindi ito makakatulong sa pag-
kakaisa at pag-uusad ng ating bayang sinilangan. Kung ako ang tatanongin, bilang isang
kabataan, ang mabuting pamamahala na aking minimithi ay walang iba kungdi marinig ang
hinanaing at boses ng mga kabataan upang maipabatid ang aming mga pananaw mula sa mga
isyu at mga pangyayari na nangyayari sa ating bansang Pilipinas. Sa panahong ito, ang
pamamahala aking minimithi ay marinig at ma-ipabatid ang nararamdam ng mga kabataan at
sila'y ay pakinggan. Hindi natin makakaila kung bakit ang mga ibang kabataan ay gumagawa ng
protesta, sapagkat ang tanging ninanais ng mga kabataan ay mapakinggan ang kanilang mga
hinanaing ukol sa mga napapanahong isyu na nangyayari sa ating bansang Pilipinas.

Sa kabilang banda, ang makabagong henerasyon na kung saan ang teknolohiya ang
nangunguna, nagi itong isang paraan upang maipahayag ng mga kabataan ang kanilang mga
hinanaing ukol sa mga isyu o pangyayari sa ating bansa. Nagiging instrumento ng mga kabataan
ang social media upang ma-ipabatid nila ang kanilang mga opinyon o pananaw ukol sa mga
nangyayaring isyu sa bansa. Batay sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, naging matunog
ang pangalan ng isang batang mayor mula sa lungsod ng Pasig na si Mayor Vico Sotto. Bago pa
nagsimula ang pandemya, malinaw na iba ang diskarteng ipinakita ni Sotto sa kanyang
pamumuno sa larangan ng politika. Kung ating pagmamasdan, si mayor Vico Sotto ay naging
matunog sa social media dahil sa mga proyektong kaniyang nagawa sa kanilang lungsod ng
Pasig. Ang pamamhalang kaniyang isinagawa ay nakabubuti ito sa pamayanan at halimbawa nito
ay ang Program to Professionalize Pasig Traffic Enforcers na layuning i-professionalize ang
Traffic at Parking Management Office na kung saan tuturuan sila ng batas trapiko at kung paano
makipag-ugnayan nang mabuti sa mga motorista. Isa din ang Training of Doctors na tanging
layunin ng programang ito na turuan ang medical staff ng mga barangay health center na
gamutin ang mga pangkaraniwang sakit. Isinagawa rin ni mayor Sotto ang Relocation of families
near canal project na siya ay nangako na ire-relocate ang mga informal settler na nakatira malapit
sa isang kanal na iniutos na ito ay linisin. Si Sotto ay hindi basta-basta pasiklab o papogi lamang,
sapagkat isa siyang pinuno na may dangal at binibigyang halaga ang kaniyang mga nasasakupan.
Marami siyang naitulong sa bansa lalo na sa gitna ng COVID-19 pandemic, gaya na lamang ay
bago mag-lockdown, mahigit na 45 na pampublikong eskwela ay nagkaroon ng regular na
disinfection. Namigay din si Sotto ng mahigit na 500 disinfecting kits sa 30 na mga lungsod at
mga barangay. Isa rin ang pagbili nya ng mga disinfection drones na makakatulong upang
bawasan ang paglawak ng COVID-19. Siya rin ay namahagi ng mahigit 400,00 na relief goods
na naglalaman ng mga delatang pagkain at bigas sa mga poverty-stricken na mga pamayanan.
Naging isang magandang halimbawa si Mayor Vico Sotto dahil sa mga programa at mga batas
na kaniyang isinasagawa para sa bayan, siya nagsilbing inspirasyon sa mga kabataan dahil sa
kaniyang mga proyektong na kaniyang ipinatutupad para makatulong at para sa ika-uunlad ng
kaniyang bayan.

Kung magkakaroon man ako ng pagkakataon na mamahala sa bayan, magsasagawa ako


ng mga proyekto na kung saan makikinabang ang lahat ng sandatahang Pilipino. Magpapatupad
ako ng isang programa na kung saan maari nilang ipahayag ang kanilang mga ninanais na kung
saan ang kanilang opinyon o pananaw ay mahalaga at nagbibigyan ng pansin. “Kabataan ang
pag-asa ng bayan” isang katagang binanggit ng ating pambansang bayan na si Dr. Rizal, wag
naman sana nating hayaan maisantabi o balewalain ang kaniyang sinabi. Bigyan natin ito ng
pansin at pagkakataon upang marinig ang opinyon ng mga Kabataan upang makatulong ito sa
ikakaunlad ng ating bansa. Magsasagawa ako ng isang programa na kung saan ang mga kabataan
ang magbibigay ng mga pananaw para sa ikakaunlad o ikagaganda ng bansa, sa gantong paraan,
maririnig ang kanilang mga boses na kung saan magbigay ito ng pansin sa mga tao at
manghikayat pa ng iba pang mga kabataan. Wag nating hayaan na balewalain ang sinabi ng ating
pambansang bayani at maniwala sa iniwang kataga nito sa mga Pilipino.

You might also like