You are on page 1of 4

A.

TASAHIN: Basahing may pang-unawa ang pahayag sa bawat aytem:


Isulat ang S kung sumasang-ayon at DS kung hindi sumasang-ayon.
Ipaliwanag sa inilaang patlang kung bakit S at DS ang iyong sagot.

1. Mahalaga ang pakikilahok ng mga kabataan sa mga isyung panlipunan lalo na sa


mga usaping pangkapayapaan.

. S – Ako ay sumasang-ayon na mahalaga ang pakikilahok ng mga kabataan sa


mga isyung panlipunan lalo na sa usaping kapayapaan dahil ang mga kabataan ay
maaaring maging susi para sa kapayapaan ng bayan dahil kung makaka-iwas ang
bawat isa sa gulo at magkakaroon ng respeto sa bawat isa ay magreresulta ito sa
mapayapang bansa. Ang lahat ng kabataan ay parte ng lipunan kaya dapat na lamang
maki-isa ang kabataan sa pagtugon sa kapayapaan. Kung ang kabataan ay
makikilahok sa usaping kapayaan dahil dito mabubuksan ang kanilang isip at mas
maintindihan kung paano magkaroon ng kapayapaan sa bansa.

2. Hindi kailangang isangkot ng pamahalaan ang mga kabataan sa mga nangyayari


sa lipunan lalo na kung politika ang pinag-uusapan.

. DS – naniniwala ako na bawat kabataan o mamamayan ay kailangang maisangkot


ng pamahalaan sa mga nangyayari sa lipunan lalo na kung politika ang pinag-
uusapan dahil ang tayo ay may karapatan lalo na sa pagboto kung sino ang nararapat
na umupo sa pwesto bilang lider at magtataguyod sa bawat mamamayang Pilipino.
Ang kabataan ay parte pa din ng lipunan kaya na lamang may karapatan ang bawat
isa na makialam kahit na ano pang isyu na meron sa ating lipunan basata ito
ay nasa tamang pamamaraan. Karapatan ng bawat kabataan ang magparehistro
at bumoto upang mailuklok ang tamang tao sa posisyon.

3. Bawat kabataan ay may papel na ginagampanan para sa kagalingan ng bayan lalo


na sa isyu sa droga, korapsyon atkahirapan.

. S – Sumasang-ayon ako na ang bawatkabataan ay may papel na ginagampanan para


sa kagalingan ng bayan lalo sa isyu sa droga, korapsyon atkahirapan. Ang mga
kabataan ay may kakayahan na magbigay ng ideya upang makatulong sa pagpuksa ng
mga isyu sa ating bansa. Ang kabataan din ang magiging susi upang magkaroon ng
kaayusan ang ating bansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga programa at
proyekto ng gobyerno sa pagpuksa ng mga katiwalian ng bayan.

4. Ang hindi pakikialam sa nangyayari sa lipunan ay may malaking epekto sa buhay


ng mga kabataan lalo na kung ang tumatakbo sa kanilang isipan ay wala
silang pananagutan dahil sa pamahalaan dapat ang nagbibigay ng solusyon dito.

. S – Naniniwala ako na may malaking epekto sa buhay ng mga kabataan lalo na


kung ang tumatakbo sa kanilang isipan ay wala silang pananagutan dahil sa
pamahalaan dapat ang nagbibigay ng solusyon dito dahil kung ang mga kabataan
ay nagbubulag -bulagan ay walang mararating at mawawalan ng saysay ang
paninirahan dito sa
mundo. Hindi dapat magpa-uto ang mga kabataan sa katiwalian na ginagawa
ng pamahalaan dahil ang mga kabataan din ang kawawa sa kanilang kinabukasan.

5. Hindi kailangang sumali ng mga kabataan sa mga rally sapagkat lalo


lamang magdudulot ito ng kaguluhan at wala silang maitutulong sa mga isyung
panlipunan.

. DS – Hindi ako sumasang-ayon na walang karapatan o bawal sumali ang mga


kabataan sa mga rally. Ang bawat isa ay pinagkalooban ng boses upang isuwalat
ang mga saloobin nito, kung hindi napapansin ng mga gobyerno ang pagtugis ng
bawat kabataan sa maling pamamalakad ng pamahalaan ay paano pa nila
malalaman na dapat itama ang kanilang mga pagkakamali. Huwag tayong matakot na
isigaw ang mga hinaing sa bawat rally dahilisa ito sa pamamaraan upang marinig at
makita ng pamahalaan na may ganitong pagbabatiko sa kanilang pamamalakad sa
pamahalaan.

You might also like