You are on page 1of 10

Ang mga sumusunod ay transcript ng panayam ni Mr.Wilmart Peralta Tarin kay Ms.

Aguilar,
isang lisensyadong Psychometrician at Guidance Counselor ng Philippine Christian University.

Mr. Tarin: Magandang hapon po sa inyo, salamat sa pagbigay sa akin ng opportunidad na


makapanayam kayo para sa hapon na ito. Ang buong interview po na ito ay umiikot sa paksa ng
ebolusyon ng kalagayang mental ng mga kabataan sa Pilipinas, gusto po naming malaman
kung nakakaapekto ba ang pag unlad ng siyensa at lipunan sa kalagayanng mental ng mga
kabataan since sila yung madalas involve sa paggamit nito.

Ms. Aguilar : Magandang hapon din , Actually magandang gawing paksa yung ganitong klase
ng usapin para maging aware yung mga kabataang kagaya ninyo since di na natin napapansin
yung mga pagbabago sa pag ugali at pag iisip simula noong mas napaunlad yung mga
teknolohiya.

Mr Tarin : So dumako na po tayo sa mga katanungan na aking inihanda na sasagutin ninyo


lamang naman po ng malaya at nasa sa inyo ang daloy ng ideya ng inyong kasagutan.

Ms. Aguilar: Makakaasa ka na susubukan kong sagutin ng buong husay ang bawat
katanungan ng makatulong sa iyong pag aaral.

Mr. Tarin: Ito po yung unang tanong, ano po ba ang epekto ng social media sa pag iisip ng
isang bata?

Ms. Aguilar: May maganda at pangit na epekto ang social media sa mga kabatan, sa tingin ko
nakakatulong ang social media sa pagbilis ng access ng mga kabataan sa impormasyon at
kaalaman na nangyayari sa kapaligiran, ngunit naaapektuhan din nito ang socialization skills ng
mga bata, humihina ang kakayanan nila na makipag kapawa tao sa mga tao sa paligid nila.
Nahihirapan silang mag reach out at iparamdam sa mga taong malapit sa kanila ang mga
nararamdaman nila. Bukod dito nakakaapekto din ito sa labis na paggamit ng social media ay
nagiging negatibo ang perspektibo ng mga bata dahil sa mga nababaa nila at nakikita sa social
media platforms at wala silang nakukuhang emotional support sa mga taong nakikilala nila dito.

Mr. Tarin: Anong partikular na aksyon ang ginagawa ng pamahalaan para malabanan o
mapunlad ang epekto nito?

Ms. Aguiar: May ginagawa ba sila? Siguro yung mga batas na rin at mga conference at
awareness na nangangalaga sa mga pasyente, syempre responsable sila dapat sa mga
impormasyon kasi alam naman natin na sa PIlipinas ngayon kapag kumonsulta ka sa isang
espesyalista sa pag iisip ang tingin nila agad sa iyo ay may karamdaman ka na agad, which is
ayun yung gusto nating baguhin, gusto natin ipaalam sa lahat na normal ang makaramdam ng
confusion at pagod sa isip.

Mr. Tarin: sunod na tanong po sa tingin niyo po ba bakit kailangan pagtuuunan ng pansin ang
mental na kalagayan ng isang tao ?

Ms. Aguilar: Mahalaga na bigyang pansin din ang mental na kondisyon ng isang tao, kasi ito
yung bagay na kailangan natin para sa pang araw- araw na gawain. Kung matutuhan natin
mahalin at alalahanin ang kalagayan ng mental mas makakakilos tayo ng maayos, mas
makakagawa tayo ng mga desisyon na makakatulong imbes na makagulo

Mr. Tarin: Kung nakakaranas ba ang isang bata ng depresyon, takot o pangamba possible ba
na malunasan ito sa loob lang ng bahay?

Ms. Aguilar: Posible, kung ito ay hindi pa natin naiikonsidera na malala na. May mga kaso na
hindi na sapat ang mga alternatibong gamutan sa loob ng ating bahay sa pamamagitan ng
sapat na pahinga lang , mga motivational words o panandaliang pag iisip. Dapat natin
alalahanin na may mga sakit na tanging medikasyon at rehabilitasyon lamang ang tanging
makakatulong at option upang mapabilis ang pagrecover ng isang pasyente. Subalit
napakalaking parte ng ginagampanan ng pamilya sa pagbibigay suporta at pag intindi sa
kalagayan ng isang tao

Mr. Tarin Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na gumawa ng isang adbokasiya patungkol sa
kalusugang mental anong partikular na aspeto ang gusto ninyong pagtuunan?

Ms. Aguilar: Sa obserbasyon ko sa lipunan natin ngayon ang depresyon talaga ang
pinakalaganap na mental na kondisyon dahil kung ito ay hahayaan lamang nag uugnay na ito
sa suicide na syang iniiwasan ng mga propesyunal, kung gayon ayun ang nais kong pagtuunan
kahit napakarami na ng organisasyon at samahan na tumutulong sa mga tao na nakararanas
nito na malampasan at mabalik yung liwanag na tingin nila sa buhay. Nais kong maging mulat
at well educated ang mga tao na ang depresyon ay hindi arte lamang, kundi ito ay isang sakit
na kailangan ng lunas.

Mr. Tarin: Likas ba sa pag iisip ang magbago o madevelop kahit walang panlabas na factor?

Ms. Aguilar: Oo, ang pagbabago ng isip ng tao ay isang parte ng development, magbabago
ang isip ng tao sa normal na proseso kahit walang mga panlabas na factor. Maaring ang
pagbabago ay napabuti o napasama , napabuti In the sense na naisip ng isang indibidwal ang
mga paraan sa pagdevelop ng kanyang pagkatao sa kabilag banda napapasama ang
pagdevelop ng isang tao kapag nagkakaroon ng maling perspektibo ang isang bata sa buhay
na nagdudulot ng mga negative thoughts at mababang socialization skills.

Mr. Tarin: Sa tingin ninyo ba ang paglaganap ng Social Media ang malaking factor sa pagbago
ng pag iisip at pag uugali ng mga kabataan o may iba pa?

Ms. Aguilar: Naniniwala ako na oo, kasi kung ikukumpara ang pag uugali at lifestyle ninyong
mga Generation Z at millennials kung paano nakikita ang buhay ay naiiba sa mga nakalipas na
panahon. Nag-iba din ang ibat ibang aspeto sa pang araw araw na buhay tulad ng
pakikipagsalamuha, emotional capacity at sa paglabas ng kanilang saloobin. Naging malaking
parte din ang social media dahil nagiging standards at basehan ng mga kabataan kung paano
manamit, kung paano magsalita, kung ano yung uso at kung ano yung dapat kainin, parang sa
ibang paraan nauutusan at namamanipula ng social media ang pagkilos ng tao

Mr. Tarin: Dapat bang pag tuunan ang mental health tulad ng pag aalaga natin sa pisikal nating
kalusugan?
Ms. Aguilar: Oo naman tandaan natin na ang pag iisip ay kapangyarihan at kasangkapan na
dapat ding inaalagaan tulad ng pag aalaga natin sa ating pisikal na pangangatawan. Tulad ng
mga muscle natin sa katawan kung `ito ay ating sasanayin at hahasain mapapanatili nitong
maging malakas lalo na mga sitwasyon na kailangan natin ng suporta mula sa isip . Ang hindi
pag aalaga sa menta na aspeto ng tao ang syang nagreresulta sa mga ibat ibang kumplikasyon
andyan yung depresyon at yung tinatawag na anxiety. Ang pag aalaga sa mental ay dumadaan
sa ibat ibang proseso nandyan yung pagsigurado sa maayos at kumpletong tulog , Yung mga
kinakain syempre napakalaking factor nun at syempre yung paligid mismo kasi yun yung
humuhulma sa atin bilang tao.

Mr. Tarin: Paano nakakaapekto ang mental na kondisyon ng isang bata sa kilos at performance
nya sa pakikipagsalamuha at sa mga araw – araw niyang gawain?

Ms. Aguilar: Syempre malaki ang epekto ng pagkakaroon ng magulo at may problemang pag
iisip . Mapapansin mo talaga yun halimbawa na lang sa atin diba kapag wala tayong maayos na
tulog o stress tayo hindi ba, may mga bagay tayong hirap intindihin o minsanmas mabilis tayong
mgalit? Ganun lang din yun kapag hindi nasa magandang kondisyon yung pag iisip ng idibidwal
apektado ang pakikipagsalamuha niya kasama na doon ang paggawa ng desisyon sa mga
bagay- bagay.

Mr. Tarin: Mahirap o mayaman ba, lalaki o babae ay parehas lamang ba ng bigat ng
pinagdadaanan na problema?

Ms. Aguilar: Lahat ng tao basta humihinga at may buhay lahat yan may dinadalang problema,
ngayon yung bigat nasa tao na yun. Iba iba kasi yung coping strategies ng mga tao, may mga
tao na ang pag iyak ang paraan para mabawasan yung nararamdaman which is okay lang
naman basta pagkatapos balik na sa normal ulit. Lahat ay may problema depende lang sa tao
yung magiging perspektibo kung paano nya titingnan yung problema. Parang halimbawa
blackout as in puro dilim lahat at tanging kandila lang ang meron ka, nasa sa iyo kung saang
side ka titingin, titingin ka ba doon sa gild na punong puno ng dilim o yung liwanag ng kandila
yung pagmamasdan mo. Lahat ng problema ay binigay dahil may rason , Lesson ayun yung
iiwan nun sa atin.

Mr. Tarin: Totoo bang mas nakikihalubilo at bukas ang mga kabataan ngayon sa ibang tao
kumpara noon na wala pang text, chat at e- mail?
Ms. Aguilar: Masasabi ko na oo pero in different way, noon kasi wala naman mga gadgets na
magagamit para makapag usap kahit malayo pero siguradong andun yung pisikal na
presensya, yung aktong socialization at bonding unlike ngayon na oo mas involve yung mga
tao ngayon sa pag express ng nararamdaman nila pero through social medias at mas
nakapubliko yung buhay ng isang tao na minsan parang ito pa yung naglalayo sa mga tao sa
mga pisikal na komunikasyon lalo na sa pag uusap kasangkot ang pamilya kasi hindi naman
lahat ng nararamdaman at nababasa natin sa social media ay totoo kasi yung iba tinatago nila
yung totoong feelings nila para makasabay sa needs ng Society.

Mr. Tarin: Sa panahon noon hindi naman masyadong laganap ang mga problema sa mental na
sapeto ng tao, ano kaya yung nagging dahilan kung bakit nagkaroon tayo ng mas kumplikado at
ibat ibang uri ng sakit sa pag iisip tulad ng double personality, schizophrenia at depression sa
panahon ngayon?

Ms. Aguilar: Sa totoo lang yung mga sakit tulad ng double personality, schizophrenia at
depression nageexist na ito noon pa man, sadyang nagkataon lamang na mas dumami yung
mga ganitong kaso ng mga sakit dahil na rin sa paligid ng isang tao. Ang mga tao ang nag
aadjust sa pagbabago ng kalikasan na nagresulta ng pagbabagao sa pamumuhay , nag- iba din
yung lifestyle in terms of pagkain at daily routine syempre ito yung nagdidikta ng kalusugan at
kalagayan ng isang tao tandaan natin yun.

Mr. Tarin: Mas tumaas ba ang potensyal ng mga kabataan ngayon sa larangan ng talento ,
talino at pag iisip kumpara sa mga nakalipas na panahon, masasabi mo bang ito ay likas o dahil
na din sa pag unlad ng teknolohiya.

Ms. Aguilar: Ang kaalaman ang sumusukat ng potensyal ng isang bata , ang batang maraming
alam mas maraming potensyal at oppurtunidad na makatulong at magpakitang gilas. Kung
iisipin lahat ng pwedeng malaman pwede mo ng maaccess sa ilang pindot lamang di tulad noon
na kailangan talaga ng masusing pag aaral para sa mga kasagutan ng mga katanungan. Kaya
mas may potensyal talaga ang kabataan ngayon nasa sa kanila lang talaga kung paano nila
gagamitin yung kapangyarihan ng teknolohiya para mapaunlad yung sari sarili nilang mga
kakayahan.

Mr. Tarin :Ayun tapos na po yung interview natin , mayroon po ba kayong gusting sabihin bago
tayo magpaalam sa isat isa , payo na rin po sa lahat ng tao partikular na sa mga kabataan
ngayon na dumadanas ng ibat ibang uri ng problema.
Ms. Aguilar : Okay so gusto ko lang iwan itong mensahe na ito para sa lahat naman na, normal
ang mapagod at normal din na magkaroon ng problema, pero tandaan natin na di tayo nag iisa
palaging may tao na handang makinig sa iyo dapat mo lang gawin eh lumapit at humingi ng
tulong, subukan mo rin na magtiwala sa mga propesyunal kasi andyan sila para tulungan ka sa
mga oras na naguguluhan ka .

Ms. LYKA AGUILAR, RPM

Interviewee
Ms. LYKA AGUILAR, RPM

Interviewee
Ang kuhang mga larawan sa naganap na panayam kay Ms. Den nice Aguilar noong October 26
2019 sa Aklatang Emilio Aguinaldo sa De La Salle University – Dasmarinas Campus

You might also like