You are on page 1of 2

Ekspositori o Paglalahad

Mental Health
Paano masasabing nasa maayos na kalagayan ang emosyonan at pag-iisip ng isang
tao? Sumasalamin ba ang nararamdaman sa ating kilos at gawi? Maaring oo at
maaring hindi. At bilang isang mag-aaral na kasalukuyang nasa pahina ng paglinang ng
kaalaman, tiyak kong bukas ang aking persepsyon at pag-unawa sa paksang ito.
Inilabas ng isang prestihiyosong sangay ng batas na nangangasiwa sa kalusugan ang
bilang ng mga indibidwal na may depressive disorder na nasa 1,145,871 na tao
ngayong 2022.Tunay na nakakabahala ang bilang at lalo ngayong pandemya na ang
problema ang syang tumutuligsa sa loob at damdamin ng bawat indibidwal. Ang mental
health ang syang itunuturing na pundasyon ng isang malusog na indibidwal sapagkat
kung may malusog at positibong isipan garantisadong magkakaroon ng malusog at
malakas na pangangatawan. Ako, bilang mag-aaral na isunusulong ang kahalagahan
ng mental health para sa magandang buhay at sa ating pamayanan.

Ekonomiya ng Pilipinas
Ang bansang Pilipinas ay kasalukuyang nasa ika-32 pwesto sa buong mundo sa
pagkakaroon ng malaking nominal GDP at nasa ika-12 na pwesto naman sa buong
asya. Maiituring ng karamihan na nasa magandang kalagayan ang ekonomiya ng ating
bansa ngunit sa kabilang banda ang mga nawalan ng kita at malilit na Negosyo ay abot
ang daing sa pamahalaan. Dahil sa mga ilang programang inaalok ng gobyerno upang
makabangon muli ang mga Pilipino lalo na sa panahong ito na kinakaharap natin ang
pandemya. Kung saan nabawasan ang pinsala na magkakaroon ang bansa sa
aspektong pang-ekonomiya. At bilang isang Pilipino na nalaytay ang likas na kasipagan
at pag-titiyaga mayroon tayo ang mag-aangat saatin hanggang sa matapos ang
pandemyang ito.

Karanasan mo sa pag-aaral sa ilalim ng online class


Tunay na hindi mo masusukat ang mangyayari sa kinabukasan. At nakakapangimbal
ang pandemyang dahilan kung bakit nasa ilalim na ng distance learning ang Sistema ng
edukasyon ngayon. Ang mga maka-bagong pamamaraan ng pagtuturo ang syang
nagpabago sa pananaw ko sa paraan ng aking paglinang sa bawat aralin. Para saakin,
mas nakilala ko ang mga abilidad at kaya kong gawin sa iba’t-ibang aspeto at
panuntunin. Bilang isang mag-aaral rin ay natutunan kong dumipende sa aking sarili at
mag-aral mag-isa. Totoong nag-iba at nakakapanibago ang bagong Sistema ngunit
naisip ko na para ito sa ikabubuti ng lahat. Ang mga karanasan kong ito ay unang
hakbang ko patungo sa pagiging independent na tao at mag-kokontribusyon ito sa
aking sarili bilang tao. Ang layo man ay kilometro ngunit ang pakiramdam ko ay naroon
parin tayo sa silid aralan at ito ang karanasan ko sa makabagong Sistema ng
edukasyon ngayong pandemya.

You might also like