You are on page 1of 2

SPEECH

Sa tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas at lahat ng


myembro ng Kongreso. Magandang umaga po sa inyong lahat.
Bilang kinatawan ng mga kabataan sa aming nasasakupan. Ako po’y buong
pusong humaharap dito sa kagalang-galang na kapulungan upang magpahiwatig
ng opinion naming mga kabataan ukol sa iminungkahing pagbuwag sa
Sangguniang Kabataan sa buong bansa. Akin pong ipapahayag ang kahalagahan
ng Sangguniang Kabataan at ng Katipunan ng Kabataan bilang isang kapulungan
ng mga kabataan sa bawat barangay, na ang pangunahing layunin ay pahusayin
ang panlipunan, pulitikal, ekonomiya, kultura, intelektwal, moral, espirituwal at
pisikal na pag-unlad ng mga kabataan sa bansa.
Ang panukalang pagbasura sa Sangguniang Kabataan dahil sa pangkalahatang
obserbasyon na nawalan na ito ng silbi bilang mekanismo para makibahagi ang
kabataan sa pagpapaunlad ng komunidad ay isang masalimuot at maling pag-
unawa sa tungkulin ng SK sa komunidad.
Ang kasabihang “ang mga kabataan ay ang pag-asa ng Bayan” na nagmula kay Gat
Jose rizal ay nananatiling makatotohanan hanggang ngayon. Ang kabataan ang
bumubuo sa malaking porsyento ng populasyon ng bansa at ang mga ito ang
pinakamasigla at pinakaproduktibong sektor ng lipunan, masasabing ang
kabataan ay isa sa mga susi na bahagi sa pag-unlad ng lipunan.
Patuloy ang mga miyembrong naihalal sa SK bilang opisyal ng gobyerno sa
kanilang mandato na maglunsad ng mga konsultasyon sa mga kabataan ng
barangay na kanilang nasasakupan. Patuloy din ang pagbuo ng Comprehensive
Barangay Youth Plan upang maging basehan ng taunang Barangay Youth
Investment Program kung saan nagiging batayan ng mga paglulunsad ng mga
proyekto at programa patungo sa pagpapaunlad ng mga kakayanan ng mga
kabataan.
Mula’t sapul, nakikita natin ang importanteng gampanin ng SK sa pagrepresenta
sa hanay ng kabataan at pangunguna sa mga programa at kampanyang para sa
komunidad at pati na rin sa pakiki-isa sa ibang sektor ng lipunan. Kaya naman
nasa estriktong posisyon ang SK at ang kabataan upang isulong ang adyenda para
sa mga kabataan. Patuloy ang hamon sa SK upang maging kasangkapan sa
pagbibigay katuparan sa pangangailangan ng sektor ng kabataan pati na rin ng
mas malawak na hanay ng masang Pilipino.
Bilang Institusyon Ng Mga Kabataan, ang SK ay isa sa mga nangunguna sa
pagsulong ng mga programang sasagot sa mga pangunahing problemang
kinakaharap ng sektor ng kabataan. Natugunan din ng karamihan sa amin ang
hamon na magbigay serbisyo sa pamamagitan ng pagtugon sa mga programang
pangkalusugan at iba pang serbisyong panlipunan pati na rin ang paglalapit sa
mga kapwa kabataan sa pag-ahon ng sariling komunidad at ng bayan sa
pamamagitan ng mga makabuluhan, aktibo, produktibo at makabayang
pakikilahok sa mga panlipunang mga mobilisasyon at boluntirismo na paunlarin
ang estado ng mga kabataan. Kasabay din na nagpapataas ng partisipasyon ng
mga kabataan sa pagpreserba, pagprotekta at pagpapaunlad at pagsusulong ng
makabayan, makamasa at siyentipikong kulturang Pinoy, at nagpapalakas ng
pagtutulungan ng mga migranteng kabataang Pilipinong at mga Pilipino sa loob ng
bansa.
Inyo pong narinig ang pahayag ukol sa tunay na kahalagahan ng Sangguniang
Kabataan hindi lamang sa mga kabataan kundi sa buong bansang Pilipinas kaya’t
ako po’y nagsusumamo sa lahat ng myembro ng kagalang-galang na kapulungan
na ito na isadili-dilihing mabuti ang inyong kapasyahan ukol sa pagbuwag ng
Sangguniang Kabataan. Maraming Salamat po.

You might also like