You are on page 1of 7

MAIN EDITORYAL- ERICA NECOLE O.

YANONG
21st Century Campus Journalism: Susi sa Matatag na Bayan

Lumikha ang bayan ng mga mabubuting kabataan. At aasahang ang kabataan naman ang
lilikha ng matatag na bayan.
Nagsisimula sa paaralan ang pagdiskubre at pagpapalawak ng mga talento at kakayahang
taglay ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang Campus Journalism na siyang nagbibigay
oportunidad sa mga kabataan upang maipakita ang buong husay sa pagsulat sa ibat ibang
bahagi sa pahayagan, kartoning, photojournalism, brodkasting at iba pa. At bilang bahagi ng 21st
Century, kaakibat nito ang paggamit ng makabagong teknolohiya na makatutulong sa
pagpapalawak sa kaalaman ng bawat mag-aaral. Sa tulong ng mga oportunidad sa Campus
Journalism, makakapaglikha tayo ng mga kabataang matapang sa pagpapahayag ng opinyon at
may pakialam sa mga suliraning kinakaharap ng bayan.
Maayos na pamamahala. Ito ang pinaka inaasam ng bawat mamamayang Pilipino. Ang
pamumuno ng isang tapat na lider ay siyang nagbubunga ng maayos na pamamahala. Nararapat
lang na bilang isang campus journalist ay makikibahagi tayo sa pagkamit nito. Gawan ng balita
ang bawat progresong nakakamit ng ating bansa. Kunan ng litrato ang ibat ibang suliranin at
sitwasyon na iniinda ng ating mamamayan. At maaaring lumikha ng storya na halaw mula sa
tunay na buhay ng mga taong naghahangad ng pagbabago sa pamahalaan. Tandaan na di lang
mga sikat na personalidad ang maaaring mamuno. Lahat tayoy pwedeng maging daan tungo sa
kaayusan, maging sa paaralan man, komunidad at bansa.
Transparency o ang pagiging bukas. Lilikha ito ng katapatan at may bukas na isipan sa
bawat indibidwal. Maging sa paaralan ay mahalaga ito upang makabuo ng matatag na pagsasama
sa kapwa mag-aaral at sa mga guro. Bilang campus journalist, responsibilidad nating sumulat at
maging boses ng paaralan. Ang pagbibgay impormasyon tungkol sa mga pulisiya o patakaran ng
paaralan at programang magbibgay oportunidad sa iba ay isang daan tungo sa pagkakaroon ng
bukas na kalooban na tanggapin ang bawat isa.
Maayos na pamamahala at transparency, kung itoy ipagsanib pwersa ay magkakaroon ng
apoy sa bawat puso na isulong ang pagbabago. At malaki ang ating tiwala sa mga kabataang may
pusong tumulong at kayang tumayo sa sariling desisyon. Sa tulong ng Campus Journalism ay
babalik pa rin tayo sa simula, aasahang ang kabataan naman ang lilikha ng matatag na bayan.
Sa simulat sapul pa lang ay naging tama na si Dr. Jose Rizal, Ang kabataan ang pag-asa
ng bayan. At ang linyang itoy tatatak sa ating isipan magpakailanman.

EDITORYAL COLUMN- ERICA NECOLE O. YANONG


May K sa K to 12
(Bagong edukasyon para sa bagong henerasyon)
K to 12. Makabagong sistema ng edukasyon na nag-uudyok sa atin ng daan upang matuldukan
ang kahirapan. Ang programang makakapagpabago sa buhay ng kabataang Pilipino.
Mayo 15, 2013 noong nilagdaan ni PNoy ang batas na nag-aatas na ang mga Pilipinong magaaral ay nararapat dumaan sa kindergarten, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high
school at dalawang taon sa senior high. Dagdag taon na nga sa pag-aaral, dagdag butas pa sa bulsa ng
ating mga magulang. Pero ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, ang K to 12 ay magdudulot nang
magandang bunga sa mga kabataan.
Una, mas mahahasa ang kasanayan ng mga estudyante. Dahil sa dagdag na dalawang taon sa
senior high, paniguradong siksik sa mga ideya at kaalaman ang bawat mag-aaral.
Pangalawa, makakapili sila ng kursong kanilang nais na ibinibigay sa bawat tracks ng K to 12.
Kayat mas makakapaghanda ang mga estudyante sa kanilang tatahaking career.
Ngunit di pa rin maipapagkakaila ang mga problemang patuloy na nagiging balakid. Halimbawa
na rito ang kakulangan ng mga silid-aralan, mga gurong magtuturo at retrenchment ng mahigit walong
libong propesor sa kolehiyo.
Humaba man ang taon sa pag-aaral ay di ito nangangahulugan ng mas magandang grado. Ang
mahalaga ay kung paano natin magagamit ang ating natutuhan.
Ang edukasyon ay parang maihahalintulad natin sa dati at kasalukuyang pamahalaan.
Sinusubukan nating palitan ng makabagong sistema gaya ng K to 12 upang minsan man lang ay
matikman ang tunay na pagbabago. Dahil kung ipagpapatuloy pa natin ang lumang paraan ng edukasyon
ay hind tayo mamumulat sa makabago at tunay na kulay ng buhay. Mapang-iiwanan tayo.
Ngunit sa huli, tayo pa rin ang maghuhusga kung may K nga bang maibubunga ang K to 12 o
wala. K para sa KAUNLARAN.

EDITORYAL- Mary Rose L. Balili


Hinaing ng Bawat Damdamin
(Lahat tayo ay may kalayaang magpahayag ng opinyon ngunit dapat alam din natin ang kaakibat nitong
limitasyon.)
Ilang araw na rin ang nakalipas ngunit usap-usapan pa rin ng mga Cityhighians ang mga
naglalagablab na mga isyu sa DCNHS Confessions. Dito kasi nila naipapahayag lahat ng kanilang mga
hinaing at saloobin na sakop ng paaralang Davao City National High School.
Ito ay maaaring tungkol man sa paghanga sa kapwa estudyante, pagkainis sa ilang pamamalakad
ng ilang guro o ng institusyon hanggang sa simpleng karanasan ng iba na gusto lamang magbigay
inspirasyon sa kapwa kabataan. Sari-sari ang mga opinyong nakalatag sa pahinang ito. Ibat iba ang
kanilang mga punto ngunit iisa ang sigurado, itoy may kalayaan ang bawat isa na magpahayag ng
sariling damdamin.
Marami ang bumibisita sa pahinang ito. May ibang nakikibalita sa mga bagong isyu, may iba
namang hanggang like at comment lang ngunit may iba talagang may lakas ng loob na magpahayag ng
kanyang saloobin. Kung wala ka diyan sa nabanggit, siguroy panahon na para makialam ka.
Nakakaalarma na kasi ang samut saring panghuhusga ng iba sa kagustuhan ng iilang estudyanteng
gusto lang naman magpahayag ng kanyang opinyon. Ibat ibang panghuhusga at pangungutya na
animoy hindi muna pinag-iisipan kung may naaapakan na ba siyang dignidad ng ibang tao.
Batid naman nating lahat na ang layunin ng DCNHS Confessions ay hindi upang tayo ay mag-awayaway ngunit upang malaman natin na mayroon tayong kalayaan magpabatid ng ating emosyon. Mas
magiging mabuti ang resulta nito kung bukas ang puso at isipan nating makiramdam sa magiging
reaksyon ng kapwa estudyante
Maihahalintulad natin ang DCNHS Confessions sa kasalukuyang pamahalaan ng Pilipinas. May
namamahala na kung saan itoy tinatawag nating admins, may mamamayan at ito ang mga Cityhighians.
May demokratiko itong pamamalakad na binibigyang oportunidad ang bawat isa upang magpahayag.
Karamihay sumasang-ayon dito subalit mayroon pa ring di sumasang-ayon at tumutugon. Ngunit kahit
ano pa ang mangyari, isipin pa rin natin na ang isang samahan ay titibay at uunlad kung organisado ang
pamamahala ng kalayaan, tungkulin at pananaw sa hangganan.
Ang DCNHS Confessions ay isang matibay na katibayan na nasa malayang bansa tayo. Malayang
makakapaghayag ng kagustuhan at malayang makapagsabi ng ating hinaing. Mas maganda siguro kung
may kalayaan ding umiiral sa bawat damdamin ng Cityhighians, ang magandang komunikasyon at
matiwasay na ugnayan.
Ipakita nating lagi sa iba at sa ating sarili ang purong respeto sa bawat puso.

EDITORYAL- Nova Sunshine S. Coloma


Karapatan ng Kabataan
(Boses ng kabataan dapat nating pakinggan)
Kamakailan lamang ay napabalitaan ng lahat ang muling pagkansela sa SK o Sangguniang
Kabataan elections na inaasahang magaganap noong ika-21 ng Pebrero sa taong 2015 matapos lagdaan
ni Pangulong Aquino ang Republic Act 10656 na nagsasaad na isasabay na lamang ang naturang
eleksyon sa barangay elections ngayong ika-26 ng Oktubre.
Sa pormal na deklarasyon nito, samut saring mga opinyon at reaksyon ang nagsilabasan.
Panahon kung kailan naipahayag ng mga mamamayan lalo na ng mga kabataan ang kanilang mga
saloobin tungkol sa isyung ito.
Sa pag-unlad ng bansang Pilipinas, bahagi ang bawat Pilipino. Sa pangkalahatang pagdedesisyon,
kailangang kasama ang bawat sektor ng lipunan. Ngunit sa muling pagkansela sa natatanging paraan
upang mapakinggan ang boses ng kabataan, tila inalisan ng karapatan ang kabataang makibahagi sa
pag-unlad sa pag-aangat ng ating ekonomiya.
Pag-asa ng bayan. Ito ang bansag sa mga kabataan. Sa pagpapatotoo nito, kinakailangan ang
tiwala sa angking kakayahan nang sa gayon ay maramdamang sila ay inaasahang makatutulong sa
pagpapaliwanag sa direksyong tungo sa magandang hinaharap ng ating bansa. Kinakailangang
pagyamanin ang likas na katangian at kakayahan upang sa murang edad ay maitatak sa pusot isipan ng
bawat kabataan ang tunay na suliranin ng ating bansa. Isang mahalagang hakbang ito upang maiwasan
ang pagdating ng panahon kung kalian bulag na ang lahat sa tunay na suliranin ng ating bansa: ang
kakulangan sa pagmamahal sa sariling bayan na sumasaklaw sa mga katagang disiplina at katapatan na
siyang inaasahang magpapahupa sa mga problemang gaya ng polusyon, kahirapan at kurapsyon.
Ito ay iilan lamang sa mga napakagandang plano at oportunidad na nakasalalay sa isang pangakong
minsan nang binasag ngunit patuloy pa ring inaasahan sa kabila ng kawalan ng kasiguraduhan sa
kakarampot na pinanghahawakan.

EDITORYAL- Julliane Margarette D. Chavez


Ang Huling SONA
( Huwag pahabain ang salita kung di mo naman kayang magawa)
Naganap ang huling State of the Nation Address (SONA) ng pangulo noong Hulyo 27, 2015 at
tumagal ito ng dalawang oras. Pero imbes na ang mismong talumpati ni PNoy ang husgahan ng
sambayanan, itoy nagmistulang fashion show at nagtrending sa social media ang ibat ibang kasuotan ng
mga dumalo.
Sa lahat ng naging SONA ng pangulo, ang kanyang huling SONA ang pinakamahaba at
pinakamatagal. At kagaya ng mga naging SONA, itoy napuno ng napakaraming panghuhusga na walang
pagbabagong naganap sa kanyang mga naging SONA. Wala itong naging laman kundi ang pagtupad
tungkol sa kanyang pangakong, kung walang korap, walang mahirap, na siya namang ikinabigo niyang
tuparin.
Binaliktanaw ng pangulo ang pagsisimula ng kanyang termino. Una niyang ibinida ang lumalaking
kita ng Pilipinas at ang mga proyektong napagtagumpayang ipundar. Maganda na sana ang
pagbabaliktanaw ng pangulo ngunit kapansin-pansin ang paninisi at pagpapatama kay dating pangulong
Gloria Macapagal Arroyo sa mga suliraning tinatamasa ng Pilipinas bago pa man magsimula ang
kanyang termino.
Base sa huling SONA ng dating pangulong Arroyo, siyay nangakong pagbabago sa bansa.
Napagtagumpayan niyang isulong ang kanyang proyektong 3 es. Napaunlad niya ang sistemang
agrikultural ng Pilipinas at nabigyan niya ang daan-daang Pilipino ng trabaho. Pero ang lahat ng ito ay
lumabas na kahiya-hiya sa huling SONA ni Aquino, dahil napansin ni Aquino na walang pagbabagong
naganap sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa at di rin daw umusad ang pag-unlad ng pamamahala ni
Arroyo mula pa noong siyay naupo sa pwesto.
Napakaraming nagawa ng ating pangulo para sa ating bansa.Naging bulag lang siguro tayo sa
kanyang nagawa para sa bayang ito. Pero may napakaraming di pa rin kuntento sa pamamalakad at
pagpapatakbo ni Pnoy sa bansa. Marami nang pangakong nabitawan ang mga naging lider sa bansa,
ngunit habang tumatagal ang panahon nawawalan na ng pag-asa ang mga tao sa mga pangakong ito.
Dahil para sa kanila, wala ng pagbabagong magaganap sa mundong kanilang ginagalawan. Ang mga
mayayaman ay mananatiling mayaman at ang mahirap ay mananatiling mahirap magpakailanman.

Rudeigh Walter A. Canarias

Limitasyon ng Bawat Kabataan


(Napapagod din kami.)
Extra rice, extra money, extra t-shirt at extra-curricular. Iilan lang ito sa mga bagay
na pwedeng may extra.
Sa pag-aaral ay may tinatawag na extra-curricular activities kung saan nabibilang
dito ang mga camping, tree planting, iba't ibang presentasyon at kung ano-ano pa.
Tanong ko lang, kinakaya mo pa ba ang mga ito kasabay ang mga proyekto,
takdang-aralin at mga pagsusulit?
Kailan ka pa ba nakatulog ng mahimbing? Alam natin na kapag nag-aaral ang isang
bata, hindi naiiwasan ang panggigipit ng mga guro.
Proyekto doon, pagsusulit dito. Iilan lang iyan sa kinahaharap na mga pasanin ng
mga estudyante ngayon. Naghihirap sila makagawa lang ng proyekto, makapagaral para sa pagsusulit bukas at masagutan ang mga takdang-aralin. Kadalasan sa
kanilang pagsisikap, ay nakakalimutan na nilang matulog.
Ang mga estudyante na ito ay tao rin at hindi robot. Napapagod din sila sa sobrang
panggigipit ng mga guro.
Balanse lang dapat ang mga gawain na ibinibigay ng mga guro. Dapat ay may oras
din ang mga estudyante na makapaghinga.
May tinatawag na 'semestral break' o mas kilala sa tawag na sembreak. Layon nito
ay isang linggong pahinga ng mga estudyante matapos ang una at ikalawang
markahan ngunit tila nag-iba ang kahulugan nito para sa ibang guro.
Sa halip na bigyang pahinga ang mga estudyante, ay binibigyan nila ng dagdag na
proyekto ang mga estudyante. Tama ba na bigyan sila ng mga proyekto sa linggong
inalaan para sa pagpapahinga?
Kaakibat ng extra-curricular activities na ito ay ang mga proyekto at pagsusulit na
ibinibigay ng mga guro. Kadalasan ay nagbibigay pa sila ng mga takdang-aralin
para gawin sa Sabado at Linggo.
Sana ay may bagong panukala na katulad sa elementarya na nagsasaad na bawal
magbigay ng mga gawain ang mga guro tuwing Sabado at Linggo.

EDITORYAL- Eloisa Camille Gutual


- Juntine Faith Busmeon
Duterte: Takbo para sa Pilipinas
Federalisasyon ang sigaw ng taong bayan ng Davao City. Kalakip nito ang matunog na pangalan ni
Davao City Mayor Rudy Duterte.
Maraming taong nagpupumilit sa alkalde na tumakbo sa posisyong alam natin na dapat ay
kailangang gampanan ng isang matatag at matalinong lider.
Hindi biro ang mga gampanin ng isang president, kung kayat kailangan munang salain ang mga
kakayahan ng isang pulitikong nais tumakbo sa posisyong ito.
Kalahati sa populasyon ng mga Dabawenyo kasama na ang Muslim Community ay nagsasabing
karapat-dapat sa posisyon ang mayor dahil kilala ito bilang isang matapang, masipag at matalinong lider.
Mabilis niyang natutuldukan ang mga problemang kinakaharap ng Davao City.
Ngunit sa kabila ng mga may kagustuhang tumakbo siya, mayroon pa ring iilan na hindi sang-ayon
sa pagtakbo niya sa kadahilanang masyado na siyang matanda sa posisyon at dahil sa katandaan,
nakararanas na siya ng mga sakit na siyang rason kung bakit siya pumupunta sa Estados Unidos para sa
kanyang yearly check-up.
May iba ring nagsasabi na kuntento na sila sa serbisyo ng alkalde sa Lungsod ng Dabaw. Mas gusto
nilang manatili na lang io at patuloy na gampanan ang mga responsibilidad niya bilang mayor.
Ano man ang mga rason, iba-iba man o pare-pareho ang mga ito, hindi mababgo ang kagustuhan
natin ng isang lider na magpapabago sa kalagayan ng Pilipinas. Kung sino man ang maluluklok bilang
pangulo, magawa sana niyang baguhin at iparanas sa atin ang tunay na pagbabago.

You might also like