You are on page 1of 8

Jeziel M.

Dolor BSED FIL 3


Paksa sa pagulat ng editorial o tudling.
A. Katuturan ng Pangulong Tudling o
Editoryal

1. Isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng


isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng
kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.
2. Isang pinag-aralang kuro-kuro batay sa isang tunay na
pangyayari.
3. Isang komentaryong nagpapayo, nagtuturo, pumupuri o
tumutuligsa tungkol sa kahalagahan ng isang pangyayari.
4. Bagama’t ang pangulong tudling ay sinulat ng isang kasapi
lamang, ito’y paninindigan ng buong pamatnugutan at ng
pahayagan.
.
B. Katangian ng Pangulong Tudling

1. May kapangyarihang humikayat


2. Kawili-wili at maliwanag ang paglalahad
3. Makatarungang pangangatwiran at pagpapasya
4. May kaiklian at hindi masalita
5. Iisang paksa lamang ang tinatalakay
6. Hindi nagmumura, nangangaral o nagsesermon

C. Layunin ng Pangulong Tudling

1. Upang magpabatid, magpakahulugan at


pumuna
2. Upang magbigay-puri, magpaunawa,
manlibang, magturo o manuligsa
3. Upang magpahalaga sa isang tanging
araw, tao o lunan

D. Uri ng Pangulong Tudling

1. Pangulong Tudling na Nagpapabatid (Editorial of Information)

-Ipinaalam ang isang pangyayari sa layuning mabigyan-diin ang


kahalagahang iyon o mabigyang linaw ang ilang kalituhang bunga ng
pangyayari. Ito’y naiiba sa pangulong tudling na nagpapakahulugan,
sapagkat hindi hayagang nagbibigay ng pangwakas na pasya o kuro-
kuro. Hindi ito tumutuligsa, hindi nakikipagtalo. Ang tanging layunin ay
mabigyan ng kabatiran.
Halimbawa:

-Ano ang nilalaman ng isang memorandum?
-Paano isinasagawa ang pagpaplano ng pamilya?

2. Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan (Editorial of


Interpretation)

- Nagpapaliwanag ng kahalagahan o kahulugan ng isang pangyayaring


napabalita o ng isang kasalukuyang ideya, kalagayan o katayuan. Dito
binibigyan ng katuturan ang mga isyu at ipinapakita ang mga taong
may kaugnayan sa pangyayari at ng kanilang layunin. Kung minsa’y,
ito ay nagbibigay ng mungkahi tungkol sa maaaring kahihinatnan.

Halimabawa:

-Ano ang kahulugan at ibubunga ng isang bagong memorandum
ng pinalabas ng punong-guro?
-Ano ang kabutihang maidudulot ng pagpaplano ng pamilya?

3. Pangulong Tudling na Nakikipagtalo (Editoryal of


Argumentation)

- Bagamat nagbibigay rin ng impormasyon at interpretasyon ang


editoryal na ito, ang tanging layunin ay ang hikayatin ang
mambabasa upang pumanig sa kanyang ideya o paniniwala.

Halimbawa:

- Tama ang punong-guro sa pagpapalabas ng bagong
memorandum tungkol sa pagbabawal ng mahahabang buhok
sa mga lalaki.
- Dapat magplano ng pamilya.D. Uri ng Pangulong Tudling

4. Pangulong Tudling na Namumuna (Editorial of Criticism)


- Ito’y hawig sa pangulong tudling na nakikipagtalo. Subalit dito,
kapwa inihaharap ng sumulat ang mabuti at masamang
katangian ng isang isyu. Tinatalakay niya ang magkabilang
panig sa kabila ng katotohanang ipinagtatanggol niya ang isa
sa mga ito.
Halimbawa:
-Ang Diborsyo: Makabubuti Ba o Makapipinsala?
- Ang Aborsyon, Dapat Bang Bigyang Ligalisasyon?

5.Pangulong Tudling na Nanghihikayat


(Editorial of Persuasion)

- Ito’y nagbibigay rin ng kahulugan, nakikipagtalo at namumuna. Subalit


ang binigyang-diin ay ang mabisang panghihikayat.
Halimbawa:
-Itaguyod ang Proyekto ng Punong-guro.
-Panukalang Batas Laban sa Diborsyo, Suportahan.

6. Pangulong Tudling na Nagpaparangal o Nagbibigay-puri


(Editorial of Appreciation, Commendation, or Tribute)

- Pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa;


nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang taong namayapa, na
may nagawang pambihirang kabutihan o sa isang bayani sa
araw ng kanyang kapanganakan o kamatayan.
Halimbawa
- Mga Pumpon ng Mga Bulaklak Para sa Bagong Kampeon
-Sergio Osmena Sr., Kapurihan ng CebuD. Uri ng Pangulong Tudling

7. Pangulong Tudling na Nagpapahayag ng Natatanging Araw


(Editorial of Special Occasion)

- Bagamat ang uring ito ay may kalakip ding pagpapakahulugan,


ito’y may ibinubukod bilang isang tanging uri. Dito ipinaliliwanag
ang kahalagahan ng mga tanging okasyon tulad ng Pasko, Araw
ng Kalayaan, Araw ng mga Bayani, Buwan ng Wika, Linggo ng
Pag-iiwas sa Sunog.D. Uri ng Pangulong Tudling

8. Pangulong Tudling na Panlibang (Editorial of Entertainment)

- Ang uring ito ay hindi karaniwang sinusulat, at bihirang malathala sa


mga pahinang pang-editoryal. Dahilan sa ang layunin ay makalibang,
ito’y sinusulat sa paraang di-pormal, masaya, kung minsa’y sentimental
at karaniwang maikli lamang.

Halimbawa:
-Bagong moda sa kasuotan
-Mga lalaking nakahikaw
9. Pangulong Tudling na Nagsasaad ng Panagano (Mood Editorial)
- Pambihira ring isinusulat ito. Kalimitan ang pinapaksa ay kalikasan.
Nagpapahayag ito ng pilosopiya. Hindi nakikipagtalo; hindi
nagpapaliwanag.

Halimbawa:
-Isang takipsilim, isang maya ang dumapo sa isang sanga. Ito’y humuni
ng isang napakalambing na sonata. Pagkatapos, ito’y tuluyan nang
natulog. Nagbigay ito ng inspirasyon sa isang mamahayag upang sumulat
ng isang editoryal kung saan paglalarawan ang kanyang ginamit na
pamamaraan. Ito’y winakasan niya ng isang paghahambing kung saan
niya pinagtulad ang tao at ang mga hayop na kapwa naghahangad ng
katahimikan at mapayapang pagtulog paglipas ng isang pagal na
maghapon.

10. Pangulong Tudling na Bakasan (Pooled Editorial)

- ito’y sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba’t ibang paaralan


at kanilang sabay-sabay na nilathala sa kani-kanilang
pahayagan.
Halimbawa:
-Pagtaas ng Matrikula, Huwag PairalinD. Uri ng Pangulong Tudling

11. Pangulong Tudling na Batay sa Tahasang Sabi (Editorial Liner)

- Ang layner ay isang pangungusap o isang talatang tumatalakay sa isang


napapanahong pangyayari o balita at nasusulat sa paraang masaya,
mapanukso, o di-pormal, batay sa kung ano ang hinihingi ng paksa. Ito’y
nalalagay sa katapusan ng tudling pang-editoryal. Kung minsa’y hindi ito
sarili ng sumulat, kundi pangungusap ng isang dakilang tao.

Halimbawa:
a. Isang mahalagang pangungusap ng Pangulo ng bansab. Pangungusap
ng mga bayani na angkop sa isang kalagayan ng
bansa.
c. Siniping kawikaan ng angkop sa isang kalagayan.
d. Matalinghagang pangungusap na may kaugnayan sa isang
kalagayan o pangyayari.
e. Isang palasak na kasabihang may ipinahihiwatig na aral.

E. Paghahanda sa Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal


1. Magkaroon ng isang tiyak na paksang tatalakayin, isang paksang
kawili-wili sa mambabasa.
2. Magkaroon ng isang tiyak na layunin sa pagsulat ng tatalakaying
paksa. Ang layuning ito ay kailangang makilala sa simula pa lamang.
3. Likumin ang mga talang mahalaga sa tatalakaying paksa.
4. Suriin at unawain ang suliranin.
5. Isipin ang paraang gagamitin upang akitin ang mambabasa.

F.Bahagi ng Pangulong Tudling

Tatlong bahagi ng Pangulong Tudling:


1. Panimula (Introduction)
a. Balitang batayan (newspeg) o ipotesis (hypothesis)
b. Reaksyon sa balitang batayan o sa ipotesis.
Halimbawa:
1) Ang bagong patakaran ng punong-guro na
naguutos sa mga mag-aaral na nahuli sa klase na
mag-aaral muna ng leksyon sa silid-aklatan
habang sila ay naghihintay sa susunod na
asignatura ay isang matalinong pasiya.F. Bahagi ng Pangulong Tudling
2) Isang malaking karangalan para sa paaralan ng mga batang
mamamahayag ay muling nanalo sa paligsahan sa pagsulat.
Ang mga nasusulat sa bold face ay mga reaksyon. Ang nasa
tipong roman ay mga balitang batayan.F. Bahagi ng Pangulong Tudling

2. Katawan ng Editoryal (body)


Ito’y naglalahad ng mga tala, ideya o paninindigan laban sa sang
ayon sa paksa.

3. Pangwakas o kongklusyon na maaaring isang pagpapatibay sa


kuro-kuro, mga tagubilin o mga mungkahi.

G. Mga TuntuningDapat Sundin sa Pagsulat ng


PangulongTudling/Editoryal

1. Magkaroon ng kawili-wiling panimula ng maikli lamang upang akitin


ang mambabasa.
2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan
nang maayos at malinaw
3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran.Sa halip ay:
1) gugamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang
simulan ,
2) gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba,
3)gumamit ng magkatulad na
kalagayan at
4) banggitin ang pinagmula ng mga inilalahad
na kalagayan.

4. Tapusin nang naaangkop.


5. Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang mga
pinamula at ang pangwakas.
6. Gawing maikli lamang.
7. Huwag mangaral o magsermon (No preaching). Ilahad lamang
ang katwiran at hayaan ang mambabasang gumagawa ng sariling
pagpapasya.
8. Sundin ang lahat ng simulan na mabisang pagsulat: kaisahan
(unity), linaw (clarity), paglalaugnay-ugnay (coherence) at diin
(emphasis).G. Mga TuntuningDapat Sundin sa Pagsulat
ng PangulongTudling/Editoryal
9. Iwasan ang unang panauhan isahang panghalip. Gamitin ang
editoryal na “tayo” (editorial “we”).
11. Sulatin nang payak lamang.

H. Pagsulat ng Pangulong Tudling

1. Mga Paraan ng Panimula:


a. Pagtatanong
- Ano ang nangyari tungkol sa pinalabas na palibot liham
(circular) ng DECS na nagbabawal sa pagtataas ng matrikula?
b. Payak na paglalahad ng paksa
- Nagbabalak na naman ang pamahalaan upang humiram ng
pera sa ibang bansa. Napapanahon na upang tayo’y
sumalungat sa binabalak ng Pangulo.
c. Pagsasalaysay ng isang pangyayari o isang insidenteng may
kaugnayan sa paksa
- Masigla at maayos ang mock election na idinaos ng kagawaran
ng araling panlipunan noong Okture 14 bilang paghahanda sa
darating ng pambansang halalan na gaganapin sa Enero 20.
d. Pagsipi
- At sinabi ng Panginoon kay cain “Saan naroroon si abel na
iyong kapatid?”
At sinagot niya,” Aywan ko; ako ba’y tagapagbantay sa aking
Kapatid
e. 1) Kapansing-pangsing panimula
- Ganitong araw rin, labing-walong taon na ang nakakaraan
nang ang mga sibilyan-bata,matanda,babae,lalaki,madre at
pari ay nagsama-sama sa EDSA at sa pamamagitan ng pag
aalay ng mga bulaklak at ng pagrosaryo ay naibagsak nila ang
isang mapanghimagsik na Pangulo.
2) Paglalahad ng mga kuru-kuro laban o sang-ayon sa paksa.
3) Paglalahad ng mungkahi o tagubilin tungkol sa paksang
binigyan ng kuru-kuro.
-Ang pangatlo at pinakamabisang panlunas ay ang isang
siyentipikong kaalaman at paraan sa pagpaplano ng laki ng
pamilya.
-Sang-ayon kami kay DILG Secretary Joey Lina na dapat
magtulong-tulong ang lahat sa pagsugpo ng krimen.

I. Mga katanungang Pansubok sa kahusayan ng PangulongTudling


editoryal

1. Angkop ba sa anyo at istilo sa nilalaman at sa layunin?


2. Naisakatuparan ba ang layunin?
3. Pinag-isip ba ang mambabasa
4. Malinaw ba, tiyak at payak ang pagkakasulat?
5. Kapapansinan ba ng sapat na kaalaman, at malinaw at makatwirang
pag-iisip
6. Ito ba’y matapat?
7. Maiikli ba ang paksa mambabasa?
8. Mahalaga ba ang paksa sa mambabasa?
9. Ang balitang panimula ba ay makatotohanan at di artipisyal
10. Nailalahad ba ang paksa sa paraang hindi nanga-ngaral?

ANG KURO-KURONG TUDLING


(The Editorial Column)

Isang palagiang babasahin sa pahina ng pangulong tudling ay ang


kuru-kurong tudling o ang tudling pang-editoryal. Sa ibang seksyon ng
pahayagan ay mababasa ang tudling pampalaruan o palakasan (sports
column), tudling para sa kapilitang-pahayagan (exchange column),
tudling panglathalin (features column) at tudling pampanitikan (literary
column).Katuturan ng Tudling/Kolum Ang tudling o pitak ay isang
palagiang lathalain sa pahayagan na nagtataglay ng palagiang pamagat
(kagaya ng Point of Order ni Joe Guevarra) at kadalasang hindi
nagbabago ng lugar sa pahina sa bawat isyu.

Katuturan ng Kuru-kurong Tudling


(Editorial Column)
-Ang kuru-kurong tudling ay isang pitak na naglalaman ng kuru-kuro;
ideya, opinyon o paninindigan ng manunudling (columnist) sa isang
paraang kawili-wili tungkol sa iba’t ibang paksa. Sariling opinyon ito ng
manunudling, di tulad ng pangulong tudling na opinyon o paninindigan
ng buong patnugutan.Katangian ng Kuru-kurong Tudling
1. Napapanahon (timely)
2. Tulad ng pangulong tudling, ito’y may balitang batayan (News
Peg)
3. Nasusulat ayon sa istilo ng pagsulat ng manunudling.
4. Karaniwang nanunuligsa; paminsan-minsan nagpapatawa,
nagpapabatid, nagtuturo, nagpapaala-ala at nanlilibang.
5. Maaaring ito’y isang buong salaysay na may isang paksa
lamang. Maaari ring binubuo ng iba’t ibang paksa sa walang
kaugnayan sa isa’t isa.
7. Maaaring patula o pasalaysay.

Katangian ng Isang Manunudling

1. Malawakang kaalaman at interes sa buhay.


2. May sariling istilo at pagkapamanlikha (style and originality)
3. Mahusay sa displomasya.
4. May kakayahang sumulat sa pamamaraang lathalain
(feature)
5. May malakas na pang-unawa sa kahalagahan ng balita.
6. May dalubhasang kaalaman sa pinapaksa ng tudling.
7. Makatarungang pagpapasya o paghahatold.Halimbawa:
Palagiang Pamagat – Tingnan Natin
Pamagat ng Tudling – “Pumpon ng mga Bulaklak”
Manunudling (kolumnista) – Ka Uro (Arturo S. Kabuhat)
Pahayagan – The Toreh

Reperensiya:

https://www.academia.edu/37014156/Pagsulatngpangulongtudlingoeditor
yal_

You might also like