You are on page 1of 1

PMPJAS, ipinagtibay ang programang teen center

Michael Jay

Ipinatupad ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Jose Abad Santos (PMPJAS) ang pagpapatayo ng Teen
Center na kung saan ay naglalayong mabigyang tugon ang mga problema ng mga mag-aaral na naging
sanhi sa pagtaas ng kaso ng pagtigil nila sa pag-aaral.

Sinimulan ng PMPJAS ang pagpapatupad ng nasabing programa sa taong panuruan 2018-2019 at mas
pinaigting pa ito sa kasalukuyang taong panuruan na nakasunod sa pangunguna ng DepEd at ng mga
Guidance Councilor.

Sa pangunguna ng Guidance Councilor ng PMPJAS na si Gng. Jane Segovia at ang samahan ng Peer
Councilor ng paaralan ay pinagtibay pa nila ang pagpagpapaigting ng nasabing programa.

Gayunpaman, ang kadalasang nabigyang pansin nila sa kasalukuyan ay ang mga mag-aaral na nawawalan
na ng gana sa pag-aaral dahil sa kakulangan sa pinansyal na kung saan hinihikayat nila itong isa puso ang
edukasyon at nagbibgay di sila ng payo sa mag-aaral na napag-alamang nabuntis.

Ayon sa Guidance Coordinator na si Gng. Jane Segovia, ang Teen Center ay magsisilbing daan upang
matugunan o mabawasan ang problemang kinakahap ngayon ng mga kabataang nag-aaral.

"Ang teen center ang sinasabing puso ng paaralan dahil nabibigyang pansin nito ang sino mang mag-
aaral na dudulog para humingi ng tulong sa amin," Sabi ni Gng. Segovia sa panayam.

Umaasa din sya sa mga piling mag-aaral na myembero ng Peer Councilor na sana'y patuloy ang suporta
nila sa pagpapatibay ng samahan na nakapaloob sa programang Teen Center.

You might also like