You are on page 1of 4

Wika Filipino: Wika ng Pagkakaisa

NI: Windy J. Ferreras

PANIMULA

Wika ang nagdadamit sa ating kamalayan. Ang mga ideya, prinsipyo, at pilosopiya ay
nabubuhay dahil sa wika. Ito ang nagbibigay-katawan sa kaluluwa. Wika nga ni Samuel Johnson
{sa Webster, 1974), Language is the dress of thought. Pinangalawahan pa ito ni Thomas Carlyle
(sa Webster, 1974) na nagsabing Language is the garment of thought, however it should rather
be, language is the flesh garment, the body of thought.

Bawat kaisipang ating ipinapahayag ay nabubuo sa pamamagitan ng malikhaing


paggamit ng mga salita. Bawat sitwasyon, bawat gawain, bawat bagay, at sabihin pa, anumang
kayang buuin ng isipan ng tao ay tinutumbasan ng salita at kahit sa iisang senaryo ay maaaring
may dalawa o higit pang salitang maaaring magamit upang mailarawan ang isang bagay o
maipahayag ang isang sentimyento – ang isa’y maaaring maging paborable o positibo at ang
isa’y maaaring nakakainsulto o negatibo. Ito ang ibig sabihin ni Lope K. Santos nang sabihin
niyang ang wika ay nagagamit sa mabuti, nagagamit sa masama, bumubuhay at namamatay,
bumubuo’t naggigiba.

Ang kaalaman at kasanayan kasi sa wika, katulad ng ano pa mang kaalaman at


kasanayan, wika nga ni Lope K. Santos, ay parang gulok na may talim magkabila.

Maging ang Bibliya ay hindi nagkulang ng pagpapaalala sa atin sa kapangyarihang ito ng


wika. Sa Kawikaan 11:11 ay ganito ang sinasabi:Dahil sa salita ng matuwid, ang bayan ay
tumatatag; ngunit sa kasinungalingan ng masama, ang lunsod ay nawawasak.

Sa madaling sabi, ang wika ay maaaring gamitin sa pag-akay sa pagtahak sa matuwid na


landas o kaya’y sa pagpapakalat ng kaisipang wangwang! At ang antas ng iyong kaalaman at
kasanayan sa wika ay maaaring mangahulugan ng iyong tagumpay o kabiguan sa iyong layunin.
Wika nga ni Ludwig Wittgeinstein (sa Bernales, et al., 2009), Ang limitasyon ko sa wika ay
limitasyon ko sa mundo.

Ang Filipino ang Daang Matuwid. (Ang SONA, Wika at ang Kultura)

Mismong ang ating Pangulo ay nagbigay ng halimbawa kung paanong ang wika ay
magagamit sa mabuti sa halip na sa masama. Sa kanyang SONA noong 2011 ay ganito ang
kanyang sinabi:

…Tapusin na po natin ang kultura ng negatibismo; iangat natin ang kapwa-Pilipino sa bawat
pagkakataon. Bakit po ang iba, ang hilig maghanap ng kung anu-anong pangit sa ating bayan?
At napakahirap — parang kasalanan — na magsabi ng maganda? Naalala pa po ba natin noong
huling beses tayong pumuri sa kapwa Pilipino?
Itigil na po natin ang paghihilahan pababa. Ang dating industriya ng pintasan na hindi natin
maitakwil, iwaksi na po natin. Tuldukan na po natin ang pagiging utak-alimango; puwede bang
iangat naman natin ang magaganda nating nagawa?

Kung may nakita kang mabuti, huwag kang magdalawang-isip na purihin ito. Kapag nakita mo
ang pulis sa kanto, nagtatrapik nang walang kapote sa ilalim ng ulan, lapitan mo siya at
sabihing “Salamat po.”

Kung magkasakit ka at makita mo ang nars na nag-aruga sa iyo, sa halip na magserbisyo sa


dayuhan kapalit ng mas malaking suweldo, sabihin mo “Salamat po.”

Bago ka umuwi galing eskuwela, lapitan mo ang guro mong piniling mamuhunan sa iyong
kinabukasan kaysa unahin ang sariling ginhawa; sabihin mo “Salamat po.”…

Kung makasalubong mo ang iyong kinatawan sa kalsadang dati ay lubak-lubak, at ngayon ay


puwede nang daanan nang maaliwalas, lapitan mo siya at sabihing “Salamat po.”

Sa ating mga Bikolano, ang pagpapasalamat natin ay hindi lang simpleng pagpapasalamat
na kahulugan tulad ng mga Tagalog. Ang salitang Diyos Mabalos ay may kalakip na
pagpapasalamat at hangad pagpapala dahil sa kabutihang ginawa sa atin ng isang tao. Ang
pagkakabuo ng pariralang ito’y may kaakibat na malalim na kahulugan sa ating kultura
pagdating sa usapin ng pananampalataya.

Ang Diyos Mabalos at salamat ay ilan lamang representasyon ng marami pang ibang
salita at sambitlang nakapaghahatid ng ngiti sa labi ng ating kapwa, mga salita at sambitlang
dapat lagi nating tinuturan, sa halip na mga salitang nakasasakit ng damdamin, nakasisira o
nagpapakalat ng kasamaan at kaguluhan. Sa Kawikaan 16:35 ay nasusulat: Ang magiliw na
pangungusap ay parang pulot-pukyutan; matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan. Hindi
ba’t higit na mainam kung lahat tayo’y magiging magiliw mangusap at kung kinakailangan mang
manuna o mambatikos ay magiging maingat sa pagsasabi at mapili sa mga salita? Tandaan
nating ang ating pananalita ay repleksyon ng ating pagkatao, Sa Mateo 12: 34-36 nga ay ganito
ang sinasabi: …Sapagkat kung ano ang bukambibig, iyon ang laman ng dibdib. Mabuti ang
sinasabi ng mabuting tao, sapagkat puno ng kabutihan ang kanyang puso. Masama ang sinasabi
ng masamang tao, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso.

Samantala, sa kanyang SONA, malinaw na ginamit ng Pangulo ang utak-wangwang


bilang kabaligtaran ng matuwid na landas. Ang salitang wang-wang ay hinirang na salita ng
taong 2012 ng SAWIKAAN. Ayon kay San Juan, ang salitang Wangwang, sa kasalukuyan, ay
maaari nang gamitin bilang pang-uri, pangngalan, at pandiwa. “Ang salitang ito (wangwang) ay
may potensiyal na magpakilos. Sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa bagong kahulugan nito,
ang wangwang bilang pag-iingay, pagrereklamo, pangangampanya, [at] panawagan,” “Sa
pangkalahatan, iniligtas tayo ng salitang wangwang sa luma nating sakit na pagsasawalang
bahala sa mga usaping bayan. Ang tunog na ito’y simbolikong ginamit ng pangulo upang
ihantad ang umiiral na sistema noong nakaraang admininstrasyon. Dahil sa paggamit ng salitang
ito ng ating pangulo, madaling naintindihan ng kanyang mga “Boss” ang plata-porma at mensahe
ng kanyang pamamahala.
Ngunit, subalit, datapwa’t huwag nating iaasa na lang ang ating kapalaran sa ating
pamahalaan, kaya’t para sa akin, bilang guro, mag-aaral oanumang mang katayuan mo sa buhay,
napapanahon na ituon natin ang lahat ng ating kaalaman at kasanayan upang pigilan at iwasto
ang maling kaisipan (UTAK-WANGWANG) na kaytagal nang gumagahis sa ating lipunan, sa
gobyerno man o sa pribadong sektor, maging sa personal nating buhay sa pakikisalamuha sa mga
taong nakapaligid sa atin.

Sino ka man, nasaan ka man, ano man ang iyong gawain, ang pagtahak sa matuwid na
landas at paggupo sa utak-wangwang ay dapat na gawing isang personal na misyon. Wika nga
ng ating Pangulo:

…Personal talaga sa akin ang paggawa ng tama… At hindi lamang dapat ako ang
namemersonal sa usaping ito. Personal dapat ito sa ating lahat…

Ang mali — gaano katagal man ito nanatili — ay mali pa rin. Hindi puwedeng “Oks lang, wala
lang iyan.” Kapag kinalimutan natin ang mga ito, mangyayari lang ulit ang mga kamalian ng
nakaraan…[at] parang tayo na rin mismo ang nag-imbita sa mga nagbabalak gumawa ng
masama na umulit muli.

Sadya, ang pagtahak sa matuwid na landas ay hindi madaling gawin para sa marami.
Ngunit pakatandaan nating hindi ito imposible. Kahit sa maliliit na bagay, katulad nga sa
pagsasabi ng mga positibong bagay, maingat na pagpapahayag ng mga puna at kritisismo at
marami pang ibang simpleng kaparaanang nagsasalamin ng kabutihan at kawastuhan, ay dapat
itong gawin sa ano mang araw o kahit pa araw-araw. Di nga kasi, It is enough for the good to do
nothing for evil to triumph.

Kongklusyon

Yaman din lamang na ang matuwid na landas ay ginamit ng Pangulo bilang islogan sa kampanya
noong pambansang halalan, bilang talking point sa kanyang SONA at kanyang ginagamit bilang
adbokasiya sa kanyang pamamahala at pagpapatakbo ng ating pamahalaan, marapat lamang
marahil na tapusin ko ang aking talumpati sa pamamagitan ng kanyang mga salita mula sa
kanyang SONA:

…Kung mang-aagrabyado ka lang ng mahirap, huwag ka nang magtangka. Kung sarili mo lang
ang papayamanin mo, huwag ka nang magtangka. Kung hindi iyan para sa Pilipino, huwag ka
nang magtangka.

Sana masabi na natin na tapos na ang utak wang-wang, pero nakikita po natin ang latak ng
ganitong kaisipan na pilit bumubulahaw sa aliwalas ng ating biyahe sa tuwid na landas….

…Malinaw ang direksyong tinatahak ng ating bayan. Isang bansa kung saan ang pagkakataon
ay abot-kamay; kung saan ang mga nangangailangan ay sinasaklolohan; kung saan may saysay
ang bawat patak ng pawis, bawat sandali ng pagtitiis at bawat butil ng hinagpis na dinaanan
natin. Kung may gawin kang mabuti, may babalik sa iyong mabuti. At kung may gawin kang
masama, tiyak na mananagot ka.
Bilang kongklusyon, iniiwan ko sa inyo ang mga sumusunod na tagubilin: Patuloy nating
gamitin ang wikang Filipino at ang ating kaalaman at kasanayan sa wikang ito (maging ano pa
man ang ating kaalaman at kasanayan) sa mabuti at sa mabuting paraan. Gumawa NG mabuti.
Mangusap NG mabuti. Gumawa at mangusap NANG mabuti.

You might also like