You are on page 1of 2

Talambuhay ni nelson mandela

Si Nelson Rolihlahla Mandela (IPA [roli'ɬ aɬ a]) (18 Hulyo


1918 – 5 Disyembre 2013) ay isang politiko na naglingkod bilang
Pangulo ng Timog Aprika mula 1994 hanggang 1999. Bago ang
kanyang pagkapangulo, kilala si Mandela sa paglaban sa mga
gawain ng sistemang apartheid at pinuno ng Pambansang
Kongresong Aprikano (ANC), at nahatulan ng habang buhay na
pagkakabilanggo dahil sa bintang na pagsasabotahe. Sa kanyang
27 taon na pagkakakulong, halos ang kabuoan ng panahon ay ang
pananatili sa Pulo ng Robben, si Mandela ay naging isang
malawakang pigura sa laban sa apartheid.

Ano ang talumpati


Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin
nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Mga uri ng talumpati


 Impromptu- biglaang talumpati na binibigay ang paksa sa oras mismo ng
pagsasalita.
 Extempore- ang pagpili ng materyal at pag-aayos ng panimula, katawan at
konklusyon ay apektado sa itinakdang oras.
 Isinaulong Talumpati- may paghahanda at dapat saulado o memoryado ang
pyesa bago bigkasin ang talumpati.
 Pagbasa ng papel sa panayam o Kumperensya- ang pag oorganisa ng mga ideya
at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na
magkakaugnay at may kaisahan.

HALIBAWA NG TALUMPATI
Sa paggising mula sa kama, pumasok sa eskwela, sa pagpasok ko sa pintuan, ako'y
napatingin sa labasan. Napaisip ako ng ng bigla, "Ano ba ang katuturan ng
pagpasok ko sa eskwela?"

Ang sarap isipin na "Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan" hindi ba? Pero
masakit isipin na ang kabataan waring tumatakbo sa kaalaman. Nariyan ang ayaw
pumasok sa eskwela, nakatambay lamang ng basta, at ang iba nga'y nalululong pa
sa droga. Huwag nating basta na lang ipagpasawalang bahala ang bawat ating
ginagawa, dahil ang bawat kilos na ito, kakambal ay pagsisisi na hindi na natin
mababalikan pang muli.

Sa edukasyon lamang natin matatamo ang tunay na pag-unlad, pag-unlad para


sa ating sarili at pag-unlad na sa ating baya'y nakatali. Naaalala ko pa ng
mapanood ko sa telebisyon ang isang balitang nakapanliit sa bayan natin, na ang
"Pilipina" sa diksyonaryo ng ibang bansa'y "Domestik Helper" ang ibig sabihin.
Hindi ko alam pero para sa aki'y ang hirap nitong lunukin. Ang sa akin, bakit tayo
nagpapa- api sa iba lalo na't hindi natin kalahi? Bakit natin ito ipagsasa- walang
bahala? Ipakita natin na kaya natin. Na kaya nating umangat sa sarili nating mga
paa.

Kumilos tayo! Tayo ang kabataan ngayon at sa atin nakasalalay ang pagdadala
sa Inang Bayan sa tugatog ng kasaganaan. Lagi nating tatandaan, ang pag-pasok
sa eskwela ay hindi ibig sabihin na magpaka-dalubhasa ka, ang dalahin ka sa tama
ay gawain niya. At tandaan ninyo, kapag tayo, mga kabataan, umastang waring
sanggol sa Siyam na bwan, tiyak, buhay mo at ng lipunan, sa rehas na bakal ang
hantungan.

You might also like