You are on page 1of 1

ANG BALANGKAS NG MULTIKULTURALISMO AT ANG PAGBUBUO NG

BANSANG PILIPINO

Abstrak

Ang sanaysay na ito ay tungkol sa pagbuo ng bansang Pilipino gamit ang


balangkas ng multikulturalismo. Pag-uusapan dito ang mga negatibong aspeto at
kakulangan ng ating pagsasabansa at kung paano makakatulong ang balangkas ng
multikulturalismo sa pagtugon sa mga suliranin at usapin katulad na lamang ng
rehiyonalismo, hidwaan ng mga Muslim at Kristyano, katayuan ng mga minoyrang
pangkat, ugnayan ng mga pangkat etnikong nagsama-sama sa mga malalaking lungsod,
at sa ating pagkakaunawa sa kinabukasan ng mga pangkat etniko sa mabilis na
modernisasyon at globalisasyon at sa umiiral na monokulturalismong nagaganap sa ating
pagsasabansa. Walang ibinibigay na iisang pormula sa pagtutugon ng mga suliraning
dala-dala ng ating pagiging isang multikultural na estado. Sa halip ito ay nag-aanyaya sa
ating tingnan ang kabuuang historikal, pulitikal at kultural na konteksto ng bawat usapin.
Dahil sa sanaysay na ito, napagtantuan ang kahalagahan ng multikulturalismo sa pagsira
ng problema sa ating pagsasabansa. Binigyang diin nito na ang rehiyonalismo ay hindi
hadlang kundi isang sandata upang palakasin ang ating nasyonalismo. Sa katunayan,
may malaki itong maiaambag sa pagtugon sa mga usapin tulad ng rehiyonalismo,
hidwaan ng mga Kristyano at Muslim, katayuan ng mga minoryang pangkat, ugnayan ng
mga pangkat etnikong nagsama-sama sa mga malalaking lunsod, at pati sa ating
pagdadalumat sa kinabukasan ng ating mga pangkat etniko na tiyak masasagasaan sa
umiiral na monokulturalisasyong dala-dala ng ating pagsasabansa, ng modernisasyon at
ng globalisasyon.

You might also like