You are on page 1of 2

Ipinasa ni: Rosenda M.

Serna

B.A Journalism 1 – 2

Paputian ng Kamalayan: Pananaliksik at ang Limot na Kasaysayan ng Pagiging

Filipino

Isinulat ni Joseph T. Salazar

Abstract

Tinatalakay sa papel na ito ang pangangailangang historiko-kritikal na linawin ang

prinsipyo sa likod ng pananaliksik at kung paano ito maaaring gamitin upang magtaguyod

ng isang higit na malay na subhektibidad na makakatulong sa pagpapayaman ng iba’t

ibang propesyong sinasandigan ng ating lipunan. Sa ubod ng mga prinsipyong ito ang

pagsipat sa usapin ng kaputian hindi lamang bilang usaping panlahi kundi isang

simbolikong representasyon ng kaalaman na patuloy na binibihag ng mga prosesong

kolonyal. Susuriin ang ang halaga ng aktibong pagsasakasaysayan, paglilinaw ng mga

ugnayang panlipunan at paghamon sa mga batayan ng kaalaman bilang mga pundasyon

ng lahat ng pananaliksik.
Ipinasa ni: Karl Angelo M. Reyes

B.A Journalism 1 - 2

Isang Dosenang Pagdalumat-Feminismo sa mga Piling Akda

Isinulat ni: Maria Fe E. Gannaban

Abstract

Ang papel na ito ay isang pagdalumat sa mga naisagawang pag-aaral hinggil sa papel

ng mga babaengPilipina sa iba’t ibang genre ng panitikang Pilipino (i.e. maikling-kwento,

sanaysay, nobela atbp). Pinili ang labindalawang pananaliksik batay sa mga pagsusuring

naisagawa na may kinalaman sa feminismo, partikular ang papel na ginagampanan ng

kababaihan sa lipunang Pilipino; gayundin ang repleksyon ng feminismo sa iba’t ibang

genre ng panitikan. Sinipat sa mga nabanggit na genre kung ano ang sinasabi ng mga

teksto sa papel na nararapat gampanan ng kababaihan sa lipunang Pilipino at madalumat

ang istatus ng mga babae sa pagbubuo ng bansang Pilipino. Tinangka ring dalumatin sa

papel na ito ang iba’t ibang papel na ginagampanan ng mga babaeng Pilipino. Inilahad

ang ilang mahahalagang konsepto hinggil sa labindalawang pananaliksik at sinuri

ito. Pagkatapos ay ang pag-classi y o pag-cluster sa uri ng feminismong pinaniniwalaan

ng mga Pilipinong awtor. Ang paglalahad sa datos ay inayos nang paalpabeto (Ardales,

Canares, de Roca, Garcia, Lacsamana, Maranan, Marquez, Recto, Robles,

Rosales,Santiago, at Tepace). Pagkatapos, sinagawa ang pagsusuri sa bawat isa.

tinukoy ang uri ng feminismo sa bawat pag-aaral batay sa kahulugang nakasaad sa iba’t

ibang uri ng feminismo at dinalumat kung ito ay umiral o nangibabaw sa teksto ng

pananaliksik.

You might also like