You are on page 1of 1

Ang paraan sa pagsulat ng akademikong sulatin

Jan laurine G. Sulatorio

Ang akademikong sulatin ay may mga dapat tandaan. Kailangan sa pagsulat ng


akademikong sulatin ay may puso at isipan kang taglay sa pagsulat, naidudugtong sa isang
sulatin ang mayroong pagkahanay at maayos na detalye ng impormasyon.

Kinakailangan nito ang pagkasunod-sunod ng mga detalye para maiintindihan ng


mambabasa ang sulatin tinatawag itong kronolohikal. Ang kronolohikal ay pinag-susunod at
hinahanay ang mga detalye. Kailangan din ang pagsasalaysay na naglalahad ng pagsunod-
sunod ng mag pangyayari na sa ganuy, layunin nito ay magkwento, at dapat na isinasagawa
ng malinaw at may tiyak na kaayusan.

Sa pagsulat ng akademikong sulatin ay kailangan meron itong paglalarawan. Ang


paglalarawan ay nagbibigay higis, anyo kulay at katangian. Nakauon ito sa pangunahing
katangian at gumagamit ng salitang makahulugan at matatalinhaga na mga salita. Alam na
man natin na kailangan ng makahulugan ang gamit sa pagsulat ng akademikong sulatin at
ang kahalagahan nito ay naibabahagi, naihahatid at napapahalagahan ang impormasyon.

Kasali rin sa sulatin ang paglalahad at pangangatwiran. Ang katangian nag


paglalahad ay mabisa, may mahusay na pagkahanay ng impormasyon at ginagamitan ng
pagsasalaysay kung kinakailangan. Ang pangangatwiran naman ay bibigkas sa
pamamagitan ng talumpati at ginagamitan ng maganda at mabisang pananalita.

At ang huli naman ay ang akademikong sulatin ay mayroong istilo. Kinakailangan


ng paggamit ng wastong aspekto ng pandiwa na angkop ang lengguwahe para sa layunin at
mambabasa, at meron itong tiyak at malinaw na pagsulat at sinsitibo sa paggamit ng wika. At
ito ang mga paraan sa pagsulat ng akademikong sulatin.

You might also like