Bakit Mahalaga Ang Pagbasa

You might also like

You are on page 1of 1

Bakit mahalaga ang pagbasa?

Ang pagbasa ay isang magandang gawain kung kaya’t maraming


naidudulot na magandang bagay sa isang tao. Ito ay ang tuwid na
instrumento upang makuha at makilala ng lubusan ang mga ideya, kaisipan
at damdamin ng isang tao sa mga sagisag o titik na nakalimbag sa mga
pahina upang maibigkas ito sa pamamagitan ng pasalita. Mahalaga ang
pagbasa sa buhay ng bawat tao sapagkat ito ang nagsisilbing pangunahing
kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan, kung baga ito ang gintong susi
na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan. Ang
pagbasa rin ay isang makrong kasanayan na dapat paunlarin ng bawat isa
upang sa pagharap nila sa mundo, matuto at makaunawa sila ng mga
bagong bagay. Nakakatulong din ito sa pagpapalawak ng bokabularyo at
kaalaman ng isang tao.
Idagdag pa riyan na ang pagbasa ay nakatutulong sa paghasa ng ating
kaisipan, nakapag-aalis ng bagot o pagkainip, at mas napalalawak nito ang
pananaw ng tao ukol sa buhay.

You might also like