Professional Documents
Culture Documents
-> Nauunawaan ang kahugan at kalikasan ng akademikong pagsulat na ginagamit sa iba`t ibang larangan.
-> Nabibigyang halaga sa sariling pang-unawa ang kahulugan at kalikasan ng akademikong pagsulat na
ginagamit sa iba`t ibang larangan.
Bakit ba kailangang magsulat Ang tao gayong nakapagsasalita naman biLang paraan ng
pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa? Ano-ano Ang kailangan para makapagsulat ng wasto?
Araw-araw Ang mag-aaral na tulad mo ay nahaharap sa iba`t ibang uri ng sulatin. Hindi lahat ay may
kakayahang magsulat. Ang normal na tao ay nakapagsasalita nang walang pormal nag pagtuturo Hindi
katulad ng pagsulat na dapat turuan ang bawat tao at ito ay kadalasang nagaganap sa paaralan.
Mahalagang malaman at matutunan ang kalikasan ng pagsulat.
Ang akademikong pagsulat ay isang pormal na sulatin o akdang isinasagawa sa Isang akademikong
institusyon kung kayat may mataas na antas Ng kasanayan sa pagsulat. Kinakailangan ang kritikal na
panunuri upang mapaunlad ang talas ng isip na makabuo Ng Isang mabuting sintesis at pagtataya para sa
matibay na pananaliksik. Kung kayat ito ayay sinusunod na partikular na sistema. Nilalayon Ng ganitong
kasanayan na malinang ang kaalaman sa pagsulat ng mga mag-aaral sa iba`t ibang anyo ng sulating
lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsulat sa piniling
larangan na nagpapamalas ng talino ng isang manunulat. Dito nasusuri at natataya ng mambabasa ang
sinusulat ng kanilang kapwa.
Batayan o kalikasan ng akademikong sulatin ang paraan upang ito ay maisulat. Ang paraan ng pagsulat ay
umiikot sa batayang diskurso na maaaring magsalaysay, maglarawan, maglahad, at mangatuwiran. Ang
apat na pangunahing akademikong diskursong ito kadalasan ay may pinagbabagayang disiplina o
larangan ng akademikong sulatin.
A. Partikular na mambabasa
B. Pangkalahatang mambabasa
2. Layunin Ng Sulatin
Mahalagang bigyang tuon at pakaisipain ang iyong layunin sa pagsulat. Ang diskurso Ng paksa sa
Isang komposisyon ay nakabatay sa anyo o genre ng sulatin upang lubusang mabigyang pagsisiyasat ang
pun o argumento ng paksa.
Mahalagang isaalang-alang din ng manunulat ang katangian ng uri ng tekstong kaniyang susulatin
ayon sa interes ng mambabasa.
Ang pagpili ng mga salitang gagamitin sa pagbuo ng mga kaisipan ay mahalagang bigyang pansin ng
manunulat batay sa uri ng kaniyang magiging mambabasa.
7. Damdamin Ng Sulatin
Napakahalaga ng damdamin ng manunulat sa kaniyang sulatin dahil ito ang mag-uugnay sa duwa Ng
kaniyang mambabasa na nagiging daluyan na nagsisilbing salamin at mayamang kaban ng mga ideya na
ipinapahayag ng sulatin.