You are on page 1of 5

A.

KAHULUGAN NG PAGSULAT

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasang-kapan na maaaring magamit na


mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan.

Isang paraan ng pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at kaalaman ang pagsulat katulad ng
pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at
pagsusulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng pagsasalita,
hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang
makapagpahayag. Bumubuo sya ng makahulugang salita mula sa mga titik at ng mga
pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.

Ang pagsusulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay na
hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng ng pansarili
o personal; kasabay ng pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa sarili at karanasan. Ang ganitong
uri ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang
isinusulat ay pinakamalapit sa inters mo. Nagsusulat ang isang tao upang makapag-ambag ng
kaalaman o kaisipang maaaring mag-uudyok sa mambabasa na sumulat nang makabuluhan.

Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o ideya ng tao ay
isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para maihayag ng
mga tao ang kanilang mga opinyon at saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan.

Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad na isinasakatuparan para sa iba’t-ibang


layunin at tunguhin. Ito ay mental na aktibidad sapagkat pinapairal dito ang kakayahan nang
isang tao na mailabas ang kanyang kaalaman at ideya sa pamamagitan ng pagsasatitik sa mga ito.
Ito naman ay matuturing na pisikal na aktibidad sapagkat ginagamitan ito ng paggalaw ng
kamay.

Ang pagsulat ay isa ring mental na gawain sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng
mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng pag-unlad at pattern ng organisasyon at sa isang
istilo ng grammar na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.
B. MGA URI NG SULIRANIN

 Mahina at hindi mabisa sa pagkuha ng angkop na salita upang maipahayag ang ideya ng
manunulat.
 Kulang sa kaalaman at kasanayan sa pagsusulat.
 Kawalan sa mastery sa teknikal na bahagi ng pagsusulat at panlinamnam
 Madaling mawala sa focus o madaling maabala
 Pagod sa isip at katawan
 Hindi maunawaang sulat kamay
 Kulang sa bokabularyo at hindi alam ang mga salitang dapat gamitin
 Hindi wasto ang paggamit sa gramatika
C. KAHULUGAN NG BAWAT URI NG SULIRANIN

Mahina at hindi mabisa sa pagkuha ng angkop na salita

 Kapag hindi mabisa ang iyong mga salitang ginamit sa iyong sulatin, hindi mo
mapupukaw ang interest/atensiyon ng iyong mga mambabasa o ng ibang babasa.

Kulang sa kaalaman

 Kung kulang ka sa kaalaman sa pagsusulat, mahihirapan kang maipahayag o ipahiwatig


sa iba ang iyong mga ideya.

Kawalan sa mastery sa teknikal na bahagi ng pagsusulat at panlinamnam

 Magiging walang saysay ang iyong sinisulat kung wala itong makabuluhang nilalaman

Madaling mawala sa focus o madaling maabala

 Maraming manunulat ang minsan ay nawawala sa focus dahil sa kanilang paligid, dahil
may mga manunulat na gustong sa labas gumawa ng kanilang sinusulat pero dahil sa
ingay sa kanyang paligid nawawala ito sa konsentrasyon.

Pagod sa isip at katawan

 Minsan dahil sa pagod nawawalan ng gana ang mga manunulat.

Hindi maunawaang sulat kamay

 Dahil sa hindi kagandahang sulat kamay ng mga manunulat hindi nauunawaan ng mga
mambabasa ang nais iparating ng manunulat.

Kulang sa bokabularyo at hindi alam ang mga salitang dapat gamitin

 May mga manunulat na sulat nang sulat lang at hindi na binibigyang pansin ang mga
salitang ginagamit, kung kaya`t nakakagamit sila ng salitang bastos at nakakasakit ng
damdamin.

Hindi wasto ang paggamit sa gramatika

 Hindi mauunawaan ng iyong mambabasa ang iyong sinusulat kung hindi nila
maiintindihan ang gramatika na iyong ginagamit.
D. KALIKASAN NG BAWAT URI NG SULATIN

Likas o taglay ng akademikong sulatin ang maglaman ng samu`t saring kaalaman. Marapat na
ang makilalang kaalaman sa akademikong sulatin ay bago at mahalaga. Bago ang kaalaman kung
ang nilalaman ng pangungusap at ideya ay impormasyong magbibigay ng malawak na kabatiran
at mahalaga sapagkat ang impormasyong ipinababatid ay mapakikinabangan para sa pansarili,
pampamilya, panlipunan at pambansang kapakinabangan. Sa makatuwid, upang maging bago at
mahalaga ang anumang hatid na kaalaman ng akademikong sulatin, likas na kasanayan sa
pagbasa at pananaliksik ang dapat maging sandigan.

Batayan o kalikasan ng akademikong sulatin ang paraan upang ito ay maisulat. Ang paraan ng
pagsulat ay umiikot sa batayang diskurso na maaaring magsalaysay, maglarawan, maglahad at
mangatuwiran. Ang paraan ng pagsulat ang magiging matibay na gabay upang maipahayag ang
kaalamang nais iparating ng akademikong sulatin. Kalikasan ng akademikong sulatin na
magpahayag ng kaalaman batay na angkop sa paraan na nakaugat sa kakayahang umunawa ng
manunulat upang ipaunawa ang kanyang naisip at naranasan.

Anumang paraan ng pagsulat ng akademikong sulatin, mahalagang mabigyan ito ng angkop na


pagsusuri batay sa pinagbatayang datos at sanggunian at sa huli ay makita ang pananaw ng
manunulat bilang hatid na ambag. Kaakibat ng akademikong sulatin ang magpahayag ng ibang
uri ng pag-unawa. Esensiyal ang gampanin ng pag-unawa na natatamo sa pagbuo ng
akademikong sulatin. Kung pagtuunan ng pansin ang kakayahang umunawa ng mga mag-aaral sa
proseso ng pagsusulat at pag-aaral, malalampasan nito ang mga nakasanayang tradisyonal na
pagpapasaulo ng mga konsepto.

Ang kalikasan ng akademikong pagsulat ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga
kaalaman ng mag-aaral kaya ito tinawag na intelektwal na pagsulat. Kung ikaw ay manunulat
maihahayag mo nang maayos ang nais mong iparating sa mga babasa nito.
E. SANGGUNIAN
 KAHULUGAN NG PAGSULAT

https://www.academia.edu/33549493/Kahulugan_ng_Pagsulat

https://www.tagaloglang.com/pagsulat/

 MGA URI NG SULIRANIN

https://brainly.ph/question/209097

https://kaylimang.blogspot.com/2021/05/ano-ang-mga-limang-suliranin-.html

https://philnews.ph/2020/11/04/ano-ang-suliranin-kahulugan-at-halimbawa-nito/

 KAHULUGAN NG BAWAT URI NG SULIRANIN

https://www.scribd.com/document/509631358/Filipino6Q4M5-Kahuluganng -Suliranin-
Kahulugan-Ng- Mga-Uri-Ng-suliranin v4-1

https://www.slideshare.net/NicoleGala/kabanata-1-sa-pananaliksik-suliranin

 KALIKASAN NG BAWAT URI NG SULATIN

https://www.elcomblus.com/kalikasan-ng-akademikong-sulatin/

https://paraanngpagsulat.blogspot.com/2021/06/kalikasan-ng-pagsulat-ng-akademikong.html

You might also like