You are on page 1of 20

PAGSULAT

SA IBA’T
IBANG
DISIPLINA
ANO ANG PAGSULAT?

Ang pagsulat ay isang anyo ng


komunikasyon. Ang magaling sa
pagsulat ay makatutulong nang
malaki upang lubusang
maunawaan ng iyong target na
awdyens ang mga ideya o kaisipang
nais ipahayag.
ILANG MUNGKAHI PARA SA MABISANG
PAGSULAT:

1. Piliin ang paksa na malapit sa iyong kawilihan o


interes.
2. Piliin ang mga paksang may taglay kang kaalaman o
di kaya’y may nais kang alamin.
3. Isaalang-alang ang maraming teknik sa
pangangalap ng mga ideya bago isulat ang draft.
4. Tiyakin ang target na awdyens para sa iyong sulatin
at lagi itong isaisip habang nagsusulat.
5. Tiyakin din ang layunin sa pagsulat at ano ang
gustong matamo sa sulatin. Magbigay ba ng
impormasyon? Manghikayat at magbigay lugod?
Mangatwiran?
6. Isantabi muna ang mga detalye sa unang draft.
Sikaping mailapat muna sa papel ang lahat ng
iyong mga ideya.
7.Paulit-ulit na basahin ang mga naisulat. Obhetibo
itong basahin na parang hindi ikaw ang sumulat at
isaisip na nakita mo lamang ito sa unang
pagkakataon.
8. Ipabasa sa iba ang iyong isinulat at humingi ng
mga puna o mungkahi.
9. Huwag matakot magdagdag, magbawas o
maglipat ng mga ideya sa iba’t ibang bahagi ng
sulatin.
10. Kapag maayos na ang paglalahad ng mga ideya,
iwasto ang pagbabalarila, bokabularyo, ispeling at
pagbabantas upang makatiyak sa kawastuhan at
kadalisayan ng buong sulatin.
MGA ELEMENTO SA PAGSULAT

A. Ang Tagabasa/Tagapakinig:
Sino ang magbabasa?
Kung agad na matitiyak kung sino ang iyong
tagabasa/tagapakinig, madali kang makabubuo ng
mga palagay kung sino siya, ano ang hindi niya
alam at ano na ang kanyang alam.
Sa isang pagsulat, mahalagang tukuyin agad kung
sino ang iyong mga tagabasa:
mga kamag-aral, ang iyong titser, mga kaibigan,
mga taong hindi mo kilala.

Totoong napakahalaga ng tagabasa sa pagsulat.


Kung agad mong matutukoy kung sino ang target
na tagabasa, madali kang makabubuo ng mga
palagay kung sino siya, ang hindi niya alam at ano
ang kanyang alam tungkol sa paksang susulatin.
Ang mga detalyeng isasama sa isang
sulatin:

1. Anong pagpapaliwanag ang kailangang sulatin


upang maging malinaw ang mga ideya o kaisipang
ilalahad sa target na tagabasa?
2. Paano mo bubuuin ang iyong mga pagpapaliwanag?
Pormal ba o impormal ang magiging tono ng iyong
pagsulat?
3. Gaano ka dapat kaingat sa pagbabaybay,
pagbabantas at wastong gamit ng mga salita?
4. Tandaan na ang isang sulatin ay palaging may
nakalaang tagabasa.

B. Ang Layunin: Bakit ito isusulat?


Isa pang mahalagang bagay na dapat isaisip
habang nagsusulat ay ang dahilan ng pagsulat at
ang layunin kung ano ang gusto mong ipaalam sa
iyong tagabasa.
2 Dahilan sa pagsulat:
a. Upang maipahayag ang niloloob at
nadarama.
b. Upang makipagtalastasan sa ibang tao.
Ang pagbuo ng mga tanong sa sarili gaya ng mga
inilahad sa ibaba ay makatutulong nang malaki sa
pagtiyak ng layunin sa pagsulat.
1. Pinagsisikapan ko bang bigyan ng impormasyon
ang aking tagabasa tungkol sa paksa na hindi niya
alam ngunit naroon ang
- pagkagusto niyang malaman ito?
2. Pinagsisikapan ko bang ipakilala sa aking
tagabasa ang kakaibang paraan ng pagtanaw sa
paksa na hindi pa niya naiisip kahit na sa hinagap
man lamang?
3. Pinagsisikapan ko bang himukin ang aking
tagabasa na makiayon sa mga pananaw na inilahad
sa paksang isinusulat?
4. Pinagsisikapan ko bang ipabatid sa aking
tagabasa na alam ko ang paksang aking isinusulat?
5. Pinagsisikapan ko bang makapagbigay-
kasiyahan sa pamamagitan ng pagsulat ng mga
nakatatawa o nakakaaaliw na mga pahayag?

Ang pagtiyak ng layunin ay isang mahalagang


komponent sa pagsulat. Imposible ang pagsulat
kung wala kang dahilan. Iba-iba din ang layunin sa
pagsulat – magbigay ng impormasyon, magbigay
aliw o lugod, manghikayat.
C. Ang Paksa: Ano ang aking isusulat?
Saan makakukuha ng paksa?
Ang Paksa ay nasa paligid-ligid lamang lalo na
iyong kawili-wili at napapanahong paksa.

Halimbawa:
eroplano mga alagang hayop
paaralan mga popular na awitin
musika programang panradyo
Malawak ang sakop at mahirap talakayin kung
gagawan ng isang sulatin. Ano ang nararapat?
Limitahan ang paksa upang matiyak ang nais
ilahad sa komposisyong isusulat.

Makatutulong din sa paglilimita ng paksa ang


pagtiyak sa tagabasa/tagapakinig at sa layunin sa
pagsulat.
Pag-aralan ang paglilimita ng mga paksa:

alagang hayop Ang pinakasikat na alagang hayop sa


barangay
pagkain Ang pagluluto ng leche flan
basketbol Ang sining ng pagbubuslo ng bola
paaralan Isang araw na pahinga pagkatapos ng
pagsusulit
guro Ang ulirang guro
Ang Wika

Ang wika ay instrumentong ginagamit ng tao sa


pagpapahayag ng kanyang kaisipan at damdamin
maging ito man ay sa paraang pasulat o pasalita.

Ang isang manunulat ay kailangang mayroong kaban


ng wikang maaaring gamitin ayon sa
pangangailangan. Dapat alam niya ang estilo at uri
ng wikang angkop na gamitin sa lahat ng
pagkakataon.
Mahalaga ring bigyang pansin ang konteksto ng
wika. Ang mga salita at mga pangungusap ay
nakalukob sa isang mas malawak na konteksto ng
wika. Sa katunayan, ang konteksto ang tumitiyak
sa pagpapakahulugang ating ikinakapit sa mga ito.

Polysemous – ang tawag sa maraming salita na


nagtataglay ng higit sa isang kahulugan.
Halimbawa : stock – Ang salitang ito ay ginagamit
sa iba’t ibang konteksto ng mga taong kabilang sa
iba’t ibang trabaho o hanap-buhay.

> Sa isang mangangalakal, ang stock ay taglay na


mga paninda o iyong nakaimbak pa sa bodega.
> Sa isang ekonomist, ang stock ay salaping
puhunan ng isang kompanya.
> Sa isang botanist, ang stock ay isang halaman na
kinuhanan ng sangang pananim.
Upang maunawaan ang anumang salita,
kailangang makita ito o marinig sa isang konteksto
sa loob ng isang pangungusap at iba pang salita na
maaaring magbigay hudyat sa maipapakahulugan
dito. Ang kahulugan ng isang pangungusap ay
karaniwan nang nakabatay sa mga pangungusap
na nauna o sumunod dito.
Tagapag-ulat:

Ochea, Maria May


Montecalvo, King Jhay-ar
Moloboco, Justin Egan
Obsequio, Abel

BSIT-1C

You might also like