You are on page 1of 28

Kahulugan, Kalikasan, at

Katangian ng
Akademikong Pagsulat
FILIPINO SA PILING LARANGAN: ARALIN 1
Ano ang “Pagsulat”?

Ano ang kahalagahan nito?

Ano ang akademikong pagsulat?


PAGSULAT

Isang paraan ng pagpapahayag ng pag- iisip, kaalaman at


damdamin ng tao sa pamamagitan ng mga sagisag ng mga
tunog ng mga salita ang pagsulat.
Kakayahan ito ng tao na ipahayag sa paraang palimbag ang
laman kanyang isip at damdamin.
Sa panulat naitatala ang lahat ng bagay ukol sa sibilisasyon at
sa tao.
Ang pagsulat ay tunay na nakakaapekto sa pagkatuto at
sinasabing pagpapakita ng kaalamang natamo ng tao sa
kanyang mga nalilinang na iba pang kasanayan.
Kalikasan ng Pagsulat

Likas sa lahat ng mga manunulat ang maghangad na


mabasa at mapahalagahan ang kanyang isinulat.
Kalikasan ng Pagsulat

Makapagbigay ng impormasyon
makapanghikayat
makapanlibang
Uri ng Pagsulat

Informativ na Pagsulat
Mapanghikayat na Pagsulat
Malikhaing Pagsulat
Informativ na pagsulat

Ang uring ito ng pagsulat ay naghahangad na makapagbigay


ng impormasyon sa mga mambabasa maging ng
makapagpaliwanag. Ang pangunahing pokus ng ganitong uri
ng pagsulat ay ang mismong bagay na pinag-uusapan
Mapanghikayat na pagsulat

Kilala ito sa argumentative na pagsulat at persuasive na


pagsulat na kung saan ang pangunahing naisin ay
makakumbinsi o makumbinsi ang mambabasa ukol sa
kanyang opinion. Layon din ng ganitong uri ng pagsulat na
maimpluwensiyahan ang mambabasa at mabago ang
paniniwala nito pabor sa pinaniniwalaan ng may-akda
Malikhaing pagsulat

Ito ang mga pagsulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng


mga tula, malikhaing kuwento, nobela, dula at iba pang mga
malikhaing akda. Layunin nito ang manlibang, magbigay
inspirasyon, pag-asa at madala ang kanyang mambabasa sa
daigdig ng pantasya, kababalaghan, katotohanan at likhang-
isip lamang.
AKADEMIKONG PAGSULAT
Ang Akademikong Pagsulat

Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang


akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang
mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng
makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.
 Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe.
Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata, at seksiyon
upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at
paliwanag ng mga ito.
Kayarian ng Akademikong Pagsulat

Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay


may simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna
na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng
resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon.
Halimbawa ng Akademikong Pagsulat

Abstrak, • Sintesis
 bionote, • lakbay-sanaysay
synopsis
 talumpati,
• at iba pa.
 panukalang proyekto,
 replektibong sanaysay,
Katangian ng Akademikong
Pagsulat
Katangian ng Akademikong Pagsulat

1.Pormal
2.Obhetibo
3.May Paninindigan
4.May Pananagutan
5.May Kalinawan
1. Pormal

Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi


ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita.
Maliban na lamang kung ang naturang uri ng
pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral.
2. Obhetibo

Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas


ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa
iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang
impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga
ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo et al., 2005).
3. May Paninindigan

Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan


sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang
impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan,
ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang
layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag- aaral.
4. May Pananagutan

Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga


sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon.
Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang
manunulat plagiarism ay isang 0 kasalanang may
takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.
5. May Kalinawan

Ang sulating akademiko ay may paninindigang


sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na
maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at
pagpapahayag sa ang pagsulat ay direktibo at
sistematiko.
Layunin ng Pagsanay ng
Akademikong Pagsulat
1. Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga
impormasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat.

2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng


iba’t ibang uri ng teksto na magagamit sa mga gawain ng
akademikong pagsulat.

3. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag- aaral ayon


sa pananaw ng may-akda kasabay rin ang pag-unawa ng mag-
aaral bilang mambabasa.
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa
tinalakay na paksa ng mga naisagawang pag-aaral.

5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat


ng iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin.

6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na


lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon
ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang
sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng portfolio.
MARAMING SALAMAT

You might also like