You are on page 1of 1

Ang Pagsasa-Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon, Pagda-dub ng

Anime, at Paglaganap ng Wikang Filipino sa Bawat Sulok ng Mundo: Mga Patunay na


“Moog” ng Pagka-Pilipino
Ramilito B. Correa

ABSTRAK

Sa kasalukuyang panahon, karamihan pa rin ng mga Pilipino sa ngayon ay hindi


nakikita ang kahalagahan ng wikang Filipino. Nakasaad sa unang bahagi ng pag-aaral
na ang wikang Filipino ay dapat na pinagyayaman dahil ito ay hindi lamang wikang
naiintindihan ng sambayanan kundi ito ang wikang nananatili sa puso at isip ng mga
Pilipino. Layunin ng papel na talakayin ang malaking epekto ng paggamit ng wikang
Filipino bilang isang matibay na “moog” ng pagka-Pilipino sa taglay nitong
kapangyarihan sa larangan ng telebisyon. Isinigawa ang papel sa pamamagitan ng pag-
aral sa mga pelikula na dayuhan na kung saan isinalin ang wikang banyaga sa wikang
Filipino at pag-aral ng estadistika sa dami ng taong gumagamit ng wikang Filipino sa
iba’t ibang bansa. Ayon sa resulta ng pag-aaral, pinakita na aabot sa milyon-milyong
tao ang gumagamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang bansa. Pinakita rin na mabisa ang
wikang Filipino sa larangan ng telebisyon sapagkat mas naiintindihan ito ng nakararami.
Pinatunayan na ang wikang Filipino ay isang makapangyarihang sandigan ng pagka-
Pilipino kaya dapat lamang na pahalagahan ito.

You might also like