You are on page 1of 11

PAMAGAT

KARANIWANG HANAP-BUHAY NG MGA MUSLIM SA

DINALUPIHAN, BATAAN

Isang Konseptong Pag-aaral na inaharap kay

G. Francis Edward A. Blanco

Guro sa NGEC 0203: Readings in the Philippine History

Bataan Peninsula State University

Abucay,Bataan

_________________________

by:

DEMESA JOHNRHEY C.

MARTIN MOHAMMAD S.

BAUTISTA KURT C.

SABINO JEFFERSON FLOYD S.

FERNANDEZ TROY

SUMANDAL JIRO

ENERO 2023
KARANIWANG HANAP-BUHAY NG MGA MUSLIM SA

DINALUPIHAN, BATAAN

INTRODUKSYON
Ang Islam ay pangalawa sa pinakamalawak at mabilis na bilang ng pagdami sa buong

mundo maging sa ating sariling bansa. Ito ang relihiyon na kinabibilangan ng mga

Muslim at sila ay naniniwala sa tinatawag na monotheistic faith(paniniwalang

mayroong iisang Diyos lamang). Marami sa ating mga Filipino ang hindi gaanong alam

ang lalim ng kultura,paniniwala at pananampalataya ng mga kapatid nating Muslim.

Ang relihiyong Islam ay nangangaral ng

kapayapaan,awa,katarungan,pagtitimpi,pagkakapantaypantay,pagmamahal,pagkatotoo,

kapatawaran,pagtitiis,moralidad,sinseridad at pagiging mabuti. Ang Islam na

ipinahayag kay Muhammad ay ang pagpapatuloy at pinakalundo ng lahat ng mga

naunang relihiyon na ipinahayag at samakatuwid, ay para sa lahat ng panahon at mga

tao. Ang ganitong katayuan ng Islam ay pinatutunayan ng nagliliwanag na mga

katotohanan. Una, wala ng iba pang ipinahayag na Aklat na nananatili pa sa ngayon sa

dating anyo at nilalaman kung paano ito ipinahayag noon. Pangalawa, wala ng iba

pang ipinahayag na relihiyon ang may anumang kaangkinang makapanghihikayat

upang magbigay ng panuntunan sa lahat ng galaw ng pamumuhay ng tao sa lahat ng

panahon. Subali’t ang Islam ay nagtatagubilin sa sangkatauhan sa kabuuan at nag-

aalay ng pangunahing panuntunan na kaakibat ng mga suliranin ng tao. Bukod pa

roon, ito ay nakalampas sa pagsubok ng labing-apat na libong taon at mayroon lahat

ng kakanyahan upang makapagtatag ng huwarang lipunan na naisagawa nga sa ilalim


ng pamumuno ng huling Propetang si Muhammad . Ang Islam ang nagbukas sa

harapan nila ng mga pananaw ng kataasang ispiritwal at karangalan ng tao sa

pamamagitan ng pagbabadya ng kabutihan bilang nag-iisang pamantayan ng

pagpapahalaga at dangal. Ang Islam ang naghubog sa kanilang panglipunan,

pangkultura, moral at pangangalakal na pamumuhay ng may mga pangunahing batas

at prinsipyo na ganap na nalalayon sa kalikasan ng tao at samakatuwid ay naaangkop

sa lahat ng panahon sapagkat ang kalikasan ng tao ay di nagbabago.

Nakalulungkot nga lamang na ang Kanluraning Kristiyano na sa halip na tangkain na

matapat na maunawaan ang kahanga-hangang tagumpay ng Islam sa kanyang mga

naunang panahon ay nag-akala roon  (Islam) bilang isang katunggaling relihiyon. Sa

panahon ng dantaon ng mga Krusada, ang ganitong kalakaran ay nagbigay

kapakinabangan ng maraming lakas at kakayahan at maraming lubhang babasahin

ang ipinalimbag upang halayin ang larawan ng Islam. Subalit ang Islam ay

nagsimulang magladlad ng kanyang pagiging tunay at ganap sa mga makabagong

iskolar na ang mapangahas at makatuturang pagmamasid sa Islam ay nagpabulaang

lahat sa mga paratang na iginawad laban doon (Islam) ng mga tinatawag na walang

kinikilingang Silanganin.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Karamihan sa mga kapatid nating muslim ay makikitang may maliliit na negosyong

ginagawa,, dito sa aming lugar sa Dinalupihan ay makikita mo sila na mayroong tinda

na damit( ukay-ukay), mga cellphone, slippers, mga laruang pambata,cosmetics at iba

pa. Ngunit sa kabila nito ay hindi mawawala sa isipan ng nakakarami na basta Muslim,

sila ay sobrang naiiba sa atin at kadalasan ay biktima sila ng hindi magandang pag -

trato

Ang pagkakaroon ng diskriminasyon nang dahil sa relihiyon na kinabibilangan ay isang

bagay na sa ngayon ay hindi maiwasan sa nakakaraming kapwa Pilipino. Ito ay isang

bagay na hindi natin makokontrol ng biglaan pero mauunti-unti sa pamamagitan ng

malawakang impormasyon at sumang-guni sa lihitimong miyembro ng Islam para ng

sag anon ay makuha lamang ang tamang impormasyon na kailangan at hindi maligaw sa

katotohanan. Ang diskriminasyon batay sa relihiyon ay nauugnay sa hindi kanais-nais

na pagturing sa isang tao (aplikante o empleyado) dahil sa kanyang pananampalataya.

Hindi lang ang mga taong nabibilang sa mga tradisyonal at organisadong relihiyon gaya

ng Budismo, Kristiyanismo, Hinduismo, Islam, at Hudaismo ang pinoprotektahan ng


batas, pinoprotektahan din nito ang mga taong tapat na sumusunod sa kanilang

pananampalataya o sa mga prinsipyo ng etika o moralidad.

Ang diskriminasyon batay sa relihiyon ay maaari ding maugnay sa sa pagturing sa isang

tao sa ibang paraan dahil ang taong iyon ay kasal (o nauugnay) sa indibidwal na may

partikular na relihiyon.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga suliranin na nararanasan/kinakaharap nila

at nakaka apekto sa kanilang mga hanapbuhay:

1. Maling impormasyon tungkol sa kanila na nagreresulta sa hindi magandang pag

tingin tungkol sa kanila.

2. Mayayabang

3. Terorista

Ito ay ilan lamang sa mga aspeto na nakaka apekto sa kanilng hanapbuhay at pang araw

araw na pamumuhay ditto sa ating bansa.

Bakit masama ang tingin ng karamihan sa mga Muslim?


Kapag tayo'y nakakaring na ang isang tao ay Muslim, nag-iiba agad ang ating

pakiramdam. Pinaghihinalaan agad natin ang taong iyon ay matapang, masama,

mamatay tao at nakadikit sa terorismo. Ngunit hindi lahat ng mga muslim ay ganito.

Sila rin ay tulad natin, iba nga lang ang kanilang paniniwala. Ang mga Muslim ay di

lahat masasama.

KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang kahalagahan ng pag aaral na ito ay upang maimulat ang karamihan sa atin an hindi

lahat ng muslim ay masama, na sila ay kagaya lamanng din natin na nakakaraos sa pang

araw araw. Ang kanilang negosyo dapat pa din na tangkilikin at alisin sa isip ang mga

masasamang inpormasyon na nakarating satin dahil hindi lahat ay tama.

Diskriminasyon Batay sa Relihiyon

Ang diskriminasyon batay sa relihiyon ay nauugnay sa hindi kanais-nais na pagturing sa

isang tao (aplikante o empleyado) dahil sa kanyang pananampalataya. Hindi lang ang

mga taong nabibilang sa mga tradisyonal at organisadong relihiyon gaya ng Budismo,

Kristiyanismo, Hinduismo, Islam, at Hudaismo ang pinoprotektahan ng batas,

pinoprotektahan din nito ang mga taong tapat na sumusunod sa kanilang

pananampalataya o sa mga prinsipyo ng etika o moralidad.


Ang diskriminasyon batay sa relihiyon ay maaari ding maugnay sa sa pagturing sa isang

tao sa ibang paraan dahil ang taong iyon ay kasal (o nauugnay) sa indibidwal na may

partikular na relihiyon.

Sa kabila ng lahat ng ito,, mahalaga na malaman ang karapatan ng isang Muslim sa

sariling hanapbuhay man o mamasukan sa isang kumpanya, ang mga sumusunod ay

mga batayan para sa patas na employment sa mga muslim at iba pang relihiyon:

Diskriminasyon Batay sa Relihiyon at Mga Polisiya/Kagawian sa

Pagtatrabaho

Hindi maaaring pilitin ang isang empleyado na lumahok (o hindi lumahok) sa isang

panrelihiyong aktibidad bilang kundisyon ng pagtatrabaho.

Diskriminasyon Batay sa Relihiyon at Panghaharas

Ilegal na mangharas ng tao dahil sa kanyang relihiyon.

Maaaring kabilang sa panghaharas, halimbawa, ang mga nakakapanakit na komento

tungkol sa pananampalataya o kaugalian ng isang tao. Bagaman hindi ipinagbabawal ng

batas ang simpleng panunukso, mga hindi inaasahang komento, o mga natatanging
pangyayaring hindi gaanong nakababahala, ilegal ang panghaharas kapag lumikha ang

pagiging madalas o malala nito ng mapanganib o mapanakit na lugar ng trabaho o

kapag nagresulta ito sa isang hindi magandang desisyon sa trabaho (tulad ng

pagkasisante o pagka-demote ng biktima).

Maaaring ang nanghaharas ay ang supervisor ng biktima, isang supervisor sa ibang

area, isang katrabaho, o isang taong hindi empleyado ng employer, tulad ng kliyente o

customer.

Diskriminasyon Batay sa Relihiyon at Segregasyon

Ipinagbabawal din ng Title VII ang segregasyon sa lugar ng trabaho o sa pagtatakda ng

trabaho batay sa relihiyon (kabilang ang mga panrelihiyong kaugaliang nauugnay sa

pananamit at grooming), gaya ng pagtatakda ng empleyado sa posisyong hindi

kailangang makipag-ugnayan sa customer dahil sa aktwal o ipinapangambang

kagustuhan ng customer.

Diskriminasyon Batay sa Relihiyon at Makatuwirang Tulong at Hindi

Makatuwirang Paghihirap
Hindi kailangan ng employer na magbigay ng tulong para sa mga pananampalataya o

panrelihiyong kaugalian ng empleyado kung ang pagbibigay nito ay magdudulot ng

hindi makatuwirang paghihirap sa employer. Maaaring magdulot ng hindi

makatuwirang paghihirap ang isang tulong kung ito ay magastos, nagkokompromiso sa

kaligtasan ng lugar ng trabaho, may negatibong epekto sa kahusayan sa lugar ng

trabaho, lumalabag sa mga karapatan ng iba pang empleyado, o humihingi sa iba pang

empleyado na gumawa nang higit pa sa inaasahang trabaho na posibleng mapanganib o

nakakapagod.

Diskriminasyon Batay sa Relihiyon at Mga Sitwasyon sa Trabaho

Ipinagbabawal ng batas ang diskriminasyon pagdating sa anumang aspeto ng

pagtatrabaho, kabilang ang pag-hire, pagsisisante, pagpapasahod, mga pagtatalaga ng

trabaho, mga promotion, pagtatanggal ng empleyado, pagsasanay, mga karagdagang

benepisyo ng empleyado, at anupamang tuntunin o kundisyon ng trabaho.

SANGGUNIAN:

https://www.ipl.org/essay/Why-Islam-Spread-Essay-PKNGS536CED6
https://pdfcoffee.com/e-10-pdf-free.html

https://islamhouse.com/read/tl/ang-sinasabi-nila-tungkol-sa-islam-2815445

https://www.eeoc.gov/fil/diskriminasyon-batay-sa-relihiyon

http://diaryongtagalog.blogspot.com/2007/06/bakit-masama-ang-tingin-ng-

karamihan-sa.html

You might also like