You are on page 1of 17

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 3- Heograpiyang Pantao:
RELIHIYON AT PANGKAT-ETNIKO

Naikonseptwalisa ni
Princess M. Estrada
DSOSMNHS
Modyul 3-Heograpiyang Pantao:
RELIHIYON at PANGKAT-ETNIKO
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang
kapaligiran na nagbigay daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na
nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Pamantayang Pangkasanayan

Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga relihiyon, bansa at mamamayan sa


daigdig (lahi, pangkat-etnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig.

Kakayahan:

Nakikilala ang pangunahing relihiyon at pangkat-etniko sa daigdig.


Paksa/ Subject
Code
Pangunahing Relihiyon at Pangkat-Etniko sa Daigdig/ (AP8HSK-Ie-5)

Subukin

Kumusta mga mag-aaral! Nandito na naman ako, ang inyong tagapaglingkod at


makakasama ninyo sa paglalakbay sa mga modyul sa unang markahan.

Bago natin umpisahan ang pagtatalakay sa Modyul 3, sagutin muna natin ang mga
katanungan sa Paunang Pagsusulit o Subukin. Ito ay isang hindi markadong pagsusulit
subalit ginagamit ito upang matukoy ang iyong kaalaman. Hindi kinakailangang
hanapin ang tamang sagot ngunit dapat sagutin mo ang lahat ng mga tanong.

1. Ano kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga taong iisa ang
kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos?
A. heograpiyang pantao B. lahi C. relihiyon D. wika

2|Page
2. Isang pangkat-etniko na nagmula sa Arabian Peninsula at may wikang Arabic.
A. Amish B. Arabs C. Inuits D. Mestizos
3. Anong pangkat-etniko ang nakatira sa pagitan ng Alaska at Siberia? Sila ay mga
jjhmangingisda at mangangaso na nauugnay sa mga Eskimos.
A. Aleut B. Bushmen C. Maoris D. Pygmies
4. Ang pangkat na ito ay mga katutubong mangangaso at nangangalap ng pagkain sa
ng Australia. Anong pangkat-etniko ito na unang naninirahan sa nasabing kontinente?
A. Aborigines B. Basques C. Inuits D. Mestizos
5. Namumuhay sila nang simple, na umaayon sa isang mahigpit na patakaran o kodigo
(code) ng relihiyon nang walang kuryente o kahit anong de-motor na kagamitan. Alin sa
mga sususunod na pangkat-etniko ang tinutukoy dito?
A. Amish B. Arabs C. Maoris D. Pygmies
6. Anong salita ang nagmula sa salitang Greek na ethnos kung saan pinag-uugnay ng
magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika at relihiyon?
A. etniko B. lahi C. nasyonalidad D. wika
7. Nakatira ang kanilang pangkat sa mga Pyrenees Mountains sa pagitan ng Spain at
France. Ang kanilang wika ay natatangi at walang kaugnayan sa iba pa sa mundo.
A. Aborigines B. Basques C. Inuits D. Pygmies
8. Ang pangkat-etniko ay iniuugnay na ngayon sa legal na relasyon ng isang indibidwal
na tao at isang estado. Ano ang relasyon na tinututukoy nito?
A. human rights B. etnisidad C. nasyonalidad D. relihiyon
9. Alin sa sumusunod na pangkat-etniko na primitibong nomadiko ang nakatira sa mga
gilid ng Kalahari Desert?
A. Arabs B. Bushmen C. Maoris D. Mestizos
10. Ang tribong ito ay nanggaling sa Democratic Republic of Congo, Africa na isang
mapayapang pangkat ng mangangaso at nangangalap ng pagkain. Anong pangkat ang
tinutukoy na naninirahan din sa mga rainforest ng India at Pilipinas?
A. Amish B. Inuits C. Maoris D. Pygmies
11. Paano narating ng mga Maoris ang New Zealand?
A. Naglakad sila noong Pangaea pa ang kontinente.
B. Sumakay sila sa kabayo mula Polynesia.
C. Naglakbay sila gamit ang canoe.
D. Tinawid nila ang ilog sa pamamagitan ng paglangoy.
12. Ang mga Pygmies ay nagmula sa Democratic of Congo ngunit umabot ang kanilang
pangkat sa anong mga bansa sa Asya?
A. Cambodia at Myanmar
B. India at Pilipinas
C. Indonesia at Pilipinas
D. Malaysia at Singapore
13. Isa sa mga positibong epekto ng relihiyon ay ang pagtuturo sa kahalagahan ng
pagbabahagi. Mayroon din itong negatibong epekto tulad ng iniaasa na lamang ng tao
ang kaniyang kabuhayan dito maliban sa ______________.
A. Pagsusugal at umasa sa swerte.
B. Pagtaya ng lotto araw-araw.
C. Namamalimos sa kalye o paghingi ng donasyon.
D. Pagsusumikap na makakuha ng scholarship grant para sa pagkokolehiyo.

3|Page
14. Napagbuklod-buklod ng relihiyon ang mga tao. Paano naisulong ang pagkakaisa?
A. Sa pamamagitan ng malakas na pananampalataya.
B. Nagbigay ang relihiyon ng pakiramdam sa tao na mapabilang sa isang
komunidad.
C. Dahil sa pagkakaroon ng magkakatulad na paniniwala at pananaw ay mas
naging madala ang pagkakaintindihan.
D. Lahat ng nabanggit.
15. Ang mga Amish ay nakatira sa kanayunan ng America. Paano sila namumuhay ng
simple?
A. Ang kanilang kasuotan ay yari sa balat ng hayop.
B. Sila ay nakatira sa kubo na gawa sa kahoy at dahon.
C. Hindi sila gumagamit ng kuryente o kahit anong de-motor na kagamitan.
D. Lahat ng nabanggit.

4|Page
Aralin
Heograpiyang Pantao: RELIHIYON
1

Alamin
Magandang buhay mga mag-aaral! Magiliw na pagbati sa bagong kaalamang
matututunan tungkol sa heograpiyang pantao: Relihiyon. Upang magkaroon ng mas
komprehensibong pagkatuto inaasahan na nasusuri natin ang mga sumusunod;
A. Nasusuri ang heograpiyang pantao na sumasaklaw sa relihiyon;
B. Natutukoy ang impluwensiya ng relihiyon sa daigdig; at
C. Napahahalagahan ang impluwensya ng relihiyon bilang gabay sa
pamumuhay.

Panimulang Gawain
1. Ano ang nakikita mo sa
larawan?
2. Tungkol saan kaya ang ating
paksa?
3. Paano ito nakakaapekto sa
ating pamumuhay?

Tuklasin at Suriin

Noong ikaw ay nasa ikapitong baitang at nag-aaral ng Kasaysayan ng Asya, natalakay


na ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig kabilang na ang Kristiyanismo, Islam,
Budismo, Hinduismo, at Judaismo na umusbong sa Asya. Kung kaya’t ang pag-
uusapan naman natin ngayon ay ang epekto ng mga relihiyon sa lipunan. Matatalakay
din natin sa araling ito ang iba’t-ibang pangkat-etniko sa daigdig.

Napakalaki ng impluwensiya ng relihiyon o pananampalataya ng mga tao sa isang


bansa hindi lamang sa paniniwala at saloobin ng tagasunod. Sumasaklaw ang
impluwensiya nito sa pamahalaan, kabuhayan, teknolohiya, edukasyon, at sining.

5|Page
Ano nga ba ang kahulugan ng relihiyon at gaano kalaki ang impluwensiya nito sa
pamumuhay ng tao? Ang relihiyon ay nagmula sa salitang latin na religare na ang
ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalik loob. Mabibigyang kahulugan ang relihiyon
bilang kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga taong iisa ang
kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Dahil sa mga paniniwalang
nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, nagiging batayan o gabay ito sa pagkilos ng
tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-
iral ng mga kultura. Naging malaking salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga
kaharian.

EPEKTO NG RELIHIYON SA LIPUNAN


Positibo Negatibo
Charitable Giving (kawanggawa) Mendicancy (pamamalimos)

▪ nagtuturo sa kahalagahan ng ▪ namamalimos kahit pa may


pagbabahagi upang kakayahan ang katawan at puwede
makatanggap ng maraming namang magtrabaho ngunit mas
mga pagpapala at biyaya ginustong manghingi
upang patuloy na ▪ Ang kabuhayan ay iniasa lamang sa
mapaglilingkuran ang ating biyaya ng Diyos.
kapwa
Itinataguyod ang Etika sa Buhay Naghahangad ng Kapangyarihan ang
Pampulitika Relihiyon

▪ ang relihiyon ay nagbibigay- ▪ upang mabuhay at mapalago ang


diin na ang lahat ng tao ay isang relihiyon, hinahangad nila na
pantay-pantay sa harap ng makabuo ng kapangyarihan
Diyos. Ito ang prinsipyo na (impluwensiyang politikal) at
nagbigay inspirasyon sa ilang kayamanan (pamamahala ng mga
relihiyong repormador na negosyo tulad ng paaralan at
mangampanya laban korporasyon)
kawalan ng katarungan.

Pinagbubuklod ng Relihiyon ang Nagdudulot ng Pagka-watakwak dahil sa


mga Tao sa Pamayanan Pagkakaiba ng Paniniwala

▪ nagbibigay ito ng ▪ May mga relihiyon na nagsasabing ang


pakiramdam sa tao na kanilang ideolohiya o paniniwala ang
mapabilang sa isang natatanging batayan ng
komunidad dahil sa makatotohanang pananampalataya.
pakakaroon ng Ito ay humantong sa pagkamuhi,
magkakatulad na paniniwala kapootang panlahi, at lahat ng uri ng
at pananaw. karahasan kabilang na ang digmaan
▪ naisusulong ang pagkakaisa sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sa
sa pamayanan kasalukuyan, ang alitan sa pagitan ng
mga kristiyano at muslim ay hindi
matapos-tapos.

6|Page
Isaisip
Mga gabay na tanong. Sagutin ang mga sumusunod sa sagutang papel.
1. Ang relihiyon ay hango sa salitang latin na religare na nangangahulugang
pagbubuklod at pagbabalik loob. Ano para sa iyo ang ibig sabihin ng relihiyon?
2. Ano-ano ang impluwensiya o epekto ng relihiyon sa lipunan?
3. May impluwensiya ba ang espiritwal na paniniwala o rehiliyon sa iyong pang-araw-
araw na pamumuhay? Ipaliwanag.
4. Paano mo pahahalagahan ang mga impluwensyang dulot ng iyong relihiyon para sa
tuwid at mapayapang pamumuhay?

Isagawa o Pagyamanin
Batas ng Bayan, Alamin!
Sa bahaging ito, isalin natin ang bagong kaalaman o kasanayan sa realidad ng buhay.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Ano ang nilalaman ng batas?
Presidential Decree No. 1563 o "Mendicancy
Law of 1978" kung saan ipinagbabawal ang mga Para saan ito?
sumusunod:
Ano-ano ang kabutihang
• Ang namamalimos sa lansangan at
maging ang nagbibigay ng limos. dulot ng batas?

• Panghihingi o pag-solicit ng mga charitable Ano ang reaksyon mo sa


donations para sa mga mahihirap at iba isyung panlipunan na ito?
pang religious organizations sa kalsada.

7|Page
Aralin
Heograpiyang Pantao: PANGKAT-ETNIKO
2

Alamin

Magandang buhay mga mag-aaral! Magiliw na pagbati sa bagong kaalamang


matututunan tungkol sa heograpiyang pantao: Pangkat-etniko. Upang magkaroon ng
mas komprehensibong pagkatuto inaasahan na nasusuri natin ang mga sumusunod;

A. Nasusuri ang heograpiyang pantao na sumasaklaw sa mga pangkat-etniko sa


daigdig;
B. Nakikilala ang iba’t-ibang pangkat-etniko sa daigdig; at
C. Naipapakita ang tamang saloobin at pagrespeto sa mga pangkat-etniko na may
iba’t-ibang paniniwala, kaugalian at pamumuhay.

Balikan

Panuto: Buuin ang konsepto sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga katangian


sa bawat uri ng lahi.

Lahi Paglalarawan Katangian


Kulay ng balat
Uri at kulay ng
buhok

▪ Mongoloid Hugis ng
katawan, ulo,
at mukha
Hugis at kulay
ng mata
Kulay ng balat

▪ Caucasoid Uri at kulay ng


buhok
Hugis ng
katawan, ulo,
at mukha

Hugis at kulay
ng mata

8|Page
Kulay ng Balat

▪ Negroid Uri at kulay ng


buhok
Hugis ng
katawan, ulo,
at mukha
Hugis at kulay
ng mata

Tuklasin at Suriin

Napag-usapan natin sa Modyul 2 ang tungkol sa lahi (tumutukoy ito sa pisikal


o bayolohikal na katangian ng isang pangkat) at wika (pagkakilanlan o identidad
ng taong kabilang sa isang pangkat). Sa pagkakataong ito, pag-aaralan natin
ang pangkat-etniko. Ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na
ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-
etniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika,
relihiyon kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling
pagkakakilanlan. Ang etnisidad o pangkat-etniko na kinabibilangan ay
pinagdedesisyonan o pinipili ng isang indibidwal o ng grupo kung saan siya
kabilang. Dito nakabatay ang mga paniniwala at kultura na isasabuhay.

Sa kasalukuyan ang pangkat-etniko ay iniuugnay na sa nasyonalidad ng isang


tao dahil sa migrasyon o paglipat ng paninirahan ng tao mula sa isang pook
papunta sa ibang lugar. Ang nasyonalidad ay isang legal na relasyon sa pagitan
ng isang indibidwal na tao at isang estado. Ito ay nauukol sa kinabibilangang
bansa ng isang mamamayan. Kung saang bansa siya ipinanganak, ito ang
magtatakda ng kanyang nasyonalidad.

Kilalanin natin ang iba’t-ibang pangkat-etniko sa daigdig at tukuyin ang


kanilang pisikal na katangian (base sa mga larawan), uri ng pamumuhay at
pinagmulan. Binibigyang-diin sa aralin na ito ang pagpapahalaga sa
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga katangian.

9|Page
Talahanayan: Iba’t-ibang Pangkat-Etniko sa Daigdig
Aborigines – Ang pangkat na ito ay
mga katutubong mangangaso at
nangangalap ng pagkain (food
gatherers) ng Australia. Sila din ang
unang naninirahan sa nasabing
kontinente.

Pinagkunan:
https://anthropologynet.files.wordpress.com/2016/09
/aboriginal-culture-and-dancing.jpg?w=736

Aleut – Ang pangkat na ito ay nakatira


sa pagitan ng Alaska at Siberia. Sila
ay mga mangingisda at mangangaso
na nauugnay sa mga Eskimos.

Pinagkunan:
https://www.pinterest.ph/pin/65513369552802048/

Amish – Ang mga Amish ay nakatira


sa kanayunan ng America.
Namumuhay sila nang simple, na
umaayon sa isang mahigpit na
patakaran o code ng relihiyon nang
walang kuryente o kahit anong de-
motor na kagamitan.

Pinagkunan:
https://diletant.media/articles/30188111/

Arabs – Sila ay nagmula sa Arabian


Peninsula. Sa kasalukuyan, ang
sinumang nagsasalita ng wikang
Arabic ay maituturing na isang Arabo.

Pinagkunan:
https://www.pinterest.ph/pin/528680443728236022/

10 | P a g e
Basques – Nakatira ang kanilang
pangkat sa mga Pyrenees Mountains
sa pagitan ng Spain at France. Ang
kanilang wika ay natatangi at walang
kaugnayan sa iba pa sa mundo.

Pinagkunan:
https://ethnipedia.fandom.com/wiki/Basques

Bushmen – Isang primitibong nomadiko


na nakatira sa mga gilid ng Kalahari
Desert sa Namibia, Botswana at South
Africa. Sila ay gumagala sa disyerto upang
maghanap ng mga berry, ugat at hayop.

Pinagkunan:
https://www.alamy.com/stock-photo-bushman-
family-with-children-in-the-village-namibia-
15347573.html

Inuits – Ang Eskimo ay ang European na


pangalan ng mga Inuits. Sila ay nakatira
sa mga baybayin sa hilagang bahagi ng
North America at Siberia. Sila ay
kalimitang ipinakikilala na nakatira sa ice
igloos ngunit sa katunayan ay bihira
lamang ito.
Pinagkunan:
https://www.gettyimages.com/photos/eskimo-
igloo?mediatype=photography&phrase=eskimo%20igl
oo&sort=mostpopular

Mestizos – Ang mga mestizos ay mga


Latin American na karaniwang
ipinanganak na may halong European
at Native American.

Pinagkunan:
https://www.pinterest.ph/pin/355854808030284207/
visual-search/

11 | P a g e
Maoris – Ang mga unang naninirahan
sa New Zealand. Sinasabi na sila ay
maaring naglakbay doon sa
pamamagitan ng canoe mula sa
Polynesia.

Pinagkunan:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:New_Zealan
d_-_Maori_rowing_-_8452.jpg

Pygmies – Ang tribong Pygmy ng


Democratic Republic of Congo, Africa
ay isang mapayapa na pangkat ng
mangangaso at food gatherer. May
mga tribong Pygmy ang naninirahan
sa mga rain forest ng India at
Pilipinas.

Pinagkunan:
http://middle-africa.com/the-baka-pygmies-lobekes-
protectors/

Isaisip
Ang mga miyembro ng (1)_________________ ay pinag-uugnay ng magkakatulad na
kultura, pinagmulan, wika, at (2)_______________. Sa kasalukuyan ang pangkat-etniko
ay iniuugnay na sa (3)______________ ng isang tao dahil sa migrasyon o paglipat ng
paninirahan ng tao mula sa isang pook papunta sa ibang lugar. Ang nasyonalidad ay
isang (4)_____________ na relasyon sa pagitan ng isang indibidwal na tao at isang
estado. Ang aking nasyonalidad ay (5)_______________ dahil sa Pilipinas ako
ipinanganak.

12 | P a g e
Isagawa o Pagyamanin

Crossword Puzzle!
Panuto: Buuin ang puzzle tungkol sa mga pangkat-etniko sa daigdig sa
pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang.

Pababa:
1. Sila ay nakatira sa mga baybayin sa hilagang bahagi ng North America at Siberia na
ipinakikilala na nakatira sa igloos.
2. Mga Latin American na karaniwang ipinanganak na halong European at Native
American.
5. Isang primitibong nomadiko na nakatira Congo, Africa at Pilipinas.
6. Sila ang mga unang naninirahan sa New Zealand. Sinasabi na sila ay maaaring
naglakbay mula sa Polynesia.
8. Ang pangkat na ito ay nakatira sa pagitan ng Alaska at Siberia. Sila ay mga
mangingisda at mangangaso

Pahalang:
3. Nakatira ang kanilang pangkat sa mga Pyrenees Mountains sa pagitan ng Spain at
France.
4. Isang primitibong nomadiko na nakatira sa mga gilid ng Kalahari Desert sa Namibia,
Botswana at South Africa.

13 | P a g e
7. Sila ay nagmula sa Arabian Peninsula na nagsasalita ng wikang Arabic.
8. Namumuhay sila nang simple na umaayon sa isang mahigpit na patakaran o code
ng relihiyon.
9. Ang pangkat na ito ay mga katutubong mangangaso at nangangalap ng pagkain
(food gatherers) ng Australia.

Tayahin

PANUTO: Basahin ang mga katanungan at isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa paglipat ng tao mula sa isang pook papunta sa ibang lugar?
A. nasyonalidad B. migrasyon C. transportasyon D. relihiyon
2. Alin sa sumusunod ang nangangahulugang “mamamayan” kung saan ang mga
miyembro nito ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika,
relihiyon kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan?
A. lahi B. pangkat-etniko C. relihiyon D. wika
3. Ang pangkat-etniko na ito ay mas kilala sa pangalang Eskimo na kalimitang
ipinakilala na nakatira sa ice igloos?
A. Inuits B. Maoris C. Mestizos D. Pygmies
4. Alin sa mga pangkat-etniko ang unang naninirahan sa New Zealand at sinasabing
naglakbay sa pamamagitan ng canoe mula Polynesia?
A. Aborigines B. Basques C. Maoris D. Mestizos
5. Namumuhay sila nang simple, na umaayon sa isang mahigpit na patakaran o code
ng relihiyon nang walang kuryente o kahit anong de-motor na kagamitan.
A. Amish B. Arabs C. Maoris D. Pygmies
6. Ano ang batas na nagbabawal ng pagmamalimos at pagbibigay ng limos dito sa
Pilipinas?
A. Anti-Medicancy B. Anti-Trafficking C. Anti-Terrorism D. charity
7. Ang tribong ito ay nanggaling sa Democratic Republic of Congo, Africa ay isang
mapayapa na pangkat ng mangangaso at food gatherer. May naninirahan sa mga rain
forest ng India at Pilipinas.
A. Amish B. Inuits C. Maoris D. Pygmies
8. Alin sa sumusunod na pangkat-etniko na primitibong nomadiko ang nakatira sa mga
gilid ng Kalahari Desert?
A. Arabs B. Bushmen C. Mestizos D.Maoris
9. Ang pangkat-etniko ay iniuugnay na ngayon sa legal na relasyon ng isang indibidwal
na tao at isang estado. Ano ang relasyon na tinututukoy nito?
A. human rights B. etnisidad C. nasyonalidad D. relihiyon
10. Anong pangkat nag nakatira ang kanilang pangkat sa mga Pyrenees Mountains sa
pagitan ng Spain at France? Ang kanilang wika ay sinasabing natatangi at walang
kaugnayan sa iba pa sa mundo.
A. Aborigines B. Basques C. Inuits D.Pygmies

14 | P a g e
11. Ang mga Amish ay nakatira sa kanayunan ng America. Paano sila namumuhay ng
simple?
A. Ang kanilang kasuotan ay yari sa balat ng hayop.
B. Sila ay nakatira sa kubo na gawa sa kahoy at dahon.
C. Hindi sila gumagamit ng kuryente o kahit anong de-motor na kagamitan.
D. Lahat ng nabanggit.
12. Paano ka tutulong sa mga batang namamalimos sa kalsada?
A. Magbigay ng kaunting barya pangkain.
B. Bumili ng pagkain at ibigay ito sa mga bata.
C. E-trace kung sino ang mga pabayang magulang at isumbong sa awtoridad.
D. Lahat ng nabanggit
13. Isa sa mga positibong epekto ng relihiyon ang nagtuturo sa kahalagahan ng
pagbabahagi. Ngunit mayroon din itong negatibong epekto tulad ng inaasa sa biyaya ng
Diyos ang kabuhayan. Anong gawain ng tao ang tinutukoy nito?
A. Pagsusugal at umasa sa swerte.
B. Pagtaya ng lotto araw-araw.
C. Namamalimos sa kalye o paghingi ng donasyon.
D. Umasa sa mga magulang o kahit sinong meyembro ng pamilya na nakaka-
angat.
14. Ang mga Pygmies ay nagmula sa Democratic of Congo ngunit umabot ang kanilang
pangkat sa anong mga bansa sa Asya?
A. Cambodia at Myanmar
B. India at Pilipinas
C. Indonesia at Pilipinas
D. Malaysia at Singapore
15. Paano narating ng mga Maoris ang New Zealand?
A. Naglakad sila noong Pangaea pa ang kontinente.
B. Sumakay sila sa kabayo mula Polynesia.
C. Naglakbay sila gamit ang canoe.
D. Tinawid nila ang ilog sa pamamagitan ng paglangoy

Karagdagang Gawain
What’s up! Mula sa paksang Heograpiyang Pantao: Pangkat-Etniko,
gumupit ng isang artikulo o newspaper clip na tumalakay sa isyung may kinalaman sa
relihiyon, paniniwala, kaugalian o kultura ng mga pangkat-etniko at ibigay mo ang
iyong saloobin dito o katayuan.

Rubric sa Pagmamarka ng Reaksyon tungkol sa Isyu


Pamantayan Paglalarawan Puntos
Nilalaman Mahusay na naipapaliwanag ang reaksyon 12
tungkol sa isyung may kinalaman sa heograpiyang
pantao

15 | P a g e
Teknikal na Wasto ang paggamit ng mga bantas at baybay
Pagbuo ng ng mga salita, at maayos ang mga bahagi ng
Sanaysay sanaysay. 8
Anyo at Malinis at maayos ang pagkakasulat; 5
Disenyo naglalagay ng malilikhaing bagay at simbolo;
Kabuuan 25

Sanggunian
Aklat
Kasaysayan Ng Daigdig, Vibal Group Inc. (2014)
http://www.lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_01__HEGRAPIYA_NG_DAIGDIG.PDF

Additional Readings and Links


https://www.slideshare.net/olhen/deepen-heograpiyang-pantao
https://www.slideshare.net/jonnel4545/heograpiyang-pantao-51257395
https://www.slideshare.net/icgamatero/mga-pangunahing-relihiyonsabuongmundo
https://pt.slideshare.net/NorlynTraje/positive-and-negative-effects-of-religion-65528625/9
https://medium.com/illumination/positive-and-negative-effects-of-religion-7ec841feef07
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/11/08/1966943/wag-magbigay-ng-limos-
sa-mga-bata-pulubi-sa-kalsada-dswd
https://www.monkprayogshala.in/blog/2016/5/15/how-religion-influences-behaviour-1

Susi sa Pagwawasto

4. legal 8. Pababa - Aleut Bushmen 4.


3.nasyonalidad 7. Arabs Basques 3.
2.relihiyon 6. Maoris 9. Aborigines Mestizos 2.
1.Pangkat-etniko 5. Filipino 5.Pygmies 8. Pahalang - Amish Inuits 1.
Isaisip
Module 2 - Aralin 2 Isagawa

16 | P a g e
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

17 | P a g e

You might also like