You are on page 1of 16

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Heograpiyang Pantao: Relihiyon

i
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Heograpiyang Pantao: Relihiyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gemma F. Depositario, Ed.D
Editor: Ma. June P. Villegas & Vida T. Cabristante
Tagasuri: Divina S. Medez
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD, PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Joelyza M. Arcilla, EdD
Marcelo K. Palispis, EdD
Carmelita A. Alcala, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

ii
Alamin

Sa modyul na ito ay malalaman ang mga relihiyon na umiiral sa daigdig.


Tatalakayin din ang bawat pamamaraan, katuruan ng mga relihiyong ito upang higit
mong maunawaan ang kahalagahan nito.

Sa araling ito, inaaasahang:

Most Essential Learning Competency

Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at


mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat- etnolingguwistiko, at
relihiyon sa daigdig) AP8HSK-Ie-5

1. Natutukoy at nasusuri ang limang malalaking relihiyon sa daigdig;


2. Nakabubuo ng isang gawain tungkol sa iba’t ibang uri ng simbahan o pook-
dasalan.

3. Napahalagahan ang magandang naihatid sa pag-aaral ng relihiyon

Subukin

Panuto: Basahin at suriin nang mabuti ang bawat aytem. Piliin ang tamang sagot at isulat ito
sa inyong kwaderno. Titik lamang ang isulat.

1. Ito ay ang pinakamalaki at pinakamalaganap na relihiyon sa buong mundo.


a. Islam b. Kristiyanismo c. Hinduismo d. Judaismo
2. Ang kinilalang batayan ng pagkilos ng tao sa kanyang pag-araw-araw na pamumuhay.
a. wika b. lahi c. pangkat d. relihiyon
3. Ang mga Kristiyano ay sumusunod sa aral ni _________?
a. Hesukristo b. Mohammed c. Brahma d. Buddha
4. Ang tanging relihiyon na umiwas sa dogma (Paniniwala o pananalig na dinidikta ng may
posisyon, na tinatanggap bilang katotohanan).
a. Budismo b. Judaismo c. Hinduismo d. Kristiyanismo
5. Ang kanilang bathalang si Brahman ng mga Hindu ay kilala sa tatlong katauhan: Alin ang
HINDI kasama?

1
a. Caste b. Vishnu c. Brahma d. Shiva
6. Ang Abrahamikong relihiyon na kinabibilangan din ng mga Kristiyanismo at relihiyon ng
mga Hudyo.
a. Islam b. Budismo c. Judaismo d. Kristiyanismo
7. Ano ang pinakabata na relihiyon sa buong mundo?
a. Islam b. Judaismo c. Hinduismo d. Budismo
8. Ang ibig sabihin ng salitang ito na “The Enlightened One” o ang nakakakita sa
katotohanan”.
a. Buddha b. Allah c. Brahma d. Ramadan
9. Naging malaking salik sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian at pagkasawi ng
maraming buhay. Ano ito?
a. kasaysayan b. relihiyon c. wika d. ritwal
10. Maibubuod sa dalawang utos ang turo ni Hesus na “Mahalin mo ang Diyos ng higit sa
lahat” at “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili”. Sa
anong pananampalataya sinusunod ito?
a. Hinduismo b. Judaismo c. Kristiyanismo d. Buddhismo

Balikan

Pagkatapos ninyong masagot ang paunang pasulit, ngayon, sagutin naman ninyo ang
gawain sa ibaba.

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita sa pamamagitan ng pagsasaayos ng


mga titik sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. AWIK Itinuturing ito na kaluluwa ng isang kultura.

2. TROAUSNASEIN Ang pamilya ng wika na pinag-uugatan ng Pilipinas.

Ang pamilya ng wika na may 5.81% na gumagamit.


3. FORA - ASAICIT

Ito ay kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang


4. LREIIHOYN
pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang
makapangyarihang nilalang o Diyos.

Ang pamilya ng wika na pinag-uugatan ng wika sa


5. SONI - TANIBET
Bangladesh, Bhutan, China, Laos, Myanmar at iba pa.

2
Tuklasin

Panuto: Tingnan at suriing mabuti ang mga larawan na yong nakikita.

https://tinyurl.com/y6b24bb3 https://tinyurl.com/y5nddw2o

https://tinyurl.com/y3xkcw94 https://tinyurl.com/y5j5x3oo

Ang mga larawang nasa itaas ay mga ibat-ibang simbahan sa buong daigdig. Saang
simbahan ka kaya nagsasamba?

3
KRISTIYANISMO

Mga Simbolo
Kristiyanismo
⮚ Ito ay pinakamalaki at pinakalaganap na
relihiyon sa buong daigdig.
⮚ Tinatatayang 1.7 bilyon ang bilang ng
mga kristiyano ngayon o 33% ng
populasyon sa diagdig.
⮚ Sumusunod sa mga turo at kwento
tungkol kay Hesukristo ang mga
Kristiyano.
⮚ Bibliya ang batayang aklat ng mga
Kristiyano.
⮚ Maibubuod sa dalawang utos ang mga
turo ni Hesus
⮚ “Mahalin mo ang Diyos ng higit sa lahat.”
“Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng
pagmamahal mo sa iyong sarili”

Mga Paniniwala ng Kristiyanismo:

⮚ Nilikha ng Diyos ang sansinukob at ang unang lalaki at babae na sina Adan
at Eba
⮚ Tinukso ni satanas sina Adan at Eba na huwag sundin ang ipag-uutos ng
Diyos. Ang paglabag na ito ang nagdulot ng kasalanan sa mundo na minana
ng sangkatauhan.
⮚ Si Hesus ang nag-iisang anak ng Diyos na nagkatawang tao upang iligtas
tayo.
⮚ Ang mga grupong naniniwalang diyos si Hesus ay naniniwala sa konsepto ng
tatlong persona: Ang Diyos Ama. Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo
⮚ Naniniwala ang halos lahat ng Kristiyano na may kaligtasan.
⮚ Umaayon sila na may buhay na walang hanggan.
⮚ Muling nabuhay( resurrection) si Hesus , at babalik muli pagdating ng
katapusan ng daigdig
⮚ Nagsimula bilang isang sektang Hudyo ang Kristiyanismo. Pagkatapos
mamatay ni Hesus, ipinahayag ng kanyang mga tagasunod o mga disipulo
ang Kanyang turo. Noong ika-apat na siglo A.D., ang Kristiyanismo ay naging
opisyal na relihiyon ng Imperyong Romano . Mula dito, nagsimula itong
kumalat sa maraming bahagi ng daigdig.
⮚ Dito nabuo ang tatlong pangunahing grupo ng mga Kristiyano. Romanong
Katolikong Simbahan , mga simbahang Eastern Orthodox at mga
Protestanteng simbahan.

4
ISLAM

⮚ Tinatawag na Muslim ang tagasunod ng Islam. Ang Muslim ay isang salitang Arabo
na tumutukoy sa isang tao na sumasailalim sa kagustuhan ng Diyos.

⮚ Narinig niyo na ba ang salitang Jihad? Ang Jihad ang pakikipaglaban upang maabot
ang isang minimithi, katulad ng pagkamit ng isang propesyon, kalinisan sa sarili, o
kaya’y iba pang dakilang hangarin.
Ang mga Tungkulin ng Isang Muslim ayon sa Paglalarawan sa Limang Haligi ng Islam
1. Ang pagbigkas ng shahadah. Isang pagpapahayag ng paniniwala ng mga Muslim. Ayon
dito: “Walang ibang Diyos kundi si Allah, at si Mohammed ang kanyang Propeta”. Inuulit ito
ng karamihan sa mga Muslim nang kahit isang beses sa isang araw.

2. Ang pagsasagawa ng salat(dasal) limang beses sa isang araw. Ginagawa ito habang
nakaharap sa Mecca, ang lugar na pinanganakan ng propetang si Mohammed. Ginagawa ito
tuwing umaga bago sumikat ang araw, sa tanghali, sa gitnang hapon, paglubog ng araw at
bago matulog Ka’aba- isang dambanang Muslim sa Mecca.

3. Karaniwang pagbibigay sa kawanggawa sa pamamagitan ng zakat, isang buwis na


pangkawanggawa na katumbas ng 2.5 ng sweldo ng isang Muslim. Hinihikayat ding magbigay
sa mga nangangailangan ang isang Muslim kapag ginusto niya.

4. Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan. Pininiwalaang ito ang buwan kung kailan
natanggap ni Mohammed ang unang pahayag ng Koran mula kay Allah.

5
5. Ang pagsasagawa ng kahit isang haij (pilgrimage) o isang paglalakbay sa banal na Mecca,
kung kaya ng pangangatawan at pananalapi.

HINDUISMO

Simbolo ng Hinduismo

Ang nag-iisang pangunahing relihiyon na


walang nag-iisang tagapagtatag, tiyak na
sistema ng paniniwala, nag-iisang sistema
ng moralidad, o sentrong samahang
panrelihiyon. Lumaganap ito sa India noong
1500 B.C. Mayroon itong 762 milyong
tagasunod na 13 % ng buong populasyon sa
daigdig.
Sumasamba rin sila sa iisang Diyos ang
mga Hindu. Tinawag na Brahman ang
kanilang Diyos na kalahatan at matatagpuan
saan man.
Ang mga Veda ang mahalagang kasulatan
ng mga Hindu. Mga banal na kasulatan ito
na tungkol sa iba’t ibang paksa, tulad ng
pagsamba ng Diyos.

https://tinyurl.com/y7h2pwol

Ang kanilang bathalang si Brahman ay kilala sa tatlong katauhan:

1. Brahma - Ang Tagapaglikha at patuloy na lumikha ng mga bagong katotohanan


(reality).
2. Vishnu o Krishna - Ang Tagapagpanatili, na nagpanatili ng bagong likha.

3. Siva o Shiva - Ang tagapagsira, na siyang sumisira upang makalikha ng


mga bagong bagay.

Maraming pang higit na mababang diyos at diyosa ang sinasamba ng Hindu. Maaring
magkaroon ang bawat tao ng kaniyang personal na diyos o diyosa, hanggat naiitindihan niya
na ang mga ito’y iba’t ibang aspeto ng Diyos na bumubuo sa ibang relihiyon ang mga Hindu.

6
BUDISMO

Simbolo ng Budismo

Tanging relihiyon na umiwas sa dogma


(paniniwala o pananalig na dinidikta ng a
dogmamay posisyon na tinatanggap bilang
katotohanan).
Itinatag sa India ng Buddhang si Sidharta
Gautama.
Ipinanganak siya noong 563 B.C. sa lumbini, na
nasa kasalukuyang Nepal. Sa edad na 29,
iniwan niya ang kanyang asawa, anak, at mga
kilusang political upang hanapin ang
katotohanan. Naging isang ascetic o isang
taong hindi tintanggap ang mga pisikal na
ginhawa at kaligayahan si Siddharta.Noong 535
B.C.E., natagpuan niya ang katotohanang
hinharap niya at nagmula noon, tinawag na
siyang “Buddha.” The Enlightened One o ang
nakakakita sa katotohanan, ang ibig sabihin ng
Budhha.

https://tinyurl.com/y8mq3gk
y

Maraming tao ang naniniwala na nananampalataya kay Buddha ang mga Buddhists.
Hindi ito totoo. Nangangahulugan ang titulong Buddha na ang taong namulat (who has
awakened)” o ang taong nakakita ng katotohanan o one who has been enlightened.”
Tumutukoy ito sa taong nakakita ng katotohanan. Hindi Diyos si Buddha. Hindi sumasamba
sa iisang Diyos o sa kahit na sinong Diyos ang mga Buddhist.

Naniniwala sila na may iisang pagkalahatang pwersa o supreme universal force. Hindi
nagngailangan ang pwersang ito ng pagsasamba dahil ito ang lahat ng bagay at nasa lahat
ng lugar. Bahagi ng pwersa ang mga tao. Kahit ang mga puno at bato. Kung sinasamba mo
ang pwersa, sinasamba mo na rin ang lahat ng iyong nakikita.

Nakikita ni Buddha na walang permanente sa daigdig. Nakita niya na ang daigdig at


ang sarili (ego) ay mga likhang- isip (illusions) lamang. Naisip niya ang pagpapahalaga natin
sa mga ilusyon ang dahilan ng paghihirap. Nilikha ni Buddha.

Apat na Dakilang Katotohanan (Four Noble Truths):

1. May pagdurusa sa ating daigdig


2. May dahilan ang pagdurusa
3. May katapusan ang pagdurusa
4. Mayroon landas na humahantong sa pagwawakas ng pagdurusa

7
JUDAISMO

Ito ang relihiyon ng mga Hudyo o mga Israelita. Isa to sa Abrahamikong


relihiyon na kinabibilangan din ng mga Kristiyanismo. Umugat ang mga relihiyong
ito noong panahong nagtatag ng banal na kasunduan ang Diyos ng mga Israelita
kasama si Abraham. Tinatayang mayroong 18 milyong Hudyo sa buong Daigdig.
Naniniwala nag mga Hudyo na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng nandito
sa daigdig. Siya lamang ang nag-iisa, walang katawan, at ang dapat sambahin
bilang panginoon ng sansinukob. Tinatawag na Tanakh ang banal na aklat ng mga
Hudyo. Napapaloob dito ang mga salita at utos ng Diyos, pati pa rin a ang kasysayan
ng mga Hudyo.
Ang Tanakh ang banal na aklat ng mg Hudyo ay binubuo ng tatlong grupo
ng mga aklat:

Simbolo ng Judaismo Ang Torah na binubuo ng aklat ng


Exodus, Leviticus, Numbers at
Deuteronomy.

Ang Nevi’im “na binubuo ng aklat ng


https://tinyurl.com/y7h2pwol

Isaiah, Amos at iba pang mga propeta.

Ketuvim na kabilang aklat ng Kings,


Chronicles, at marami pang iba.

Ang Sinagoga o Synagogue- tawag sa


lugar na sambahan ng mga Hudyo

Rabbi- ang tawag sa kanilang


tagapagturo na maalam sa mga batas at
tradisyon ng mga Hudyo.

▪ Naniniwala ang mga Hudyo na mas mahalaga ang paggawa at pagkilos kaysa
pananampalataya at paniniwala.
▪ Hindi sila naniniwala sa unang kasalanan (ang paniniwala ng lahat ng tao ang
kasalanang ginawa nina Adan at Eba)
▪ Naniniwala sila na mabuti ang daigdig at ang mga tao rito sapagkat likha ng Diyos ang
lahat ng mga ito.
▪ Naniniwala rin sila na hindi kailangan ng tao ang tagapagligtas o tagapamagitan na
magpapalapit sa kanila sa Diyos.
▪ Ang sinuman ay maaring mapalapit sa Diyos ay maaring maging banal ang kanyang
buhay sa pamamagitan ng pagsunod sa mitzvoth o banal na utos ng Diyos.
▪ Hindi tumutukoy ang Messiah ng Hudyo sa tagapagligtas na maglalapit sa kanila sa
Diyos. Tumutukoy ang salita sa isang hari na magbubuklod sa mga Hudyo pabalik sa
kanilang lupain sa Israel.

8
Suriin

Panuto: Suriin ang mga tanong sa ibaba at sagutin at ito. Isulat ang iyong sagot sa
inyong kwaderno o notebook.

1. Ano- ano ang mga relihiyon sa daigdig?


2. Pumili ng isang relihiyon at suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba sa paniniwala o
relihiyon na iyong sinusunod?
3. May pagkakaiba ba ang sistema ng paniniwala noong panahon ng ating mga ninuno
sa panahon natin ngayon? Ipaliwanag .
4.Paano napalawak ang iyong pananaw tungkol sa relihiyon batay sa pag-aaral natin sa
mga ito?

Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Alamin at suriin ang mga larawan na sumisimbolo sa bawat relihiyon. Isulat
sa kwaderno ang sagot kung ito ay Kristiyanismo; Islam; Budhismo; Judaismo;
at Hinduismo.

9
Isaisip

May limang pangunahing relihiyon sa buong daigdig. Ito ay ang Kristiyanismo,


Hinduismo, Budismo, Judaismo at Islam.

Isagawa

Panuto: Gumupit o gumuhit ng mga larawan ng iba’t-ibang simbahan o pook dasalan


ng limang (5) pangunahing relihiyon sa daigdig. Lagyan ng simbolo ang bawat pook-
dasalan na nagupit o naiguhit. Ilagay ito sa iyong kwaderno at lagyan ng caption ang
bawat larawan.
Pamantayan sa Paggawa:
A. Pagkamalikhain - 5 puntos
B. Akmang Kulay - 5 puntos
C. Kaangkupan sa Paksa - 5 puntos
D. Kalinisan at Kaangkupan 5 puntos
TOTAL 20 puntos

10
Tayahin

Panuto: Basahin at suriin nang mabuti ang bawat aytem. Piliin ang tamang sagot at isulat ito
sa inyong kwaderno. Titik lamang ang isulat.

1. Ito ay ang pinakamalaki at pinakamalaganap na relihiyon sa buong mundo.


a. Islam b. Kristiyanismo c. Hinduismo d. Judaismo
2. Ang kinilalang batayan ng pagkilos ng tao sa kanyang pag-araw-araw na pamumuhay.
a. wika b. lahi c. pangkat d. relihiyon
3. Ang mga Kristiyano ay sumusunod sa aral ni _________?
a. Hesukristo b. Mohammed c. Brahma d. Buddha
4. Ang tanging relihiyon na umiwas sa dogma (Paniniwala o pananalig na dinidikta ng may
posisyon, na tinatanggap bilang katotohanan).
a. Budismo b. Judaismo c. Hinduismo d. Kristiyanismo
5. Ang kanilang bathalang si Brahman ng mga Hindu ay kilala sa tatlong katauhan: Alin ang
HINDI kasama?
a. Caste b. Vishnu c. Brahma d. Shiva
6. Ang Abrahamikong relihiyon na kinabibilangan din ng mga Kristiyanismo at relihiyon ng
mga Hudyo.
a. Islam b. Budismo c. Judaismo d. Kristiyanismo
7. Ano ang pinakabata na relihiyon sa buong mundo?
a. Islam b. Judaismo c. Hinduismo d. Budismo
8. Ang ibig sabihin ng salitang ito na “The Enlightened One” o ang nakakakita sa
katotohanan”.
a. Buddha b. Allah c. Brahma d. Ramadan
9. Naging malaking salik sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian at pagkasawi ng
maraming buhay. Ano ito?
a. kasaysayan b. relihiyon c. wika d. ritwal
10. Maibubuod sa dalawang utos ang turo ni Hesus na “Mahalin mo ang Diyos ng higit sa
lahat” at “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili”. Sa
anong pananampalataya sinusunod ito?
a. Hinduismo b. Judaismo c. Kristiyanismo d. Buddhismo

11
Karagdagang Gawain

Gawin ang nakasulat sa ibaba. Isulat ito sa kwaderno.

Sumulat ng isang sanaysay, o awit, o


gumawa ng poster patungkol sa iyong
paniniwala o pananampalataya. Ilarawan
kung paano napanatili ang iyong
paniniwala sa kabila ng pandemyang
naranasan.

Rubric para sa Karagdagang Gawain

Pamantayan 10 8 6 4

Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula

Nilalaman Nasasagot ng Nasasagot ang Hindi lahat ng Walang


maayos ang mga tanong kaalaman ay kaugnayan
mga tanong. ngunit di wasto nailahad. May ang mga
Wasto at ang ilan. mga maling pangunahing
magkaugnay- impormasyon at impormasyon
ugnay ang mga hindi naiugnay sa
impormasyon ang mga ito sa kabuuanng
sa kabuuan kabuuang paksa. gawain.

Organisasyon Organisado ang Organisado ang Hindi malinaw Hndi


mga mgasagot ngunit ang sagot sa mga organisado
impormasyon di masyadong katanungan. ang sagot at
nakuha ang hindi
tamang punto o malinaw.
sagot.

12
Susi sa
Pagwawasto

Subukin at Tayahin:
1. B
2. D
3. A
4. A
5. A
6. C
7. A
8. A
9. B
10. C

Sanggunian
Aklat:

Department of Education, “Relihiyon” Kasaysayan ng Daigdig, Modyul


para sa mag-aaral; Unang Edition, 2013 SBN: 978-971-9990-74-1 page
33.

Website:

https://www.slideshare.net/mirasolcortanrolluqui/mga-pangunahing-
relihiyon-sa-mundo

https://search.yahoo.com/search?fr=mcafee&typeE214US662GO&p=simbolo+
ng+mga+pangunahing+relihiyon+sa+daigdig (Accessed June 13, 2020)

https://www.slideshare.net/leicangelica/mga-relihiyon-sa-asya-
4070246140702461

https://images.search.yahoo.com/search/images;ylt=Awr9CWizOBVfj7oAab5X
NyoA=larawan+ng+ibat+ibang+pook+dasalan&fr=mcafee

13

You might also like